CHAPTER 28: BACK TO PALACE

736 28 0
                                    

SHEA’S POV

May naramdaman akong kung anong gumagapang sa bewang ko. Tapos may naaamoy akong amoy mint at ang bango no’n. “Good morning my Queen.” Napamulat ako ng mata ko dahil sa narinig ko.

Nilingon ko kung sino ito at nakita ko ang mukha ni Zarch. Tinitigan ko syang mabuti at tila kinakabisado ang kanyang buong pagkatao. “Don’t look at me like that my Queen, baka matunaw ako,” sabi nito na syang kinakunot ko ng noo.

Ang kapal pala talaga ng mukha nya ‘no?
“Alis d’yan,” sabi ko at saka ko sya tinulak.
Hindi ko alam kung bakit nang mapahawak ako sa dibdib nya ay naramdaman kong parang bato-bato ito.  “T’sinatsansingan mo ‘ko, Queen,” sabi nito at saka sya ngumisi.

Mukhang may kalokohan na naman ‘tong abnoy na ‘to. Hindi ba sya marunong mandiri sa sinasabi nya? Like ewww? “Jerk.” Umalis ako sa pagkalayakap nya sa ‘kin.

“Okay then, but wait. I have a good news.” Nakangiti nyang sabi.

“What is it?” tanong ko habang ‘yong hintuturo ko ay nakahawak sa baba ko.

“Bumalik na ang kapangyarihan ko pero mas malakas kaysa sa noong una,” sabi nito at nanlaki ang mata ko.

“Really?” mangha kong sabi.

“Yes.” Dinamba ko sya ng yakap. “Heeyyy. Queen I cant breath- accckkk.” Humiwalay ako kaagad nang yakap nang maramdaman kong nasasakal na sya.

Gano’n ba ‘yon kahigpit? 

“Hehehehe. Sorry King I’m just happy,” sabi ko.

“Grabe ka naman matuwa. Kailangan nasasakal ako,” ani nito at saka napahawak sa leeg nya.

“Bahala ka na d’yan. Maliligo na muna ako,” paalam ko sa kanya.

Pumasok na ako ng banyo at naligo. Babalik ako ngayon ng Chantries. Kaya lang naman ako nandito ulit sa Prilium dahil lang doon sa impostorang si Jarea. “Queen!” tawag ni Shaun sa ‘kin.

Agad na niyakap nya ako at sa totoo lang ay na-miss ko sya. Humiwalay na ako kaagad baka makita pa ni King dahil baka magseselos ‘yon pero mabait ‘tong si Shaun. “Mabuti at ayos ka lang,” ani nito at tinignan ang kabuuhan ko.

“Oo naman ‘no! Ako pa ba? Where’s Jean and Tintin?” tanong ko dahil wala sila dito.

Nasaan kaya ang dalawang bruha? Nakapagtataka naman na wala sila dito kasi hindi p’wedeng hindi maging tahimik ang buong paligid. “Wala sila kagabi pa,” sabi ni Reid.

“What? Nasaan nagsuot ang dalawang ‘yon?” takang tanong ko.

Hindi naman sila aalis dito sa palasyo ng hindi nagpapaalam. “Hindi namin alam. Hinanap namin sila all sa buong palasyo pero wala sila,” sagot naman ni Mark.

Bigla naman akong kinabahan. Hindi lang basta kaba may kasamang takot. Nasan ba ang dalawang iyon? Nag-uumpisa na akong kabahan.

“Sigurado ba kayo?” paninigurado ko.

“Oo,” sagot ni Xian.

“Si Zarch nasaan? Gusto ko muna syang makausap bago ako bumalik sa Chantries,” pagbabago ko ng topic.

Dahil hindi talaga mawala ang kaba sa aking dibdib. Nasa’n ba kayo, Tintin at Jean? “Nando’n si King sa training room,” pagkasabi nila no’n ay pumunta agad ako.

Nang makarating doon ay nakita ko syang nag-eensayo. Malakas sya ngayon kaysa noong una kaya dama ko ang kanyang. Hindi ko akalain na magbabalik ang kapangyarihan nya gayong kinuha ito ni Zack. Napatigil sya sa ginagawa nya ng masilayan ako kaya lumapit sya sa ‘kin.

“I want to say goodbye before I left.” Napakunot sya ng noo.

“Why?” tanong nya.

“Matagal na nang huli kong makita ang mga magulang ko at nakasama. I want to stay there for a few months,” pagsisinungaling ko.

Ayaw ko malaman nya ang totoo. “Okay, my Queen. Kung may kailangan ka nandito lang kami handang tumulong,” sabi nya at saka nya ako niyakap.

Ngumiti na lamang ako bilang pagsang-ayon. Kiniss nya ako sa noo ko at saka sa ilong ko hanggang sa lips ko. Anak ka ng pating Zarch! “Paalam mahal ko,” sabi ko at saka umalis na.

Pagkadating ko ay agad kong pinaghanda ang mga kawal. Alam ko kung kailan sila susugod malapit na dahil kabilugan na ng b’wan sa isang linggo. Kailangan ko ihanda ang mga kawal namin upang mapangalagaan ang aming palasyo.

“Mag-ensayo kayong lahat dahil tayo ay sasabak sa labanan. Sa kabilugan ng b’wan sa susunod na linggo may mga b’wisita tayong darating kaya mabuti na ang handa,” sabi ko. 

Nasa isang libo ang mga kawal dito pero ayaw kong umasa sa mga kakayahan nila. Nagsipag-ensayo na silang lahat habang ako naman ay nag-iisip kung paano ko lalagyan ng barrier ang buong palasyo ko ang palasyo namin. “Anak, anong nangyayare? Bakit tila naghahanda ang mga kawal natin?” Nagulat ako dahil bigla nalamang sumulpot si ina.

“Paumanhin ina ngunit hindi ko p’wedeng sabihin,” sabi ko.

Kailangan wala sila dito sa oras na lumusob sila Zack. “Ngunit ako’y nangangamba sa anong kapahamakang p’wedeng mangyare anak,” sabi nito at napangiwi ako.

Kailangan kong gawin ‘to ina kaya sana mapatawad mo ko sa gagawin ko. 

“Patawad po.” Saka ko hinipan sya ng sleeping poweder.

Kailangan ko na muna syang dalhin kila Akira. Nagteleport ako papunta sa Water kingdom. Nakita ko naman na busy si Akira. “Alam ko na ang pakay mo kaya maaari mo na syang iwan d’yan,” sabi nito.

Aba? Alam na alam nya ah? 

“Salamat,” sabi ko at inihiga ko si ina doon ngayon kailangan ko naman makita si ama.

Pumunta ako sa silid kung saan sya lagi. Hindi ako nagkamali dahil nandito nga sya. “Oh, anak? Ano’t nandito ka? May kailangan ka ba?” tanong ni ama pero hindi ko sinagot ang tanong nya.

Lumapit ako kay ama saka nag-blow ng sleeping powder. Saka ako nagteleport papunta ulit kay Akira. Iniwan ko sila doon na magkatabi. “Patawad ina. Patawad ama. Gusto ko lang na makasigurado na ligtas kayo,” sabi ko at saka ko sila hinalikan sa pisngi nila. 

Sana maintindihan nyo ko. Umalis na ako at saka pumunta sa tuktok ng palasyo para maglagay ng barrier. Sa paglagay ko no’n ay sinigurado kong matibay ito. Sunod kong gagawin ay hahanapin ko muna sila Jean at Tintin. Hindi talaga ako mapalagay na wala sila.

Umalis muna ako sa palasyo at umpisahan ang paghahanap sa dalawa. Nandito ako ngayon sa may silid kung saan p’wede silang magparoon at parito ang dalawa pero wala sila doon. Naisip ko ang basement at naisipang pumunta doon at nagbabakasakaling nandoon sila. Pumasok ako pero walang tao. Hinalughog ko ang boong basement pero wala ‘ni isang bakas nila. Nasaan sila? Imposible naman na aalis ang dalawa na ‘yon, e.

“May hinahanap ka?” Napahinto ako nang marinig ko ang pamilyar na boses.

Sa ginawa ko sa kanya ‘di ko akalain na mabubuhay pa sya? Sa lakas ng aking ginawa sa kanya alam kong walang mabubuhay sa gano’n pero… sya… grabe. Ang lakas nya. Pero s’yempre mas malakas ako.

“Jaira?” ani ko sa pangalan nya.
 

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon