036

21.9K 332 7
                                    

036


K A T H


Nakatanggap ako ng message galing kay Callum, gusto niyang magkita kami. Isang linggo na ang nakakaraan mula nang huli kaming mag kita. Hindi ko pa pwedeng iwan ang anak ko dahil palala ng palala ang lagay niya. Mas kailangan ako ng anak ko ngayon. Pinayuhan ako ng doktor na paoperahan ko na ang anak ko hanggat maari dahil palala na ng palala ang lagay niya. Ang bata lang daw ang nahihirapan habang patagal ng patagal. Pero pagka panganak ko pa makukuha ang pinangakong pera ni Callum at hindi ko pa sigurado kung buntis na ba ako. Kaya nag desisyon akong makipag kita ulit kay Callum. Kung kinakailangan kong mag makaawa sa kanya gagawin ko. Mapagamot ko lang ang anak ko.

Sa opisina ni Callum niya ako pinadiretsyo. Pag pasok ko pa lang ng building ay agad akong namukhaan ng ilang mga guard na nag babantay duon.

"Oh Katharina, walang kupas ang iyong kagandahan."

Ngumiti ako.

"Kayo talaga manong, buti naman po at nakikilala niyo pa ako."

"Siyempre naman ikaw kaya ang pinaka maganda dito kaya naalala pa kita."

"Puro biro pa din po kayo ano? Sige po, manong."

Dumiretsyo ako sa floor kung saan ang opisina ni Callum nang makasakay ko sa elevator ang babaeng minsan na ding nag paghirap sa akin.

"Tignan mo nga naman oh. Pag tapos bigla na lang mawala ng di nag papaalam nandito ka ulit. Mag aapply ka ba ulit? Siguro nabuntis ka kaya ka nawala ano?" May halong pang aasar ni Gema. Ngumiti ako sa kanya.

"Kamusta Gemma?" Nakangiting sabi ko. Nag bago ang hilatsa ng mukha niya.

"Don't worry hindi ako nandito para mag janitress. Ako ang bagong sekretarya ng boss mo." Sabi ko ng ngiti.

Inalok ako ni Callum na maging sekretarya niya para daw palagi niya akong makikita at mababantayan. Gusto daw niyang makasiguradong kanya ang ipapanganak kong bata.

"Ilang taon ka na dito Gemma? Hanggang ngayon hindi ka pa din napopromote? Kung sabagay may natapos kasi ako." Nag yayabang na sabi ko. Hindi na lang ikaw ang pwedeng mang maliit ngayon Gemma. Hindi na ako ang Katharina na nakilala mo nuon. Hinding hindi ako papaapi sayo.

"Ang kapap ng mukha mo!" Nagulat ako nang hilahin niya ang buhok ko at pinag sasabunutan ako nang biglang bumukas ang elevator na kinalalagyan namin.

"Let her go!" bigla kaming nakarinig ng sigaw. Agad akong binitawan ni Gemma habang pumapasok ng elevator si Callum na may galit na ekspresyon. Hinila niya ako palayo kay Gemma at tinignan niya ito ng masama.

"Sinong nag bigay sayo ng karapatang saktan si Kath?" Galit na galit na tanong niya kay Gemma. Halata naman sa mukha ni Gemma ang labis na takot kay Callum kaya nag salita na agad ako.

"Callum hindi naman ako nasaktan. Hayaan mo na siya." Awat ko kay Callum. Tinignan ako ni Callum at chineck kung may galos ako nang makasigurong wala akong nakuhang kahit anong galos ay humarap siya ulit kay Gemma.

"You're fired!" Aniya sabay hila sa akin palabas ng elevator. Hinila niya ako papasok ng opisina niya.

"Bakit mo naman ginawa yun Callum?" Agad na tanong ko sa kanya pag pasok ng opisina ngunit imbis na sagutin ako ay bigla niya akong hinatak palapit sa kanya at hinalikan sa labi. Automatic namang pumulupot ang mga braso ko sa batok niya na para bang may sariling utak ang mga ito.

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now