007

26.9K 472 18
                                    

Kabanata 7

Ang bagong Janitres

Ngayon ang unang araw ni Katharina sa opisina. Pinag handaan niya talaga ang araw na ito. Sinuot niya din ang pang opisinang ibinigay sa kanya ni Chris bago siya umalis ng mansiyon. Tumitig siya sa harap ng salamin at pinag masdan maigi ang sarili kung maayos na ba ang ayos niya o kung may dapat pa siyang ayusin sa sarili. Nang makatiyak na maayos na ang kanyang sarili ay lumabas na din siya ng kwarto. Eksakto namang lumabas na din ng kwarto niya si Callum, natigilan ito ng mapatingin sa babae. Nakaayos ito at mas lalong gumanda ang babae sa kanyang paningin. Madalas na makita niya ito ng simple lamang ang ayos ngunit ngayon ay kitang kita niyang nag ayos talaga ito ng maigi. May makeup din ito sa mukha.

Nangunot ang nuo ni Katharina dahil sa titig ng lalaki kaya agad din iyong binawi ni Callum. Ibinaling niya ang paningin sa ibang direksyon bago nag peke ng ubo.

"Ehem."

"Ah Callum, okay na ba itong suot ko?" Tanong ng dalaga na ngayon ay nakangiti na. Hindi siya sinulyapan ng binata at tumango lang ito.

"Gusto mo kumain muna? Nag luto ako ng agahan kanina para may kainin ka."

Muli ay hindi siya pinansin ng lalaki at nag diretsyo na agad ito sa pag labas ng unit. Kaya wala na ding nagawa si Katharina kung hindi ang sundan na lamang ito. Gusto niya pa din sanang mag almusal ngunit maiiwan siya kung gagawin niya pa iyon. Nang makarating sila pareho sa parking lot ay agad na nag salita na din ang lalaki.

"When we get there, you should stay away from me. Hanapin mo na lang yung assistant kong si Beth. She's my new assistant, sabihin mo sa kanya ikaw yung sinasabi kong bagong empleyada ng kompanya. Tell her your name at siya na ang bahala sayo."

"O-osige."

Biglang nalungkot si Katharina ng sabihin iyon ng lalaki. Siguro ay nahihiya itong makitang kasama siya kung kayat gusto nitong humiwalay siya kaagad sa kanya pagdating duon.

Nang makarating sila sa parking lot ng building ay pinauna siyang palabasin ng sasakyan ng lalaki. Lumapit siya sa guard at nag tanong in-assist naman siya ng mga ito papunta kay Beth kung kayat hindi na siya nahirapang hanapin pa ang babae.

"Yes?" Tanong ni Beth na ngayon ay halatang busy-ng busy sa ginagawa."

"Ah ikaw ba si Beth? Ako si Katharina Perez," mahinhing aniya. Nag taas ng tingin sa kanya ang babae at napakunot ang nuo nito. Tumingon pa ito mula sa kanyang ulo pababa sa kanyang katawan. Nailang naman siya dahil duon.

"Katharina Perez? Ikaw ba talaga yun miss?" Tanong nito. Marahang tumango tango siya.

"You look..."

Kumunot ang nuo ng dalaga ng hindi ituloy ni Beth ang sasabihin niya.

"Well, halika na sasamahan kita sa quarter niyo at ipapakilala na din kita sa mga kasamahan mo."

Sumunod naman agad si Katharina sa sinabi ng babae at sumunod dito papunta sa kung saan. Nangunot ang nuo niya ng makita ang nakalagay na janitor's quarter sa labas ng silid na pinasukan nila ni Beth. Anong ginagawa nila duon? Hindi ba ay dapat sa isang opisina siya dinala nito.

"Gema, kamusta?"

"Oh miss Beth? Napadalaw ka dito? Anong sadya mo?" Tanong ng babaeng tinawag niyang Gema.

"Ito si Ms. Perez—" bago pa man matapos ni Beth ang sasabihin niya ay bumati na agad si Gema sa babaeng tila naguguluhan.

"Good morning po Ms. Perez. Ano pong maipag lilingkod namin sa inyo?" Anito.

Ruthless DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon