012

25.7K 428 4
                                    

012

Pauwi na kami sa rest house nang may madaanan kaming mag asawang nag tatalo sa gilid ng daan. Hindi ko na sana iyon papansinin nang makita kong dumapo ang kamao ng lalaki sa mukha ng asawa nito. Agad na naalarma ako ng sunod sunod nitong bigyan ng malalakas na suntok ang babae. Agad na kinalas ko ang nakasuot sa aking seatbelt.

"Anong ginagawa mo?" Ani Callum nang mapansing parang gusto kong bumaba ng sasakyan. Hindi siya nag kakamali dahil gustong gusto ko talagang bumba ng sasakyan sa mga oras na iyon. Bigla na lang kasing nag flash sa utak ko yung mga panahong sinasaktan din kaming dalawa ni nanay ng sarili kong ama.

"Ihinto mo bababa ako."

"Are you crazy?"

"Ihinto mo sabi." Parang hindi ko na maramdaman ang takot kay Callum dahil unti unti na akong kinakain  ng galit.

"NO! Wag ka ng makialam sa away ng mga yan!"

"Ihihinto mo ba 'to o tatalon ako palabas ng sasakyan?"

CALLUM

Agad kong itinabi ang sasakyan ng akmang bubuksan na ni Katharina ang pinto sa side niya. Balak niya talagang tumalon. Dam it! Nahihibang na yata siya? Bakit ba kasi makikielam pa siya sa mag asawang 'to? Akala naman niya  may magagawa ang tulad niyang isang hamak na babae lang din naman. Tsk! Crazy woman.

Hinawakan ko kagad ang braso niya nang tangka siyang lalapit sa mag asawa.

"What do you think you're doing?"

"Bitawan mo ko!" Parang wala sa sariling wika niya kaya agad ko naman siyang binitiwan at hinayaan na lang na lumapit sa mag asawa. Kitang kita ko ang pag dampi ng palad niya sa mukha ng lalaki pagkalapit na pagkalapit niya dito.

Hindi ko alam na may tapang din palang itinatago ang babaeng 'to.

"Sino kang walang hiya ka?" Galit na sabi ng lalaking sinampal niya. Kusang kumuyom ang mga palad ko.

"Wala kang karapatang manakit ng babae!" Gigil na sigaw ni Kath sabay walang tigil na pinag hahampas ang lalaki. Ibang iba ang Katharinang nakikita ko ngayon sa Katharinang nakakasama ko. Parang wala siya sa kanyang sarili. Hindi ako makapaniwalang may kakayahan siyang gawin ang mga ito.

Purong galit at pagkapuot ang nababasa ko sa kanyang mukha. Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kanya at kung bakit siya nag kakaganun basta ang alam ko lang may mali.

"Ang sama sama mo! Walanghiya ka!" Sinamapal niya itong muli ng pagka lakas lakas. Sa galit ng lalaki ay bigla na lamang niya itong sinakal sa leeg. Biglang nag dilim ang paligid ko sa ginawa niyang yun. Agad akong sumugod sa lalaki at binigyan ito ng malakas na suntok sa mukha kung kayat agad din niyang nabitawan si Kath.

"Dude babae yan." Wika ko sabay atake ulit ng isang suntok sa lalaki. Madali ko itong napatumba dahil sa palagay ko ay nakainom ito. Agad ko namang dinaluhan si Katharina.

Agad kong kinuha ang mukha niya upang suriin kung may natamo siyang sugat. Mukhang wala naman pero nang mapatitig ako sa mga mata niya biglang parang may tumusok sa dibdib ko. Umiiyak siya.

"Walang hiya ka!" Aniya at patuloy pa din sa pag iyak. Hindi ko maintindihan kung anong nangyari sa kanya. Pero kitang kita kong nasasaktan siya. Kitang kita iyon sa kanyang mga mata. Kumalabog ang dibdib ko sa nang mga oras na yun.

Niyakap ko siya ng mahigpit. Bakit ganito? Bakit kahit galit ako sa kanya ay hindi ko makayanang makita siyang nag kakaganito?

"Maraming salamat po sa pagtulong. Pasensya na po nadamay po ang kasintahan niyo."

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now