CHAPTER 22: HER TRAINING

719 23 0
                                    

ZACK’S POV

“B’WISIT! FUCK YOU ZEI! SINIRA MO ANG PLANO KO! NAKAKAINIS,” pagwawala ko.

Hindi ‘to p’wede. Malalaman nyang sasakupin ko ang Chantries at sigurado akong gagawa sya ng paraan para mapigilan ako. Hindi ako papayag! “HANAPIN ANG ALIBUGHA AT HIBANG KONG KAPATID  AT PATAYIN!” sigaw na utos ko sa aking mga alagad.

Hindi ako papayag na masira ang plano ko. Humanda ka Zei Dahil kahit kadugo kita talaga papatayin kita.

SHEA’S POV

Masakit… masakit matalo… masakit tanggapin ang katotohanan. Masakit masabihang mahina, walang k’wenta at lampa. Ngayon ang last training ko. Ngayon ko kailangan mas makontrol ang kapangyarihan ko. Kailangan ko itong gawin para sa Chantries. Si Zei hindi na sya galit kay Zarch at tangap nya na ang katotohanan. Kaya kailangan ko ng mahanap ang libro ko para matanggal ko sa kanya ang sumpa.

“Ano Shea? Basta ka na lang bang susuko?” saad ni Jarea.

Hindi ko na kaya dahil puro sugat at pasa na ang katawan ko. Nanghihina na rin ako. “Ang daming umaasa sa ‘yo. Ang daming nangangailangan ng tulong mo. Kaya LUMABAN KA, SHEA!” sigaw sa akin ni Akira.

Nanatili pa rin akong nakadapa. Nanlalabo na ang paningin ko dahil na rin sa pagod. Hindi ko alam kung kakayanin ko pa. “Ang libro mo ang naglalaman ng lahat. Gusto mong matanggal ang sumpa ni Zei ‘di ba?” sabi nito at tila ba automatic akong gumalaw dahil sa sinabi ni Takira.

Tama sya kailangan kong nakuha ang libro na ‘yon para mawala na ang sumpa kay Zei. “Nasaan ang libro ko?” pinilit kong magsalita kahit nahihirapan ako.

“Bumangon ka d’yan. ‘Pagnanalo ka laban saming lima makukuha mo na ito,” sabi ni Tamaro.

Kailangan kong makuha ‘yon para sa ikakapanatag ng kalooban ko. Para matanggal na ang sumpa kay Zei. Para mamuhay na sya ng normal na hindi sa dilim nagtatago. Tumayo ako at saka ko inipon ko ang lakas ko. Water, Earth, Air, Fire at light. Pinagdikit ko ang parehong palad ko saka ko ipinikit ang mga mata ko. Naramdaman ko ang kapangyarihan at lakas ko mula sa loob ng katawan ko. Dumaloy ito sa aking katawan papunta sa aking palad. Naramdaman kong lumutang ako. Nililipad ang mahaba at kong buhok. Inilapat ko ang aking braso at naramdaman ko ang unti-unting paglabas ng kung anong bagay sa aking likod. Iminulat ko ang aking mata at saka ako ngumisi sa kanila.

“Umpisahan na ang laban!” sigaw ko.

Iba na ang suot ko ngayon. Golden dress with golden sandals. Golden wings with golden armor. And golden sword. “And now I’ll show you who I am.” Nakangiti kong sabi.

TINTIN’S POV

Isang b’wan na namin napapansin ang pag-iiba ng ugali ni Queen. Mataray sya samin ni Jean at hindi sya gano’n dati. “Zarch. Sige na please? I want to go in the mall kasi, e,” maarte nyang sambit kay Zarch.

Hindi sya si Shea, sigurado na akong hindi sya ‘yan. Hindi nagpupunta ‘yon ng mall dahil ayaw nyang nagpupunta ng mall. “Kailan ka pa natutong mag-mall?” mataray na tanong ni Jean.

“Mmm… lately?” sagot nya na walang kasiguraduhan.

Pinulupot nya ang kamay nya kay Zarch. Hindi ginagawa ni Shea ang ganyang bagay. “Okay,” walang ganang sagot nya kay Shea.

“Yeey!” Natuwang sabi ni Shea.

“Paano natin malalaman na hindi sya ‘yan?” bulong na tanong ni Jean sa ‘kin.

“Tsk. Kailangan na nating gumawa ng paraan, Tintin,” naiinis nyang sambit.

“Libro…” nabanggit ko.

Tumingin naman si Jean na may pagtataka. “Naman Tintin ngayon mo pa naisipang magbasa?” inis nyang sabi.

“Hindi… ang ibig kong sabihin libro na syang makakatulong kung paano natin malalaman na sya ba si Shea o hindi,” pagpapaliwanag ko.
Tsk? Kahit kailan napaka slow nya. Susme Lord bakit binigyan mo ‘ko ng kaibigan na gaya ni Jean?

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now