014

24.8K 404 11
                                    

014

Katharina

Nagising ako sa isang malambot na couch. May nakakumot sa aking coat na sa palagay ko ay kay Callum. Inilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto. Nandito pa din pala ako sa opisina ni Callum. Napakagat ako sa labi ko ng maalala ko si maam Gemma. Paniguradong hinahanap na ako nun, anong oras na ba? Kanina pa ba ako dito?

Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga ko nang sakto namang bumukas yung pinto ng opisina ni Callum. May dala dala siyang pagkain sa magkabilang kamay niya. Isinarado niya agad ang pinto pagkapasok at saka lumapit sa pwesto ko. Idinampi niya ang likod ng palad niya sa nuo ko at dinamdam iyon.

"Mainit ka pa." Aniya.

Huh? May lagnat ako? Dinamdam ko ang sarili ko. Tama nga si Callum medyo mainit nga ako. Pero kailangan ko na talagang umalis dito bago pa anong sabihin sa akin ni mam Gemma. Ayoko na lang ng away o ng gulo.

"Kumain ka." Aniya sabay abot sa akin ng mga dala dala niyang pagkain. Ipinatong niya yung iba sa lamesa sa tapat ko at saka naupo sa tabi ko.

"Ah Callum.. Kailangan ko na kasing bumaba. Salamat nga pala." Sabi ko.

"You need to eat first." Aniya.

Napatingin ako sa orasang nakasabit sa may dingding ng opisina ni Callum. 2PM na? Ang bilis naman? Kanina pa pala ako nakatulog? Ang haba na pala ng naitulog ko. Lagot na talaga ako nito kay mam Gemma. Malamang sa malamang hinahanap na ako nun.

"Callum kailangan ko ng bumaba."

Biglang sumama ang mukha niya nang tanggihan ko siya. Kasi naman mapapagalitan na talaga ako nito.

"Sino ba ang boss dito?"

"I-Ikaw.."

"Then eat."

"S-Sige."

Binilisan ko na lang ang pagkain para makababa na agad. Kinakabahan ako sa totoo lang. Ayokong may masabi nanaman sa akin si mam Gemma. Napakasungit pa naman nun sa akin.

"Pag tapos mo dyan. Umuwi ka na at mag pahinga."

"Huh?"

"You heard me right Kath. Umuwi ka na. Sinabihan ko na si Gemma kanina na may inutos ako sayo."

Bigla akong nakahinga ng maluwag nang banggitin niya iyon. Mabuti naman at naipagpaalam naman pala niya ako kay mam Gemma. Hindi na ako mahihirapang mag paliwanag. Napangiti ako.

"Stop smiling. Just eat." Ani Callum na nakatingin pa din pala sa akin agad namang nawala ang ngiti sa labi ko at itinuloy na lang ang pagkain.

Pagkatapos ko kumain ay sinunod ko ang sinabi ni Callum na umuwi at mag pahinga. Mag papahinga na sana ako sa kwarto ng bigla akong makarinig ng doorbell mula sa labas ng unit. Ang aga naman ni Callum. Kauuwi ko lang din halos nandito na din siya? Agad na binuksan ko ang pinto ng nakangiti pero ibang tao ang bumungad sa akin.

Bakit nga naman mag dodoorbell pa si Callum eh may sarili siyang key ng unit niya. Minsan di mo ginagamit isip mo Katharina.

Ngumiti ako sa babaeng nabungaran ko pero pinag taasan lang ako nito ng kilay at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Parang gusto kong manliit sa klase ng titig niya sa akin. Parang iniinsulto niya ako sa paraan ng titig niya sa akin. Pamilyar sa akin yung mukha niya pero hindi ko maalala kung saan ko ba ito nakita.

Di kaya artista to? Ang ganda ganda niya kasi eh.

Mag sasalita palang sana ako nang bigla niya akong tabigin patabi sabay pasok dirediretsyo sa loob. Naupo siya sa couch samantalang ako naiwang nakanganga sa kinatatayuan ko. Bumaling siya sa akin at nag slaubong ang mga kilay.

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now