CHAPTER 18: ZACK'S TRAP

959 29 0
                                    

SHEA’S POV

Isang normal na araw para sa mga normal na tao. “Sigurado ka bang papasok ka ulit? Matapos ang nangyare noong kaarawan mo?” tanong ni nanay sa ‘kin na tila naninigurado pa.

Gusto ko kasing bumalik sa school. Gusto kong mag-aral. “Opo, ‘nay. Kaya nakikiusap po ako, payagan nyo na ako at h’wag nyo na po akong tanungin,” sabi ko at nakita ko ang pag-aalala sa mukha ni Nanay.

Ayaw kasi nila akong payagan dahil baka daw kasi may mangyareng masama sa ‘kin. Hindi naman ako basta-basta at isa pa ay baka nga sila pa ang matakot sa ‘kin imbis na ako ang matakot sa kanila. Hanggang ngayon iniisip ko pa rin ‘yong sinabi ni Zei. Isinumpa sya dahil kay Zarch. Hindi magagawa ni Zarch ang gano’ng mga bagay. Kailangan kong malaman ang pinagmulan ng lahat. Alam kong hindi naman ako lang ang pakay nila. Alam kong may iba pang dahilan. Kailangan kong makausap si Zarch.

Putik naman kasi ‘di ko sya naaabutan. ‘Pagkagising ko wala na sya. Gano’n ba sya ka busy? “Tingin nyo ba may pag-asang magkaayos ayos ang triplets?” tanong ko out of the blue at napatingin sila sa ‘kin.

Napatigil naman sila at panandaliang napaisip saka nagsalita. “Maybe?” sagot ni Jean at parang hindi pa sigurado.

Gusto kong magkaayos sila dahil naiipit ako sa away nila. Hindi lang ako pati na rin si Reid. Kahit na hindi ko tanungin si Reid gusto nyang magkabati ang mga kapatid nya.

-

Nakabalik na ako sa school and until now walang Zarch na nagpapakita sa ‘kin. Hindi ko alam kung totoong na-miss nya ako or ginu-good time nya lang ako. “Tingin mo wala na silang naalala?” tanong ni Tintin.

Siguro pang benteng ulit nya na tinanong ‘yan sa ‘kin. Naiinis na ako. “Oo nga. Tingin mo ba kung hindi umepektib ang ginawa ko magtatanong ba ‘yang mga ‘yan?” sabi ko at saka ako napa-roll ng mata ko.

Nagugutom na ako, e. Kasi itong babaitang ‘to nagmamadali. Wala si Jean dito dahil nasa Chantries sya. Bumalik dahil kailangan nya pa daw mag-ensayo. Nang makarating kami sa canteen ay kinabahan ako. Para bang may mali sa loob. Pumasok na kami at tahimik ang lahat at tulala.

“Anong nangyayare?” takang tanong ni Tintin.

Hindi ko pinansin ang tanong nya. Tinignan ko ang lahat. Iyong mga mata nila iba ang kulay. It’s black. All black. Hindi ‘to maganda. Bigla silang sabay-sabay na tumingin sa ‘min at napasinghap kami ni Tintin dahil sa gulat. Mukhang mapapasabak kami sa bakbakan pero ayaw ko silang saktan. Sinubukan kong gumamit ng kapangyarihan. Maraming ugat ang tumubo sa sahig at ikinulong ko muna sila.

“Pipigilan lang ba natin sila?” nag-aalalang tanong ni Tintin.

“Hindi natin sila p’wedeng saktan. Kung kinakailangan pigilan lang natin sila. May naisip akong paraan pero kailangan pigilan mo lang sila.” Tumingin sya sa ‘kin.

“Ano namang paraan ‘yan?” tanong ni Tintin.

“H’wag nangmaraming tanong gawin mo na lang!” sigaw ko.

Dumistansya ako sa kanya ng kaunti. Hindi ko pa man na bibigkas ang engkantasyon may biglang humigit kay Tintin. “AHHH,” sigaw nito.

“Subukan mong ituloy ang balak mo.” Itinutok nya ang kanyang espada sa leeg ni Tintin.

“H’WAG!” sabi ko at nababahala.

“Sabi na nga ba’t kagagawan mo ‘to, Zack,” galit na sabi ni Tintin.

“Manahimik ka kung ayaw mong tuluyan kita,” banta nya kay Tintin.

“H’wag! Ano bang gusto mo, Zack?” tanong ko.

“Alam mo naman na ikaw lang ang pakay ko, Shea.” Nakangisi nitong sabi.

“Sige, sasama ako sa ‘yo. Pakawalan mo lang sila pati si Tintin,” seryosong sabi ko na syang ikinakunot ni Tintin ng noo.

Kailangan ko na talagang mahanap ang libro ko. Kung hindi ay mas lalong lalala ang nangyayareng ito. “H’wag Shea! Paniguradong magagalit si Zarch!” sigaw ni Tintin.

“Manahamik ka Tintin. Alam ko ‘yon. Kaya, Zack… pakawalan mo na sila,” sambit ko.

“Madali naman akong kausap, e. Para sa ‘yo mahal ko,” sabi nito na nakangiti at ayaw ko talaga na tinatawag nya akong ganyan dahil naiirita ako.

Binaba nya si Tintin at saka naman ako ang kinuha nya. “Tara na!” sabi ko.

Patawad Tintin… sana maintindihan mo ‘ko.

TINTIN’S POV

Ano bang balak mo Shea!? Putakte naman oh! Bumalik na silang lahat sa normal at para bang walang nangyare. Kailangan ko itong sabihin kay King at hindi p’wedeng tumanga ako sa mga nangyayare dahil paniguradong mayayari ako nito. Sana lang ligtas ay sya. Sana lang walang gawing masama sa kanya si Zack. Dahil ‘pagnangyare ‘yon. Papatayin ko talaga sya! Agad ay nag-teleport ako papunta sa mansyon.

“Oh? Tintin? Ba’t ikaw lang nasaan si Shea?” takang tanong ni Jean ng makarating ako.

“Kinuha sya ni Zack…” nanghihinang sabi ko.

“WHAT?” gulat nyang sabi.

“Tara na kailangan nating bumalik sa palasyo. Kailangan natin maibalita ito kay, King!” sabi ko at pumunta kami sa gitna ng maze.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayare. Humanda ka Zack dahil kukunin namin sa ‘yo si Shea! Maghintay ka lang Shea ililigtas ka namin pangako.

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now