027

21.2K 373 113
                                    

027

KATHARINA


"Kath, I'm so sorry." Nakatungong sabi ni Callum nang maiwan kaming dalawa sa kwarto. Nag iwas ako ng tingin. Ayokong makita niyang sobra akong naaapektuhan. Ayokong isipin niya pa ako.


Si Pauline, siya ang kasintahan niya. Siya ang babaeng pakakasalan niya at siya ang tunay na nag mamay-ari sa kanya kaya hindi na dapat akong pumapel pa sa buhay nila. Kahit mahal ko siya wala akong karapatang angkinin siya lalo nat may nag mamay-ari na sa kanya. Natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko. Marahan niya iyong hinaplos.


"Kath patawarin mo ko. I didn't mean to hurt you." Aniya habang may mga luhang pumapatak sa kanyang mga mata. Hinaplos ko ang kanyang mukha at mapait na ngumiti.


"A-ayos lang ako." Ngumiti ako pero sadyang traydor ang mga mata ko nang muling mag sipag unahan sa pag tulo ang mga luha mula sa mga ito.


"Please don't cry, angel."


"Bakit Callum? Bakit?" Di ko na napigilan at napahagulgol na lang ako sa harapan niya. Ayokong isisi sa kanya ang lahat pero di ko maiwasang mag tanong. Kung bakit ako pa? Bakit niya pa ako pinaasang aayusin niya at itatama niya ang lahat kung may minamahal na pala siyang iba.


Alam naman niya ang mga pinag daanan ko pero bakit niloko niya pa din ako. Akala ko, ito na yung panahon ko para sumaya at akala ko sa pagkakataong ito ay kakampi ko na ang tadhana pero mali pala ako dahil ang malupit na tadhana ay muling ipinamalas ang kanyang kalupitan sa akin at ito nanaman ako. Unti unting nawawasak...


"I'm so sorry, angel."


"Ayos lang. Sanay na naman ako eh." Hirap na hirap kong sabi. Patuloy pa din kasi ako sa pag hikbi.


"Katharina, please don't cry." Hinawakan niya ang mukha ko at ipinag dikit ang aming mga nuo at tyka pumikit.


"Tell me what you want. Sabihin mo sa akin kung anong gusto mo, gagawin ko. Kath, patawarin mo lang ako."


"Pakasalan mo si Pauline at maging masaya ka sa kanya. Yun lang.. Yun lang Callum. Gusto kitang sumaya..." pinunasan ko ang mga luha sa mga mata ko.


"... Wag mo na akong isipin. A-Ayos lang ako. Magiging maayos din ulit ako." humiwalay ako at ngumiti.


"...wag ka na maawa sa akin. Si Pauline, nasaktan din siya tulad ko. Sa kanya ka paulit ulit na humingi ng tawad dahil sa kanya ka tunay na nagkasala. Wag mo na ako isipin, kasi makita lang kitang masaya magiging okay na din ako. Hindi lang siguro agad agad na magiging okay ako pero alam ko.. Alam ko na magiging maayos din ang lahat. Hindi ba ang sabi mo gagawin mong tama ang lahat? Ngayon mo na gawin yun Callum. Gawin mo ang tama. Pakasalan mo si Pauline at maging masaya kayo. Pinapalaya na kita.."

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now