008

25.1K 450 11
                                    

Kabanata 8

Who's next?

Kanina pa hinihintay ni Callum si Katharina sa sasakyan niya. Kanina pa siyang nag out pero wala pa din ang dalaga. Ang alam niya ay hanggang ala sinco lang ang babae ngayong araw since maaga itong nag simulang pumasok. Napapalo siya sa kanyang manibela at pinaandar na ang kanyang sasakyan. Gustong gusto na talaga niyang makaalis dahil magkikita pa silang dalawa ng girlfriend niyang galing pang ibang bansa. Nang bumalik kasi siya dito ay napag alaman niyang nag bakasyon lang sandali ang nobya sa new Zealand.

"Cal, why are we here?" Salubong ng nobya pagkaupo nito sa upuan sa tapat niya. Humalik pa ito sa kanyang pisngi.

"I'm sorry babe. Dito na lang tayo. Hindi din ako pwedeng mag tagal madami pa akong dapat taposin. I'm really sorry babe." Ani Callum sabay haplos sa kamay ng nobya niyang nasa lamesa.

"It's okay. I understand pero sana sa bahay mo na lang tayo. Marami akong gustong i-discuss sa'yo!" Nag liwanag ang mukha nito.

"You can discuss it to me now."

"Babe, sabi mo di ba mag papakasal na tayo pag balik mo dito sa manila but it turns out na nauna ka pang umuwi dito."

"What about that? Tuloy pa din iyon babe, medyo matatagalan lang ng konti dahil marami pa akong inaasikaso ngayon sa kompanya. But I promise itutuloy natin iyon ngayong taon din mismo." Ani Callum. Siguradong sigurado na talaga siyang si Pauline na ang gusto niyang maging asawa. Matagal na din naman sila nitong magkarelasyon. It's about time na siguro para lumagay na siya sa tahimik.

"Yun nga babe eh. Hindi pa natin pwedeng ituloy ang kasal this year kasi nakatanggap ako ng email from chanel and gusto nila akong maging endorser nila." Nalaglag ang panga ni Callum sa sinabi ng kaharap. Buo na ang plano niya para kay Pauline at sa magiging pamilya nila.

"Babe I'm sorry. Alam mo namang matagal ko ng pangarap iyon di ba? 1 year and half lang naman ang contract and after that mag papakasal na tayo." Ani ng babae. Hindi magawang tumutol ni Callum gayung batid na batid niya namang pangarap talaga iyon ng nobya. Kaya imbis na umiling ay ngumiti na lang siya.

"Thank you babe. I knew it! You'll understand me! I love you!" Masayang sabi ng kaharap.

"I love you too." Sagot niya at pina order na niya ang nobya. Sandali lang din naman silang nag usap at inihatid na niya ang dalaga sa condo nito.

Nang makauwi naman siya sa condo niya ay nag taka siya ng hindi niya naabutan si Katharina duon. Nang silipin niya ang kwarto nito ay wala din ito duon. Agad siyang bumaba upang sumakay sa sasakyan niya at balikan ang dalaga sa building ng kompanya. Naisip niyang baka hindi nito alam ang daan pauwi sa condo niya. Hindi na niya ipinarada ang sasakyan sa parking lot inihinto niya na lamang ito sa tapat ng building.

Palabas na sana siya sa sasakyan niya ng matanaw niya mula sa loob ng sasakyan niya ang papalabas ng building na babae. May kasama itong lalaki na naka akbay pa sa kanya. Nag salubong ang mga kilay niya ng makilala ang babae. Si Katharina iyon at ang kasama nito ay ang lalaking nakita niya ring kasama nito kanina. Kompirmadong may relasyon nga ang dalawa dahil hindi naman siguro mag papasundo si Katharina dito kung wala naman silang kaugnayan. Isa pa naka akbay ito sa kanya at mukhang sweet na sweet pa ang dalawa.

Napangisi si Callum. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa nakikita at mukhang may bago ng nahanap ang babae na mahuhuthutan nito ngunit sa isang banda ay naiinis din siya dahil sa ginagawa nito sa kanyang ama. Niloloko ng babae ang kanyang ama. Mas lalo lang din niya napatunayan na isa nga lang mang gagamit ang babae. Naihampas niya ang kanyang nakakuyom na kamay sa manibela at agad na inistart ang sasakyan. Pinaharurot niya ito ng mabilis kaya naagaw nito ang pansin ng dalawa.

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now