038

22.1K 321 7
                                    

038

K A T H

Nung araw na makita ko si Chris ay agad kong pinuntahan ang anak ko para masiguradong ayos lang siya. Baka puntahan siya kaagad ni Chris at baka kung anong gawin niya sa anak ko. Hindi ako makakapayag na may mangyaring masama sa kanya. Hinding hindi ako papayag. Makikipag laban ako ng patayan sa kanya kapag may ginawa siyang masama sa anak ko. Hinding hindi niya magagawa sa anak ko ang ginawa niya sa akin nuon.


Napahawak ako sa bibig ko nang maabutan ko nga si Christopher sa loob ng hospital room ni Nicholas. Agad akong napaatras at hindi kaagad naka kilos sa kinatatayuan ko. Hindi! Diyos ko po! Wag niyo naman po hayaang may mangyaring masama sa anak ko. Agad akong pumasok sa loob.

"Layuan mo ang anak ko!"

"Nanay!" Agad na tawag sa akin ng anak ko. Lumapit ako sa pwesto niya at sinuri siyang mabuti kung may mga sugat ba siya sa katawan at kung may ginawa ba sa kanyang masama ang hayop na ito.

"Anak nasan ang tita Meg mo? Bakit nandito itong lalaking 'to? Sinaktan ka ba niya?"

Pero agad namang umiling ang anak ko habang inosenteng nakatingin sa akin.

"Relax ka lang,Kath. Magagawa ko ba namang saktan ang aking apo?" Nakangiting sagot niya. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano bang kailangan mo?" Hindi ako mapalagay. Kumakabog ng mabilis ang dibdib ko at nanginginig ang mga tuhod ko. Galit na galit ako sa kanya pero hindi ko din maiwasang matakot na baka pati ang anak ko ay saktan niya tulad ng ginawa niya sa akin nuon. Pero pilit kong nilabanan ang takot na yun. Hindi na ako ang Katharina na nakilala ng lahat nuon na hindi marunong lumaban.

Ngayon lalaban ako para sa anak ko. Hinding hindi niya magagalaw ang anak ko kahit anong gawin niya. Dadaan muna siya sa bangkay ko bago niya mahawakan ang anak ko.

"Nanay, bakit ka po nagagalit sa kanya? Mabait po siya." Anang anak ko. Lumingon ako sa kanya at mas lalo akong nakaramdam ng takot na nakuha na ng hayup na to ang loob ng anak ko.

Hindi. Hindi pupwede.

"Anak di ba sabi ko sayo wag kang nakikipag usap kung kanikanino? Hindi mo siya kilala."

"Kilala ko siya nay. Siya po si Lolo Chris. Daddy daw po siya ng daddy ko. Dadalhin niya po ako kay Daddy. Mabait po siya."

Napahawak ako sa bibig ko sa sinabing iyon ng anak ko. Agad akong umiling at naupo sa tabi niya.

"Wag kang maniwala sa sinasabi ng lalaking ito. Masamang tao siya! Kay nanay ka lang maniniwala. Hindi mabuting tao ang lalaking ito. Nasan ba ang tita Meg mo?"

"Kath, wag mo namang ipag kait sa bata ang makita ang kanyang ama. Karapatan ni Nicholas makilala ang kanyang ama. Hindi ba Nicholas, gusto mong makilala ang Daddy mo?"

Dahan dahang tumango ang anak ko at pinigilan ko na lang mapaluha. Hindi pwede. Akin lang si Nicholas. Hindi siya pwedeng mawala sa akin. Hindi ako papayag.

"Anak, kay nanay ka lang maniniwala okay? Wag ka maniwala sa lalaking yan. Kay nanay lang okay?"

Malungkot na tumango ang anak ko.

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now