016

25.9K 424 15
                                    

016

Callum

It's almost a week mula nung bumisita sa condo ko si Van pero hanggang ngayon hindi pa din ako kinakausap ni Kath. Hanggang ngayon ay nananatiling iwas pa din siya sa akin. Why do I care anyway? Bullshit! Hindi ko alam kung bakit di ako matahimik simula nung araw na yun! Gusto kong makausap si Kath at gusto kong marinig na mag paliwanag siya tungkol duon sa naabutan kong ginawa niya kay Van. Fvck! Di ko alam kung bakit gusto ko pa marinig ang paliwanag niya ngayong kitang kita ko naman ang ginawa niya kay Van. Damn it!

Di ko na maintindihan ang sarili ko. Nakakabanas na!

Kitang kita kong nasaktan siya sa mga sinabi ko nung nakaraan at sobrang binibagabag ako ng konsensya ko dahil duon. Naalala ko yung araw na nag breakdown siya nung umuwi kami ng probinsya. Sa tuwing naaalala ko yung hitsura niya nung mga oras na yun, binabagabag na ako bg konsenya ko. Wasak na wasak siya nung mga oras na yun at kitang kita ko yun.

Nag mamakaawa siya pero hindi ko alam kung bakit. Damn it!

Sino ka ba talaga Katharina Perez? Bakit ganito na lang ang epekto mo. Nakakabaliw! Gusto kong magalit sa kanya at kamuhian siya pero sa tuwing maalala ko yung mukha nuong gabing yun parang gusto kong alagaan siya at protektahan siya.

Ilang minutong pag mumuni muni bago ko tawagin ang sekretarya ko upang ipatawag si Kath. Nasisiraan na yata ako ng bait. Ano ba itong ginagawa ko at ano ba itong pumapasok sa isip ko.

"Ay sir wala po si Katharina sa quarter nila. Nasa opisina raw po ni sir Lawrence." Anang sekretarya ko.

My brows furrowed. What the fvck? Bakit nandun si Katharina? Anong gagawin ng isang janitor sa opisina ni Lawrence? Bullshit! Pakiramdam ko may mali. Pakiramdam ko may hindi tamang nangyayari. Agad agad akong tumayo sa kinauupuan ko. Nag taka naman ang sekretarya ko sa ikinilos ko. Kahit ako di ko din maintindihan kung bakit bigla na lang akong kinabahan nang malaman kong nasa opisina ni Lawrence si Kath.

"Bullshit!" Mura ko sabay labas ng opisina ko at balibag ng pinto pasara. Dali dali kong tinungo ang elevator pero parang hindi na yata ako makapag hintay pa para duon kaya naisipan kong mag hagdan na lang.

Putanginang Lawrence yun! Kilala ko yung gagong yun. Walang sinasanto yung animal na yun! Baka kung anong gawin nun kay Katharina. Tangina talaga! Maisip ko pa lang na may kalokohan siyang gagawin sa loob ng kompanya ko ay gusto ko na siya agad patayin. Subukan niya lang! Subukan niya lang talaga.

Nanginginig sa galit ang mga kamay ko habang papunta sa opisina ng gago. Hindi na ako kumatok pa pag dating ko sa harap ng pinto ng opisina niya. Pero putangina nakalock ito.

"Putangina!" Mura ko sabay walang pag dadalawang isip na sinipa ng malakas yung pinto. Sa lakas ng ginawa kong pag sipa ay nasira ang lock nito at kusang nag bukas.

Agad akong pumasok sa loob. Natigilan ako sa kinatatayuan ko pagkakita ko sa nangyayari sa loob. Walang malay si  Katharina na nakahiga sa sofa. Sira sira ang pang itaas nitong damit na halatang pinilit hubarin sa kanya habang nakapatong sa kanya ang hayop na Lawrence. Nag tangis ang mga bagang ko sa nakita ko. Wala akong ibang makita kundi pula. Parang gusto kong pumatay sa mga oras na yun.

Hindi na ako nag aksaya pa ng oras at agad kong sinugod yung gagong Lawrence at pinaulanan ng suntok sa mukha. Sinigurado kong malakas ang bawat suntok na pinapatama ko sa kanya. Tangina! Gustong gusto ko siyang patayin.

"What the fck dude?!" Gulat na tanong ni Lawrence nang tumigil ako sa pag suntok sa kanya. Sapu sapu niya ang bibig niyang dumudugo habang nakasalampak sa sahig.

"Hayop ka Salazar! Hindi ba binalaan na kita?! Kung gagawa ka ng katarantaduhan wag sa teritoryo ko at lalong wag sa tao ko!"

"Para lang sa babaeng yan ginawa mo to sa akin? Hindi mo pwedeng gawin sa akin 'to Callum!"

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now