042

24.1K 409 1
                                    

042

K A T H

"Daddy! Nanay!" Sabay kaming napalingon ni Callum kay Nicholas, napangiti kami pareho nang makitang nakahawak sa kanang kamay niya si Katherine. Mukhang close na close na agad ang dalawa. Lumapit sila sa amin at agad ko naman silang sinalubong ng halik sa pisnge.


"Gising na pala ang mga baby ko." Sabi ko habang paulit ulit na hinahalikan ang dalawang anak ko.


"Kamusta ang tulog niyong mag kapatid?"


"Maayos po nanay! Ang sarap sarap nga po ng tulog ko sa kaarto ni Daddy kasi hindi mainit tyka po ang lambot lambot ng kama! Kaya lang pag gising namin ni Katherine, wala na kayo ni Daddy."


Lumapit sa pwesto namin si Callum. Lumuhod siya para makapantay ang mga bata. Hinalikan niya ang bunso namin sa pisnge at sunod naman si Nicholas.


"Hey big boy, how's your sleep?"


"Okay na okay daddy!" Sagot ni Nicholas na itinataas pa ang hinlalaking daliri.


"Very good! And how about you, little angel?"


Tinawanan lang siya ni Katherine bago ito mag pakarga sa kanya. Kinarga niya si Katherine at hinarap sa akin.


"Little angel, I have a surprise for you."


Nag tatakang tinignan lamang siya ni Katherine nang sabihin niya iyon.


"Gusto mo makita ang mommy angel mo di ba? Ayan na siya oh." Tumuro sa direksyon ko si Callum.


"She's your mom."


"Mom-ma?"


Pareho kaming nagulat ni Callum nang mag salita ang bata. Kanina kasi habang nag hahanda kami ng makakain ng mga bata nakuwento sa akin ni Callum na hindi pa nga daw nakakapag salita si Katherine kahit tatlong taon na ito kaya sobra talaga akong nasaktan duon. Naisip ko kasi na baka kasalanan ko. Baka may nakain ako nuon na hindi pala tama para sa pinag bubuntis ko.


"What is it again little angel?" Tanong ni Callum kay Katherine.


"Mom-ma!" Itinaas ng bata ang dalawang braso niya sa akin na para bang nag papakarga. Maluha luha naman siyang ibinigay sa akin ni Callum. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tuluyan na akong naluha habang yakap yakap sa braso ko ang bunso ko. Hindi ako makapaniwala na darating pa ang pag kakataong ito. Hindi na ako nag asam nuon na makita at mahawakan pa ang anak ko dahil akala ko hinding hindi ako papayagan ni Callum makalapit kay Katherine pero ngayon nasa mga bisig ko na siya ngayon. Sobrang saya ko. Nag papasalamat ako sa diyos kasi kahit papaano ay ibinigay niya sa akin ang pagkakataong ito. Ang pagkakataong makasama ko ulit ang mag ama ko. Sobrang saya ko.

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now