CHAPTER 20: SAVE HER (Fake shea)

813 24 0
                                    

SHEA’S POV

Sumapit na ang dilim sa buong kapaligiran. Ito ang kahinaan ng mga light user, dahil hindi nila kakayanin ang ganitong kadilim na kapaligiran lalo’t mayroon itong dark light. Pero iba ako, hindi ko nga alam, e. Parehong kalakasan ko ang light at dark, hindi ko alam kung paano at bakit.

Half moon. Pinagmamasdan ko ito mula sa veranda nitong imp’yerno nyang kaharian. Wala kang makikitang liwanag dito maliban sa liwanag na nanggagaling sa b’wan. Wala ngang kasiya-siya dito, e.

“Zarch nasaan ka na ba?” tanong ko sa sarili.

“Kumain ka muna alam kong nagugutom ka na,” sabi nito at tinignan ko ang pagkain na dala nya at as totoo lang kahit gusto ko ay ayaw ko.

“No, thanks. I’m not hungry,” sabi ko na may pagkasarkastiko.

“Really?” Lumapit sya sa ‘kin saka ako niyakap mula sa likod.

“BITAWAN MO NGA AKO!” sigaw ko sa kanya.
Hindi ko gusto ‘pag sya ang yumayakap sa ‘kin dahil para akong niyayakap ng demon’yo. “Tsk. Alam ko naman na si Zarch na naman ‘yang nasa isip mo. Sya naman lagi. Ano bang nagustuhan mo sa kanya?” tanong nito.

Hindi ko gusto ang tono ng pananalita nya. “He’s gentle. He’s kind. He’s stronger than you,” sabi ko at kahit naman na hindi ko sabihin ‘yon ay alam nya naman.

“Bakit? Ako ba? lagi na lang sya?” Ibinato nya ang pagkain na inihain nya sa akin.

“Dahil iba sya sa ‘yo!” sabi ko at saka ako humarap sa kanya.

“LAGI NA LANG! OO NA! IBA NA! DAHIL BA MUKHA AKONG DEMON’YO AT SYA ANGHEL? HA!”

Napasinghap ako ng bigla ako nitong sakalin. “Aaacckkk… bi-bita-wan m-mo ako.” Pagpupumiglas ko at hindi lang ito ang unang beses na sinaktan nya ako.

Hindi ko magamit ang kapangyarihan ko dahil may barrier dito. Walangya! Binitawan nya ako sa pagkakasakal. Napaupo ako sa sahig dahil sa ginawa nya. Hindi ko sya talaga maintindihan. “Bakit ba hindi na lang ako, Shea? Bakit ba hindi mo ‘ko kayang mahalin?” Lumuhod sya sa harapan ko.

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko talaga sya maintindihan. His red eyes. Nakikita ko ang pagmamakaawa nito pero hindi no’n mababago ang kung ano ang nangyayare ngayon. Tinanggal ko ang pagkakahawak nya sa baba ko.

“Hindi,” naiiyak kong sabi.

“AHHH!”

Napapikit ako sa ginawa nya pero hindi naman ako ang pinatamaan nito kung hindi ang pader sa likuran ko dahilan para masira ito. Patawad Zack, hindi kita kayang mahalin. Umalis sya ng silid. Zarch nasaan ka na ba? Humiga ako sa kama para matulog pero ipipikit ko palang sana ang mata ko ng may bigla nalamang humaplos sa mukha ko. Agad ay hinawakan ko ang kamay nya at inikot ko ito papunta sa likod nya. Sa tulong ng apoy ay nakita ko ang mukha nya at nanlaki ang mata ko.

“Zei?” hindi makapaniwalang usal ko. “What are you doing here?” Tinanggal ko ang pagkakahawak sa kamay nya at umayos.

“I’m here to save you,” sagot nito.

“Iligtas ako? Pe-pero si Zarch ang magliligtas sa ‘kin,” sabi ko at saka ako umupo ako sa kama.

“Tsk? Si Zarch? Si Zarch na wala ng kapangyarihan? Makakaya ka pa ba nyang iligtas?” Napatingin ako sa kanya at nangunot ang noo ko.

“Anong ibig mong sabihin?” tanong ko.

Imposibleng wala ng kapangyarihan si Zarch. Hindi maari. “Dahil kinuha ni Zack ang kapangyarihan nya para sa katahimikan nyong dalawa. Pero anong nangyare? Nakuha ka pa rin nya ‘di ba? Uto-uto talaga si Zarch kahit kailan.”

