CHAPTER 11: THE TRUTH (Zack and Zarch)

1.4K 47 0
                                    

TINTIN’S POV

Malapit na. Malapit na nya malaman ang totoo. Malapit na ang kaarawan nya. Do’n na mabubunyag ang lahat. Hindi ko alam kung ba’t nila tinago ng matagal na panahon. “Mukhang may iniisip ka ah? Ako ba ‘yan? Don’t worry, ‘di kita iiwan.” Sabay kindat ni Mark.

Kahit kailan ‘tong kulugong ‘to pinapakilig ako pero nakakainis sya seryoso ako e, epal. “Tse! Manahimik ka muna!” pagtataray ko.

“Ito naman naglalambing lang, e.” Pout intong sabi sa ‘kin.

“Naglalandi ang tawag do’n,” sabi ko at saka ako tumayo ako at pumasok sa bahay.

Wala ako sa mood para makipaglandian—este makipaglambingan sa kanya. Dahil iniisip ko si Queen Kristine, “Heyy, babe. Sorry na!” sabi nito at sinundan nya ako hanggang sa kusina.

Kumuha ako ng tubig at uminom. Pagsara ko nagulat ako nasa likod sya ng pinto ng ref. “Ano ba? Papatayin mo ba ako sa gulat, Mark!” galit kong sabi.

“Hindi, ah! Papatayin kita sa magmamahal!” banat nya at ngumuso ang labi nya na senyales para halikan ko sya.

“Corni!” sabi ko pero sa totoo lang kinikilig ako. Ano ba Mark! “Hayst! Nga pala! Malapit na bornday ni Queen Shea—este Kristine. Anong balak mo?” tanong ko sa kanya.

Napahawak sya sa kanyang baba na ani mo’y nag-iisip. Hindi ko alam kung anong iniisip nya.

***Flashback***

Pumunta kami sa isang nilalang na kayang makita ang hinaharap. ‘Di ko alam kung anong ginagawa namin dito. Si King Zarch kasi. “Nasaan sya?” tanong nya do’n sa babaeng naglilinis. Ewan ko kung anong nililinis nya, parang wala namang kalat sa paligid.

“King Zarch. Inaasahan na po namin ang in’yong pagdating. Nando’n po sya sa kanyang silid. Samahan ko na po kayo,” sabi nito at sinundan namin sya.

Isang tagong silid. Grabe ah? Hindi ko alam ito. Kumatok sya ng tatlong bese saka sya nagsalita. “Master nandito na po si King Zarch.” Matapos nya ‘yon sabihin ay tumingin ito sa ‘min. “Maari na po ka ‘yong pumasok,” bumukas ng kusa ang pinto.

Hindi na ako magtataka. Pagpasok sa loob kung ano-anong frame ang nakalagay. Hindi ko nga alam kung ano ba ‘tong mga nakalagay pang iba. Umupo si King sa harap ng table. “Hindi na ako magtatanong kung anong pakay mo, King Zarch. Dahil ngayon malalaman mong babalik ulit si Queen Shea.” Nagliwanag ang mukha nya. Ibig kong sabihin ay nag-aliwalas. Bakas ang kasiyahan nya na malamang babalik ang aming Queen. Dahil nananabik sya dito. Sobrang nananabik. “Pero hindi pa sa ngayon. Daang taon pa ang hihintayin nguni muli ay isisilang si Queen Shea, ngunit sa ibang pangalan,” sabi nito at nag-iba naman ang mukha nito.

“Pa’no pong muli syang isisilang? Patay na po ba sya?” tanong ni Reidson

“Hindi sya patay at maslalong hindi sya buhay. Malalaman nyo din kung anong dahilan. Sya na mismo ang magsasabi pero sa kanyang muling pagsilang wala syang maaalala ‘ni bakas ng nino man wala syang makikilala,” paliwanag nito.

“Ano ang magiging pangalan nya sa hinaharap?” tanong ni King.

Ako nalang lagi ang tahimik. “Hindi ko p’wedeng sabihin sa inyo. Kayo ang makakaalam nito. Ngunit may nagbabad’yang panganib sa kan’ynang muling pagbalik. Ang iyong kakambal King Zarch ay gagawa ng paraan para sya’y muling makuha.”

May ilang beses na nya ito kinuha pero ang alam ko wala na ang kapatid nya? Mali ata ako ng akala. “Ano? Pero patay na ang gagong ‘yon!” Napatayo ito at napasabunot.

Oo nga ilang libong taon na itong ‘di nagpaparamdam. Ilang libong taon narin itong patay. Anong kinalaman nya sa pagkawala ni Queen Shea? “May inilibing syang libro. Libro na syang naglalaman ng lahat,” makahulugan na sabi nito.

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon