039

22K 398 7
                                    

039

KATH

Naalimpungatan ako sa sunod sunod na pag vibrate ng cellphone ko na pinag iponan ko pa para lang may magamit akong pang communicate kay Meg. Sa kanya kasi ako sumasagap ng balita tungkol sa anak ko. Tatlong taon na mula ng ipinanganak ko ang bunso namin ni Callum. Napaka ganda niyang bata kaya halos mabasag ang puso ko nang mahiwalay siya sa akin. Pero desisyon ko din namang malayo sa kanya dahil alam kong mas kailangan siya ng kanyang ama. Mas kailangan siya ni Callum lalo nat iniwan ko nanaman siya. Tatlong taon na din ang nakakaraan nang ipaabot ko kay Meg ang sanggol. Siya ang nag hatid kay Katherine kay Callum.

Ang sabi ni Meg nung unang beses makita ni Callum yung bata agad daw nitong kinuha sa kanya yung baby na para bang alam agad nito na kanya ang bata. Tapos daw nakita niyang umiyak si Callum habang karga karga ang baby namin. Ang saya saya daw nito nang makita ang baby namin kaya hindi ako nag sisisi na ibinigay ko sa kanya ang anak namin. Alam kong mamahalin niya ito ng sobra at hindi pababayaan. Sana lang dumating pa yung araw na kahit sana isang beses lang mahawakan ko ulit yung anak namin. Miss na miss ko na siya. Sobrang baby pa siya nung huli ko siyang mahawakan. Kaya ang sabi ko kay Meg balitaan niya ako tungkol sa baby. Kaya lang minsan hirap siyang makakuha ng impormasyon tungkol sa bata dahil lagi lang daw itong nasa loob ng bahay nila.

Kamusta na kaya ang baby ko? Kamusta na kaya si Callum? Masaya kaya sila? Inaalagaan naman kaya sila ni Pau? Mabuting tao naman si Pauline kaya siguradong inaalagaan niya ang mag ama ko. Sayang lang hindi ako yung gumagawa nun para sa kanila pero ayos lang. Ganun naman talaga eh. Hindi ako ang nararapat na babae para kay Callum.

Muling nag vibrate ang cellphone sa ilalim ng unan. Agad ko iyong kinuha at binuksan. Ilang messages ang natanggap ko mula kay Meg. Hindi ako makakilos habang binabasa isa isa ang mga messages niya sa akin. Agad kong ginising si Nicholas na mahimbing na natutulog sa tabi ko.

"Nay?" Takang tanong nito nang gisingin ko siya.

"Maligo ka. Babalik na tayo sa maynila."







Sinalubong kami ni Meg sa station ng bus sa maynila. Hindi ako mapakali habang nasa biyahe kami. Sobrang haba ng binyahe namin at kahit isang minuto ay hindi ako nakatulog sa buong biyahe kakaisip sa mga natanggap kong massages galing kay Meg na nawawala daw ang anak ko.

"Anong nangyari? Nasan ang anak ko?"

"Teka nga lang, huminga ka nga muna. Bakit ka naman sumugod dito? Hindi ba ang sabi ko ako nang bahala sumagap ng balita at isa pa hindi pa naman ako sigurado duon. Alam mong delikadong bumalik kayo ditong mag ina, di ba?"

"Pero Meg, hindi ako mapapakali hanggat wala akong ginagawang paraan. Pupuntahan ko si Callum. Aalamin ko ang totoong nangyari."

Wala na akong pake kung may mangyaring masama sa akin, ang mahalaga ang anak ko. Kailangan ko siyang makita. Bakit naman nila pinabayaan ang anak ko? Anong ginawa nila?

"Teka nga muna Katharina, kumalma ka."

"Meg ina ako.Ina lang ako. Hindi ko kayang tiisin yung anak ko, kailangan ko siyang makita." Sabi ko na hindi pa rin magawang kumalma. Paano naman kasi ako kakalma kung alam kong nawawala yung anak ko.

"Pupuntahan ko si Callum ngayon din, ikaw na munang bahala kay Nicholas."

"Ano bang pinag sasabi mo dyan girl. Hindi pwede!"

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now