019

25.3K 447 7
                                    

019

Agad na sinundan ko si Callum paakyat sa opisina niya. Tinanong pa ako ng sekretarya niya kung ano daw bang kailangan ko kay Callum ang sinabi ko na lang ay pinapatawag ako nito. Pag pasok ko sa opisina niya ay hindi ko siya nadatnan sa table niya kaya naupo na lamang muna ako sa couch na nanduon baka kasi nasa CR lang siya. Maya maya ay lumabas na din siya mula sa CR nag taka yung ekspresyon ng mukha niya nang maabutan niya akong nakaupo sa couch niya. Agad na lumapit ako sa ref na nasa sulok ng opisina niya. Binuksan ko iyon at kumuha ng yelo na ibinalot ko sa isang malinis na tela.

“Anong kailangan mo?” tanong ni Callum habang nauupo sa upuan niya.

Lumapit naman ako sa kanya at inilapat yung ice pack na ginawa ko sa may pisngi niya. Sa lakas ba naman ng sampal sa kanya nung babae, alam kong masakit iyon. Pulang pula pa nga ang pisngi niya ngayon eh. Idinampi dampi ko lang yung ice pack sa pisngi niya at hindi na nag salita pa. Napa pitlag na lang ako nang itaboy niya ang kamay ko. Kinuha niya ang ice pack sa akin at siya na ang gumawa ng ginagawa ko. Tumayo na lang ako para umalis na total naman ay kaya naman na niya gawin iyon ng mag isa.

Bago ako makalabas sa opisina niya ay nag salita siya.

“Hindi mo kailangan gawin ito, Katharina. Bumalik ka na sa trabaho mo at yun ang intindihin mo.” aniya. Tumango ako at lumabas na ng opisina niya.

Ano pa bang aasahan mo sa kanya ha Katharina? Pagkatapos ng isang nakakapagod na araw ay umuwi na ako diretsyo sa unit ni Callum. Wala akong ganang lumabas ngayon kasama ni Calvin. Sobrang pagod kasi talaga ako. Pag dating ko sa condo ay naabutan ko si Callum na halos kakadating lang din mula sa trabaho. Nag dirediretsyo ako sa kwarto ko nang bigla siyang mag salita.

“Mag empake ka. Pupunta tayong baguio.” Aniya. Agad na napalingon ako sa kanya.

“Kailangan ba talaga ako sumama?” Tanong ko.

Hindi siya sumagot.

“Kung hindi naman ako kailangan dun mag papaiwan na lang ako.” Sabi ko at tyka na pumasok sa kwarto ko.

Ilang sandali lang ay muling bumukas ang pinto ng kwarto ko. Pumasok si Callum na may seryosong mukha. Nagulat ako nang bigla na lamang niya akong yakapin. Ang higpit ng yakap na yun niya sa akin at halos hindi na ako makahinga.

“Di ko na alam ang gagawin ko sayo.” Aniya sa malumanay na boses.

Ito nanaman yung kakaibang pakiramdam na parati kong nararamdaman kapag nagiging ganito si Callum. Di nanaman ako makakilos sa kinatatayuan ko, kumakabog ng napaka lakas at napaka bilis ang dibdib ko. Isang bagay na hindi ko mapigilang maramdaman kapag nasa malapit lamang si Callum. Unti unting kumalas sa mahigpit na yakap niya sa akin si Callum.

Hindi ko pa din nakuhang mag salita nang titigan niya ako. Inilagay niya ang mag kabilang kamay niya sa pisngi ko at hinaplos ito ng marahan. Dahan dahang lumapit ang mukha niya sa akin hindi ko alam kung saan na napunta ang isip ko at hindi ko man lamang siya magawang pigilan sa kanyang nais gawin. Nang ilang pulgada na lang ang layo ng mga labi niya sa akin ay pumikit siya at saka sunod sunod na napailing. Mabilis na tinalikuran niya ako para lumabas ng kwarto. Biglang parang nanlambot ako sa aking kinatatayuan.

Bakit ganito na lang ang epekto sa akin ni Callum? Hindi ko na talaga alam at bago ko pa man malaman ang sagot kailangan ko nang makauwi sa hacienda. Hindi na maganda itong nangyayari.

Mag damag akong nag kulong sa kwarto ko at hindi naisipang lumabas. Ayoko na muna makita si Callum kahit sandali lang. Kailangan kong taposin lahat ng nararamdaman ko sa kanya bago ako bumalik sa hacienda at yun ang gagawin ko. Oo mahal ko na nga talaga siya. Ganito pala talaga ang pag ibig, isang traydor.

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now