CHAPTER 21: FAKE

781 26 1
                                    

SHEA’S POV

Nagising ako sa isang magandang lugar. Full of green, plant and flowers. Ang bango habang pinagmamasdan ang paligid ay nangunot ang noo ko. Teka? Nasaan nga ba ako? Bumangon nako at iginala ang tingin ko. The next thing I saw is— WHAT THE— I’m the middle of the water?

“Gising ka na pala?” isang magandang boses ang aking narinig.

Isang magandang babae ang bumungad sa ‘kin at hindi ako makapaniwala na mayroong isang gaya nya. Lahat ng kung ano sa kanya ay blue maliban sa kanyang balat na maporselana. “Sino ka?” tanong ko sa kanya.

“I’m Akira, ang dyos ng elemento ng tubig,” pagpapakilala nito at napaisip ako sa sinabi nya.

“Dyos ng elementong tubig?” bulong ko sa sarili ko pero narinig nya.

“Oo at nandito ka sa tahanan ko,” saad nya pa.

“Ano po’ng ginagawa ko dito?” tanong ko sa kanya dahil ‘di ko alam kung pa’no ba ako napunta dito.

“Tara.” Hinigit nya ako at sa isang iglap nasa ibang lugar na kami.

Puro damo. Ano ‘to? Bundok?

“Wooow! Ang ganda naman dito!” manghang sabi ko at litiral na naka-nganga.

“Close your mouth,” isang masungit na babae ang nagsabi.

Nag-e-english na rin pala ang mga goddess ngayon. Nakakaloka naman. Napatingin ako sa babaeng may pulang kulay ang mga mata at nakapulang dress at pula rin ang kanyang buhok. Hindi rin nya favourite ang red.

“Sya si Thea and dyos ng elementong apoy,” pagpapakilala ni Akira dito.

Grabe? Kaharap ko ang mga dyosa? Hindi ako makapaniwala. Sobrang nakakabilib ‘to pero nakakapagtaka naman ano naman kaya ang kailangan nila sa ‘kin? “Ano po ba’ng kailangan nyo sa ‘kin?” magalang na tanong ko sa kanila.
Dahil naguguluhan na ako. Hindi ko alam ang nangyayare. “Nandito ka para mag-ensayo ng iyong kapangyarihan,” sabi naman no’ng isang babaeng abo ang kulay. “Ako si Tamaro ang dyosa ng elemtong hangin,” pagpapakilala nya.
Napatingin naman ako sa nakaputing babae. “Ako si Jarea ang diwata ng elementong liwanag,” pagpapakilala din nito.

“At ako naman si Takiraang dyosa ng lupa at kalikasan,” sabi no’ng naka green.

Hindi naman siguro sila mga Japanese ‘no?

“Okay? So, ano nga po ang ginagawa ko dito? Ba’t po ako magte-training?” naguguluhang tanong ko.

“Nandito ka para sa kapangyarihan na ipinagkaloob namin sa ‘yo. Kapangyarihan na syang pumili sa ‘yo,” saad ni Tamaro.

Kapangyarihan ang pumili sa ‘kin? Kailan pa nangyare na kapangyarihan ang pipili sa maaring mag may-ari sa kanila. “Kapangyarihan na pumili sa ‘kin?” Kunot noong sambit ko.

“Oo. Naalala mo ba ‘yong araw na sumugod si Zack? Iyong malaking bolang itim na ibabato nya kay Zarch?” sabi nito at bigla ay naalala ko ‘yon.

Bigla na lang akong nagalit sa kanya no’n. Hindi ko alam ang sunod na nangyare matapos ‘yon. “Doon lumabas ang tunay mong kapangyarihan, Shea,” sabi naman ni Akira.

“Kaya ngayon mag-umpisa na tayo,” hindi na ako naka-react dahil hinatak ako ni Tamaro.

JEAN’S POV

Nandito kami ngayon sa kaharian ni Zack. Ang dilim at wala akong makita. Kasama ko sila Xain at Shaun tapos ay kasama ni King sila Tintin, Reid at Mark. “Ano na? Saan natin sya hahanapin?” bulong na tanong ni Shaun.

I'M THE LOST QUEEN OF MY KING [COMPLETED]Where stories live. Discover now