045

26K 345 6
                                    

045

K A T H

Hindi ko maiwasang mainis kay Callum dahil sa inakto niya kanina. Bakit ganun siya? Mag bibigay siya ng bulaklak pero parang wala lang naman sa kanya. Siguro para talaga yun kay Pauline kaya lang hindi siya sinipot kaya sa akin na lang niya ipinasa at pinuntahan na lang nila ako ng mga bata sa trabaho at duon niya ibinuhos yung inis niya. Nakakainis.

Ano bang akala niya sa akin? Walang pakiramdam? Tapos ngayon gusto niyang makipag usap? Kausapin niya mukha niya. Sinasabi ko na nga ba eh. Hindi talaga magandang idea ang tumira dito kasama siya. Lalo lang kasi akong nahuhulog ulit sa kanya. Ewan ko ba. Ang hirap hirap para sa aking kalimutan yung nararamdaman ko sa kanya. Kahit saan ako mag punta kahit anong gawin ko siya at siya pa din ang naiisip ko. Nakakainis na minsan. Wala namang patutunguhan tong kagagahan ko eh. Napa buntong hininga ako.

Kanina nung dinalaw nila ako sa trabaho, sobrang saya ko nang malaman kong siya mismo ang nakaisip na dalawin ako. Tapos inakala ko pa na nag seselonsiya kay Calvin pero napag tanto ko na lang bigla napaka imposible pa lang mangyari yun. Siguro mainit lang talaga yung ulo niya dahil hindi siya sinipot ni Pau at nabunton niya lang lahat ng inis niya kay Calvin. Yun nga siguro. Ano pa nga ba?

Bakit ba kasi masyado kong pinapaasa ang sarili ko? Napabuntong hininga ako at napasandal sa kama. Ilang sandali pa akong nag munimuni bago ako tuluyang makatulog.

Maaga akong gumising as usual para ipaghanda ng almusal ang mga bata ngunit natigilan ako sa pag pasok sa kusina nang maabutan ko duon si Callum na nag luluto. Tyka ko lang naisip na sabado na nga pala at walang pasok ang mga bata at si Callum. Lumapit ako sa pwesto ni Callum.

"Kailangan mo ng tulong?" Tanong ko.

Napalingon sa akin si Callum pero agad ding binalik ang tingin sa niluluto.

"Hindi na kailangan. Patapos na to."

Napatingin ako sa kaliwang kamay niya na naka benda. Kumunot ang nuo ko, kahapon wala naman yung bendang yun? Anong nangyari sa kanya?

"Anong nangyari sa kamay mo?" Di ko naiwasang magtanong. Natigilan siya sandali at napatingin sa kamay niya.

"Wala to." Aniya lang.

Pinanuod ko siyang mag luto hanggang sa matapos siya at tinulungan ko siyang mag prepare ng mga pagkain.

"Gisingin ko na ang mga bata." Sabi ko.

"Sandali." Nagulat ako nang biglang hawakan ni Callum ang kamay ko upang pigilan sa pag alis. Napatingin ako sa mukha niya at duon ko lang napansin ang namumula niyang mga mata. Maitim din ang ibaba ng kanyang mga mata na para bang hindi ito nakatulog buong mag damag.

"Bakit?" Takang tanong ko.

Sandali siyang natigilan na para bang nag iisip nang sasabihin hanggang sa bigla na lang niyang bitawan ang kamay ko. Tumalikod siya at naupo sa pinaka malapit na upuan sa tabi niya.

"Wala. Sige tawagin mo na ang mga bata." Aniya.

Tumango ako at pinuntahan na ang mga bata sa kanikanilang mga kwarto. Ginising ko na sila at dinala sa kusina kung saan nag hihintay ang Daddy nila.

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now