002: Never seen a sunflower before?

40.2K 652 8
                                    

Kabanata 2

Never seen a sunflower before?

Nakabihis ng isang simpleng maong shorts na tinernohan ng isang puting shirt si Callum nang lumabas ito ng guest room. Ito ang pangalawang araw ng pananatili niya sa mansiyon. Naisipan niyang mag libot libot na muna sa buong rancho dahil matagal na rin ng huli siyang nakabisita rito. Nadaanan niya sa living room ang kanyang ama at ang nobya nitong masayang nag-uusap na agad namang sumira sa mood ng binata. Pinigilan niya ang sariling sumimangot nang mapadaan siya sa pwesto ng mga ito.

"Good morning, son. Saan ka pupunta?" agad na bungad sa kanya ng kanyang ama. Kiming ngumiti siya dito. Wala siya sa mood makipag-usap sa ama pagkatapos madatnan ang dalawang tila ang saya-saya sa kanilang pinag-uusapan. Hindi niya talaga kailanman maiintindihan ang ama sa pagpili nito sa babaeng mas bata pa sa kanya na panganay nitong anak.

"I'll just wander around the area. I haven't been here in a while, so I might take advantage of this time to explore our hacienda."

"You are right, hijo. You should enjoy your stay here by exploring our beautiful land. Matagal ka na ding hindi nakikita ng mga tauhan natin. Mabuti pa't puntahan mo din sila at kumustahin. Matutuwa ang mga iyon kapag nakita ka nila," nakangiting sabi ng ama.

Tulad ng kanyang ama ay malapit din sa mga workers nila si Callum noong dito pa ito nakatira. Tumutulong ito sa kanyang ama sa pangangalaga at pagpapatakbo ng kanilang negosyo, kaya naman kilalang-kilala din siya ng mga tauhan ng don. Kung hindi nga lang siguro naghiwalay ang mga magulang ay baka siya na ang nagpapatakbo ng buong hacienda. Ngunit umpisa pa lang din naman kasi, sinabi na ni Callum na gusto niyang magsimula ng sariling negosyong patatakbuhin at palalaguin.

"That's not a problem at all, Dad," ani ng binata.

"Ang mabuti pa ay isama mo na sa'yo si Katharina nang hindi naman siya naiinip dito sa hacienda habang nasa opisina ako," muling suhestiyon ng matanda na nagpakaba kay Katharina. Gusto niyang tumutol sa sinabi ng nobyo pero ayaw naman niyang suwayin ito sa harapan ng kanyang panganay na anak. Isa pa ayaw niyang isipin nito na hindi sila nagkakasundo ni Callum.

Agad na tinapunan ng tingin ni Callum ang babaeng nasa tabi ng kanyang ama. Nahihiya itong ngumiti kahit na halatang napipilitan. Hindi malaman ni Katharina kung paano niya susuwayin ang suhestyon na iyon ng nobyo pero hindi niya makayanan ang titig na ibinibigay sa kanya ng binata kaya sinubukan niyang suwayin ang Don na kahit kailan ay hindi niya pa ginawa. Lahat kasi ng sabihin nito sa kanya ay siya niyang sinusunod ng walang pagdadalawang isip, ngayon lang siya hindi makasunod dahil may takot siyang nararamdaman para sa panganay na anak ng nobyo.

"H-hindi na kailangan. Okay na ako dito, Chris. Sanay na naman-" halos pautal-utal niyang sambit pero agad siyang pinutol ng binata.

"I don't mind, Dad," ani Callum na nanatili ang mga mata sa dalaga.

"See? Sabi ko naman sa'yo Katharina, mabait itong anak kong panganay at mabilis mo din 'yang makakasundo. Mabuti pang sumama ka na sa kanya ng malibang ka rin at makalanghap ng sariwang hangin. Hindi pwedeng habang buhay mong ikukulong ang sarili mo sa mansyon na ito. You have to explore too," nakangiting sabi ng Don.

At dahil doon, wala ng nagawa pa si Katharina kung hindi sumunod na lamang dito. Kahit kailan naman ay hindi niya ito nagawang suwayin dahil sa laki ng utang na loob niya dito.

"S-Sige. Magbibihis lang ako," ani Katharina bago nagtungo sa kanyang silid upang makapagpalit ng damit.

Naiwan naman ang mag-ama sa tanggapan.

"If you try to get to know her son, you will quickly realize how lovely she is. Not only on the outside but also on the inside. She's an amazing lady. Sana buksan mo ang puso mo sa kanya bilang siya ang nais kong pakasalan, anak," turan ng ama. Ngumiti ng peke ang binata. Gusto niyang maging masaya ang ama ngunit naniniwala siyang masasaktan lamang ito kapag ipinagpatuloy nito ang pakikipagrelasyon sa babaeng iyon.

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now