CHAPTER 23: BE READY ZARCH

743 24 0
                                    

JAIRA’S POV; (The fake shea)
I’m so happy because I’m with Zarch. Dati gustong-gusto ni Zei na maghiganti kay Zarch pero ngayon nagbago na ang pananaw nya. Tsk? As if naman na susundin ko sya? Ngayong nasa akin na si Zarch at wala na si Shea ay magagawa ko na ang kung anong gugustuhin ko. Akala ba nila madaling magpanggap bilang isang pangit na Shea? Nakakairita kaya! Lalo na pagnakikita ko ang dalawang bruha na kaibigan ni Shea.

“Where’s, Zarch?” tanong ko sa kapatid nyang si Reid.

Wala kasi sya ngayon dito sa mansion. “Don’t ask me,” sagot naman nito at hindi lumilingon sa ‘kin.

Pare-pareho sila. Hmp. Ganyan ba sila kay Shea? O baka naman alam na nila na ako ang fake kaya ganto? NO. HINDI AKO PAPAYAG! PAPATAYIN KO TALAGA

‘YANG SHEA NA ‘YAN. Jaira! Relax yourself! Nakakasira ng beauty ang pagiging OA. “Hmp. D’yan na nga kayo. Mga walang k’wenta,” inis na sabi ko saka umalis at hinanap si Zarch.

Hindi ko rin naman sila makakausap ng matino at kung makakausap ko man ay malamang sa ibang bagay. Napabuntong hininga na lang ako sa mga planong naiisip ko dahil sisiguraduhin kong magsisisi si Shea na nakilala nya pa ako at nabuhay pa sya sa mundo.

SHEA’S POV

Naalimpungatan ako sa ingay na naririnig ko sa paligid ko at hindi ko magawang maimulat ang mga mata ko dahil sa sobrang antok at pagod ko sa mga nangyare. “Akira, ‘wag kang maingay! Baka marinig ka nya,” sabi ni Tamaro at kahit hindi ko imulat ang mga mata ko ay alam kong boses nya iyon.

“Tsk? H’wag ka nga! Gising na rin naman ‘yan nakikinig lang,” masungit na sabi ni Akira.

Tsk? Ba’t ba napaka sadista nya? T’saka paano nyang nalaman? Grabe kakaiba ang pakiramdam ng isang ‘to. “Tama na nga ‘yan. Hayaan nyo muna syang magpahinga ngayon,” saad naman ni Thea.

Kabisado ko na kasi mga boses nila kahit hindi ko tignan o nuksan ang mga mata ko. “Tama… bilib ako sa angking nyang galing sa pakikipaglaban. Tama lang na sya ang pinili natin,” sabi ni Takira.

Napangiti naman ako sa sinabi nito at hindi ko aakalain na sa puntong ito ay magugustuhan nila ang kung ano ang ginawa ko. Gano’n pa man ay naalala ko ang nangyare kahapon.

***Flashback***

“And now I’ll show you who I am.”

Napangiti sila sa nangyayare ngayon. Mabilis akong kumilos at pumunta sa likod ni Akira. She gasped when I did it. Sinipa ko sya sa likod nya at ginamit ko ang water para i-trap sya. Hindi ako nabigo at nagawa ko ‘yon ng maayos.

“One down,” I said.

Then the next is Tamaro. She’s smart but I’m the smartest. Mabilis ko syang pinatamaan ng air blades. Trinap ko sya gamit ang earth element. Hindi na sya nakakilos dahil sa nakapulupot sa kanya ang mga sanga at ugat.

“Two,” ani ko pa at hindi ko inaasahan ang atake ni Thea. “Ahhh,” inda ko at napaupo ako dahil do’n.

Bumawi naman ako sa kanya. Mahina ang fire sa tubig at apoy. Hindi naman ako nabigo sa pag-combine ng mga kapangyarihan ko dahil kasama do’n ng light.

“Three.”

Mabilis kong nilingon si Jarea dahil akmang susugudin nya ako. Ginawa kong pansalag ang espada ko. Ibinigay ko ang buong lakas ko sa espada. Mabilis syang bumulusok palayo sa ‘kin at mabilis akong umikot. Gamit ang dark powers ko. Nanghihina ang mga light sa dark kaya nanghina na din sya at hindi na sya makakalaban pa.

“Four.” Napangiti ako sa nangyare.

Ang hili ay si Takira. Nakita ko kung paano syang ngumiti sa ‘kin. “So? Ako na lang at ikaw,” sabi nito at nakikita kong hindi lang din sya basta-basta.

Hindi ko na sya pinansin at sumugod na. Nailagan nya ang una pero ang ginawa ko ay sunod-sunod kaya nadaplisan ko sya. Pinagalaw nya ang mga puno at ginamit nya ang leaf blades. Kaya nasugatan ang mukha ko. Nakaisip ako ng paraan para matalo ko sya. Nag-teleport ako sa may likuran nya saka ko ginamit ang kapangyarihang apoy at pagkatapos ay ang tubig kaya tumilapon sya sa malayo. Agad akong nag-teleport sa harapan nya at tinapat ang espada ko sa leeg nya.

“Magaling.” Nakangiting sabi nya at saka ko sya tinulungan na tumayo.

Natapos din.

***End of flashback***

Masaya ako dahil masisigurado ko nang maiiligtas ang Chantries. Maghintay ka din impostora ka at ikaw Zarch humanda ka sa ‘kin! Pinagpapalit mo na ang Queen mo ah? Sa malandi pa? Pero nae-excite na ako dahil sa pagkakataon na ‘to alam kong may mas laban na ako.

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now