Tila na naubusan ako ng lakas dahil sa nalaman ko. Tuso ka talaga Zack. Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo at nakuha mo ang kapangyarihan ni Zarch. “Kung ikaw ang tutulong sa ‘kin, h’wag na,” hindi ko alam kung tama ba ang disisyon ko o hindi pero hindi ako tutulungan ng isang ito kung walang kapalit.

“Alam kong gusto mo nang ulmalis dito, Shea.” Lumapit sya sa ‘kin. Sa sobrang lapit nya ay nagpigil ako ng aking hininga dahil halos two inches na lang ang distansya namin sa isa’t-isa. “Kaya kung ako sa ‘yo. Pumayag ka na.” His green eyes. Para akong hinihipnotise. Iba-iba sila ng kulay ng mata ah? Grey, red and green. Nice color. “I like your brown eyes.” Nakangisi nyang sabi.

Sya ang kahulihulihang nasabi nyan. Kailangan ko na talagang makaalis. Kailangan ko munang paganahin ang utak ko. “Okay, fine.” Hinawakan nya ang kamay ko at ‘yong isa nyang kamay sa bewang ko. MANYAK! “Te-teka? Anong gagawin mo?” sabi ko at nauutal pa dahil patungo kaming veranda. “H’wag mong sabihing?” ayaw ko ang binabalak nya.

“Yep. Tatalon tayo d’yan kaya kapit.” Nakangiting sabi na syang ikinakaba ko.

“TEKA—” Napapikit ako ng bigla kaming tumalon pero wala akong naramdaman na bumagsak kami sa lupa.

“Open your eyes.” Unti-unti kong iminulat ang mata ko at namangha ako sa nakikita ko.

“Lumilipad tayo!” sabi ko at namamangha pa.
Grabe ang ganda ng tanawin mula dito.

“Tsk. Matagal kong pinag-aralan ang lumipad,” sabi nito.

Hindi ko sya pinakinggan malayo na kami sa palasyo ni Zack. Sana makaisip agad ako ng paraan para makabalik.

TINTIN’S POV

Naghahanda na kami dahil ngayong gabi kami pupunta sa imp’yernong palasyo ni Zack. “Sigurado ka bang gagana ‘tong plano mo, Xian?” Jean asked.

“Magtiwala ka lang. Magagawa rin natin ‘to,” sagot naman nito.

Handa na kaming lahat sa bakbakan para makuha si Shea. Shea hintay ka lang konting panahon nalang ay aalisin ka namin d’yan. Pero napahinto ako sa pag-iisip nang makitang wala pa si Zarch. “Nasaan na si King?” tanong ko.

“I’m here.” Napatingin kami sa nagsalita.

Nanlaki ang mata namin ni Jean at gano’n din sila Reid at Xian. Si Mark naman ay natawa. Si Shaun walang pakialam. “Handa ka na talaga sa bakbakan King?” tanong ko.

Nakasuot sya ngayon ng baluti at dahil wala syang kapangyarihan tanging espada nalang ang dala nya. Kami ang back up. “Yea,” sagot naman nito sa akin.

Queen Shea. Maghintay ka lang darating na kami.

THIRD PERSON’S POV

Sa isang magandang lugar kung saan naninirahan ang magagandang nilalang. “Kailangan na natin syang makausap,” sabi ni Thea.

“Tingin mo ba maniniwala agad ‘yon?” sabi naman ni Akira.

“Maniniwala sya kung ipapakita natin,” sabi naman ni Takira.

“Tama. Sya ang napili natin para sa ganitong bagay kaya kailangan din nating gawin ang responsibilidad natin sa kanya,” sabi naman ni Tamaro.

“Hindi nya matatago ang galit nya. Alam nyo naman ang ugali nya. Pero kailangan nyang magsakripisyo, saad naman ni Jarea.

“Sakripisyo?” kunot noong tanong ni Tamaro kay Jarea.

“Nakita ko sa aking manginatain. Sya’y magsasakripisyo para sa buong Chantries at para rin sa ikakabuti ng tatlong magkakapatid,” sabi nito at hindi sila makapaniwala.

“Tunay syang dakila. Tama lang na sya ang ating pinili,” sabi ni Takira.

Si Shea ang kanilang napili dahil sa angkin nitong ganda at galing, talino at pagtitimpi sa ibang tao.

(Sakripisyo ng isa.
Para sa lahat.
Katahimikan ay makakamtan.
Puso’y mananaig sya’y magbabalik.
Pag-iibigan na naudlot muling ibabalik)

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon