CHAPTER 14: TRIPLETS

1.3K 47 0
                                    

TINTIN’S POV

Alam mo ‘yong pakiramdam na bumalik na ang matagal mo ng hinihintay. Sa ilang daang taong lumipas madaming nangyare. Hindi namin inaasahan na p’wede pala syang isilang muli.

“FUCK LEAVE ME ALONE, MARK!” inis na sabi ni Xian.

Paano ba naman itong si Mark inaasar si Xian. Ayaw pa naman ni Xian na inaasar sya. “Baby, talaga I love you,” baklang landi ni Mark kay Xian sabay hawak nito sa dibdib.

“Yuck! Mark itigil mo nga ‘yan!” sigaw ni Shaun.

Nakakatuwa silang tignan lalo na si Mark dahil ang galing nyang magpanggap na bakla. “Don’t worry love ikaw naman next. Kaya ‘wag ka ng magselos d’yan,” sabi nya kay Shaun.

“GAGO!” sagot naman nito.

Tumayo si Xian sa pagkakaupo at itinutok nya ang ice cristal sa leeg ni Mark. Hindi ko alam kung matatawa ako sa reaksyon ni Mark pero napalunok sya sa ginawa ni Xian. “Ito naman ‘di mabiro. Napaka-kj mo naman masyado,” sabi nito at itiniaas ang dalawang kamay na para bang susuko na.

“She’s awake.” Nagulat kami ng biglang sumigaw si King.

Hindi sya excited ‘no? Dali-dali kaming umak’yat-este nag-teleport. Hindi uso sa amin ang umak’yat sa hagdan. Nakakapagod ‘yon. Humelera kaming lahat. Ako, Jean, Shaun, Xian, Mark at Reid

Si King nasa tabi asuswal ni Queen Shea. Halos ayaw nya nga umalis kagabi sa tabi nito, e. Akala mo dinikitan ng mighty band. “Kris.” Bungad ko at niyakap ito.

“Ehem.” Ubong sabi ni Jean.

“Ahh… magandang umaga, Queen Shea,” sabi ni ko at nag-bow ako upang ipakita ang paggalang ko.

Tulala sya at parang may iniisip. Iginala nya ang tingin saming lahat. Mula kay king Zarch hangang kay Reid. Kinakabahan kami at ramdam namin ang tibok ng puso ng bawat isa.

“N-nakabalik na ako,” hindi makapaniwalang sabi nya.

“Yes my queen. Welcome back.” Masayang sabi ni King.

Tila ba may kumislap sa mga mata ni Kris—errrrr— este ni Queen. Isa lang masasabi ko. MASAYA. Nandito na si Queen sa palasyo dahil ng gabing iyon ay dito na namin sya idinala. Ang mga halaman sa palasyo ay parang nagkaroon ng buhay. Iyong mga bulaklak namukadkad. Iyong mga halaman lumago. Marahil ay sa kanya nagmumula ang mga buhay dito. Pati ang palasyo ay biglang nagkaroon ng liwanag.

SHEA’S POV

Nakabalik na ako sa tahanan kung saan talaga ako nakatira… sa Chantries. Na-miss ko ‘to. Akala ko ay panaginip lang ang lahat. Akala ko ay ‘yong mga pangit na nangyayare ay isang guni-guni lang. Unexpected talaga. Pinagmasdan ko ang lalaking katabi ko. His eyes, lips and body. Gosh! Hindi sya nagbago. G’wapo pa rin sya.

“Baka naman matunaw ako nyan?” Napaintag ako ng bigla syang nagsalita.

Natawa sila Jean. Kahit kailan ang lalaking ‘to walang pinagbago. “Kahit kailan hindi ka parin nagbabago,” sabi ko at niyakap sya.

“It is because of you, Shea,” he said.

Kumalas na ako sa pagkakayakap sa kanya at tumayo na. Una kong pinuntahan si Jean. I miss this girl. We've been best friends since we were kids. “I miss you,” she said between her sobs. Ang cute nya kahit no’ng umiiyak.

“I miss you too,” sabi ko at niyakap ko rin sya.
Full of misses. Para bang ayaw ko na pakawalan pa sa pagkakayakap ko. “Tama na baka mamaya madurog mo na si Queen,” sabi ni Shaun.

Itong lalaking ‘to ang tumulong na makaalis ako sa gubat. Iyong muntik nang maka-score. Aagawan nya pa ang King nya. “Ikaw!” Turo ko sa kanya.

“Oo na g’wapo ako,” pagmamalaki nya.

Bumalik lang ako ang yabang na nya. B’wisit. “Wala akong sinabi,” sabi ko sabay batok sa kanya. Iba na sila ngayon, go to the flow na sila. Nahawa na sa mundo ng mga tao. “Teka. Paano nyo nga pala ako nahanap? I mean… paano nyo nalaman na ako ito?” tanong ko sa kanila.

Dahil sinumpa ko no’n na wala sino man ang makakakilala sa ‘kin. “Si King ang gumawa ng lahat,” sabi ni Reid

“Paano?” Kunot noong tanong ko.

“Nalala mo ba? Iyong mga lalakeng pumasok sa room nyo? Iyong nahimatay ka?” sabi ni Jean.

“Oo, bumilis ang tibok ng puso ko. Parang nae-excite na ewan,” sabi ko.

“Iyan, ‘yan din dati ang dahilan kung paano nakuha ni King ang puso mo.” Natatawang sabi ni Xian.

“Ibig sabihin… ginamit mo ‘yon?” tanong ko sa kanya.

Wengya ‘tong kumag na ‘to gamitin daw ba sa ‘kin ‘yong kapangyarihan nya?

“Ikaw din ba ‘yong nasa power room noong oras na ‘yon?” tanong ko.

“Huh?” Napakunot sya ng noo. “Kailan?”

“Iyong lalakeng naka red hoody. Ikaw din ba ‘yon?” tanong ko.

“Hindi si King ‘yon. Ginaya lang siguro,” singit ni Tintin

“Huh? E, sino ‘yon?” takang tanong ko.

Alam ko ang aura si Zack at Zarch. Pero itong isa iba, e. “Si Zei ‘yon,” sabi naman ni Zarch.

Huh? Sino naman ‘yon?

“Sinong, Zei?”

“I think you need to know him. Actually, we are triplets. First, Zack, Me, and Zei. Zie has the ability that copy the powers of us. Baka sya ang nakita mo nang mga oras na ‘yon,” paliwanag nito.

WHAT THE? TRIPLETS? Never nyang sinabi na triplets sila dahil ang alam ko twins lang sila. Pero kapatid din nila si Reid? Naguhuluhan ako. Si Zarch, Zack at Zei? Triplets?

E’di apat sila magkakapatid?

ZARCH ZEIL, ZACK ZEIL, ZEI ZEIL at REID ZEIL

Hindi ito kinekeri ng BANGS KO!

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now