CHAPTER 13: WELCOME BACK

1.2K 45 0
                                    

KRISTINE’S POV

Busy ang lahat dahil ngayon ang pinakahihintay na araw ko. Nandito na rin sila kuya at grabe iba na sila kuya. Iyong kulay ng buhok ni kuya Christian asul kay kuya Christopher puti pero bagay naman sa kanya. Iyon nga lang nagmukha syang lolo do’n sa buhok nya. Pero g’wapo pa rin silang dalawa.

“Are you ready, baby?” tanong ni kuya Christian.

Baby pa rin tawag nya sa ‘kin kahit na malaki na ako. “Kuya naman, I’m not baby anymore.” Nakanguso kong sabi.

“But still, your are my baby,” sabi nito at napangiti naman ako.

“Sandali lang kuya picture muna tayo,” sabi ko at nilabas ko ‘yong cellphone ko at nakipag-picture sa kanya.

“Cute!” Nagulat kami ng biglang sumulpot si kuya Christopher.

Saan sya dumaan? Naka-lock kaya ang pinto kaya posible sya do’n dumaan. “’Tol, h’wag kang kabote!” sigaw ni kuya Christian.

Para talaga silang aso’t-pusa. Napangiti nalang ako sa kanila. I miss them. Iyong pagiging makulit nila. Simula no’ng bata pa kami ganyan na sila. Lagi nga nila akong ipinagtatanggol sa mga nang-aaway sa ‘kin. Ang suwerte ko kasi sila ang kuya ko.

“Oh? Bunso? Nababaliw ka na ba? Ba’t ka ngumingiti mag-isa?” tanong ni kuya Christian.

“Wala lang po… I’m just happy because this day I’m not baby anymore. I’m not young anymore. Pero may part sa ‘kin na parang malalayo ako sa inyo. Hindi ko alam kung bakit,” sabi ko at para akong maluluha.

Iyon talaga nararamdaman ko. Kaya naman 'di ako mapalagay. “Shhh! Don’t say that. Hindi ka aalis, hindi ka namin hahayaan na mapahamak,” sabi ni kuya Christopher.

“Hayst! Tama na nga ‘yan! This is your special day She— Baby,” sabi nito at pagkatapos ay niyakap nila akong dalawa.

Matapos ang tagpong ‘yon ay tinawag na kami. Tinulungan ako nila kuya sa pagbaba. Simpleng cocktail dress lang naman ito pero parang may ball gown akong aatinan nito, e. It’s colored pink and pink high heels. Iyong hagdan namin nilagyan ng red carpet. Sa labas ng mansion mayro’ng malaking chandelier at ang dami ng tao. Kinakabahan ako.

Hanggang sa makarating do’n ay inalalayan ako nila kuya. Tinawag ng emcee ang pangalan ko at pumunta ako sa gitna. Tinignan ko muna sila lahat. Sila nanay at tatay pati iyong mga kapit bahay namin. Si Tintin at Mark pati na rin iyong mga classmates namin.

Sa bandang dulo. Sa tulong ng bilog at maliwanag na b’wan ay nakikita ko pa rin sya. Si Mr. red hoody guy. Sa kabila naman ay katulad ni Mr. red guy per kulay gray.

“First of all I want to thank my family. ‘Nay at ‘tay, thank you. Thank you because you are my parents. Mga kuya! Kahit aso’t-pusa kayo mahal ko kayo! Salamat sa kaibigang mayro’n ako, salamat din sa mga taong um-attend sa special na araw na ‘to. Hindi ko na patatagalin ‘to. LET’S PARTY!”

Gusto kong maging masaya at memorable ang araw na ito para sa ‘kin at sa lahat. Gusto kong ma-enjoy ang buhay na mayroon ako.

TINTIN’S POV

Masaya… masaya sya ngayon. Nakakatuwa dahil para syang walang kamuwang-muwang na bata. Pero kailangan nya ng bumalik sa palasyo. Sa pagtatanaw ko sa kanya may naramdaman akong kakaiba. Hindi maganda ang kutob ko dito.

“Nasaan na si King? Ba’t wala sya dito?” tanong ko kay Shaun na ngayon ay abala sa pagikot-ikot ng baso nya.

“Anywhere,” tipid at walang gana nyang sagot.

Naglakad na lang ako at pupuntahan ko si Kristine. Ayaw ko munang malayo sa kanya ngayon. Papalapit pa lang ako sa p’westo nya ay may humarang na sa daan ko. Takte!

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang