037

21.5K 308 6
                                    

037

C A L L U M

Two weeks na since huli kong makita si Kath and walang ibang pumasok sa isip ko nitong nakaraang dalawang linggo kundi siya. Mula nang malaman kong may asawa na siya ay hindi na din ako nakatulog pa ng maayos. Palagi kong naiisip siya with someone else and I fvcking hate it. Minsan gusto kong magsisi na ako pa mismo ang magiging dahilan para gumaling ang asawa niya. It's bad but sometimes pumapasok sa isip ko na sana hindi na gumaling yung asawa niya para maging akin na lang siya. But no. Ayoko ng makitang masaktan si Kath. Ayoko na makitang nasasaktan at nahihirapan siya. Mas takot akong makita yung dating side niya na grabe kung masaktan. Masyado nang naging malupit sa kanya ang mundo kaya hindi ko maaatim na muli siyang biguin ng kapalaran. Ang tanging magagawa ko lang ay ang mag hintay. Umasa na sana bumalik siya sa akin at maging akin ulit siya.

I know may asawa na din ako but she's the only one I want. Siya ang kulang sa buhay ko na palagi kong hinahanap. Siya lang ang makakapunan ng malaking kakulangan sa puso ko. Kaya hindi ako titigil hanggat hindi ko siya nababawi. Pinag iisipan ko nang makipag hiwalay kay Pauline dahil ayoko namang magkasala pa lalo sa kanya. Nag hihintay lang ako ng tamang pagkakataon.

Babawiin ko si Katharina, yan ang paulit ulit na tumatakbo sa isip ko. I know this is fvcking insane but I don't care. She is mine. Kath is mine...

Bumukas ang pinto ng opisina ko at bumungad sa akin ang maluha luhang si Kath. Patakbo siyang lumapit sa akin at mahigpit akong niyakap.

"Salamat. Salamat Callum." She said crying.


K A T H

Pagkatapos ng operation ni Nicholas ay agad akong dumiretsyo kay Callum para mag pasalamat. Sobrang laki ng utang na loob ko sa kanya. Sobrang saya ko din dahil naging maayos ang operation kay Nicholas. Hindi ako binigo ng anak ko. He's a fighter. Lumaban siya. Pinugpog ko ng halik si Callum sa labi. Walang mapag lagyan yung saya ko. Sobrang nag papasalamat ako kay Callum. Hindi ko alam kung paano babawi sa lahat ng ginawa niya para sa akin.

"Thank you so much Callum." Tumitig ako sa mga mata niya. Ngumiti siya at hinawakan ang mukha ko. Hinaplos niya ang mukha ko na para bang namiss niyang gawin ito.

"Hindi ko alam kung paano ako babawi sayo. Sobrang salamat." Yumapos akong muli sa kanya. Nakakandong ako ngayon sa lap niya habang mahigpit na nakayapos sa katawan niya. Ilang minuto kaming nanatiling ganun bago ko basagin ang katahimikan.

"Cal.."

"Hmm?"

"Ilang anak ba ang gusto mo?" Uminit ang pisnge ko sa tanong kong iyon. Para namang wala pa kaming anak kung kiligin ka ha, Kath. Sabi ng utak ko sa sarili ko. Sandali siyang nag isip bago mag salita.

"Parang natanong mo na 'to dati." Aniya.

"Parang nga."

"Depende sayo ilan ba ang kaya mo?" Tanong niya na may kasamang pag ngisi. Nag isip ako sandali.

"Siguro hanggang tatlo lang." Sabi ko.

"Parang hindi ako kontento dun." Aniya.

"Ilan ba kasi ang gusto mo?"

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now