020

27.7K 514 12
                                    

020

Katharina

"I've been thinking a lot about you." Aniya habang nakayakap pa din sa akin. Nag angat ako ng tingin sa kanya. Niluwagan niya ng kaunti ang pagkakayakap sa akin bago muling mag salita.

"Kath, I know it's wrong but you are all I can think about. Maybe it's just some stupid feelings I can't quiet work out yet. I'm so confused. It just felt so right and wrong at the same time to be with you. Parang ibang tao ako kapag kasama kita.. With you, I could be who I really am. All my life, I've tried to be in control until you came. Nuong pag tangkaan kang gahasain ni Lawrence, I didn't know what to do, I was so scared. I have never felt fear like that before."

Natahimik ako at unti unting inaabsorb ng sarili ko ang mga nalaman ko. Bakit niya iyon nararamdaman sa akin? Pareho ba kami ng nararamdaman sa isat isa? Napaka daming tanong ang bumabagabag sa akin. Bakit kailangan umabot ang lahat sa ganito? Posible bang mahal na din niya ako at nararamdaman niya din sa akin ang nararamdaman ko para sa kanya? Pero hindi pwede. Hindi maari dahil mali at kailan man hindi magiging tama. Ang buhay ko ay hindi ko pag mamay-ari. Hindi ko pwedeng gawin ang idinidikta ng isip at puso ko. Dahil may ibang nag mamay-ari sa akin.

"Katharina, please say something." Aniya pag katapos ng mahabang katahimikan.

Ibinuka ko ang bibig ko pero walang lumabas na tinig mula duon. Yuon ay dahil hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin. Hindi ko na alam. Nalilito na talaga ako. Pagod na pagod na yung isip ko kakaisip kaya parang ayaw na nitong gumana ngayon. Wala na akong maisip sabihin o gawin...

"Say that you feel the same way."

Dahan dahan akong umiling. Bumagsak ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung nanaginip lang ba ako o totoong umiiyak siya ngayon. Dahan dahang kumalas siya mula sa pagkakayakap sa akin. Wala sa isip na tumaas ang kamay ko para haplosin ang kanyang pisnge.

"Hindi ko alam ang dapat kong sabihin o gawin. Natatakot ako Callum. Natatakot akong gumawa ng mali na alam kong pag sisihan ko sa huli."

Hinawakan niya ang kamay kong nasa kanyang mukha.

"Kath, sabihin mo sa akin lahat. Please sabihin mo sa akin kung ano ang iniisip mo para maintindihan kita. Pakiusap Katharina, sabihin mo sa akin ang dahilan kung bakit kahit ayaw mo magpapakasal ka pa din sa ama ko. Hindi ako tanga Kath, alam kong nararamdaman mo din sa akin aang nararamdaman ko sayo. Kaya Kath sabihin mo sa akin kung bakit pinipigilan mo pa ang sarili mo kung pwede naman nating gawing tama ito. Takot akong sumugal Katharina pero para sayo susugal ako. Itatama natin lahat ng ito."

Hindi ko mapigilang mapaluha.

"Callum, hindi ganun kadali iyon."

"I know Kath. Alam ko."

"Hindi ko kayang saktan ang ama mo."

"Pero hindi mo siya mahal!"

"Mahal ko siya Callum. Hindi lang sa paraang gusto niya pero mahal ko siya."

"Katharina hindi kita maintindihan."

"Gusto mong malaman ang lahat?"

Kinagat ko ang labi ko. Pinigilan kong pumiyok. Hindi ko alam kung handa na ba akong sabihin sa kanya ang nakaraan ko. Hindi ko alam kung handa na ba akong muling bumalik sa nakaraan. Ayoko na sana uling balikan ang mga masasakit na nangyari nuon pero hindi ko na yata talaga matatakasan ito. Parte na ng buhay ko ang nakaraan at hindi ko iyon kailan man matatakasan.

"Lumaki akong minamaltrato at sinasaktan ng sarili kong ama. Wala yatang araw na hindi niya ako pinag buhatan ng kamay nuon. Habang lumalaki ako at nag kakaisip unti unti akong nasasanay sa mga pananakit niya pero unti unti ding lumalala ang pananakit niya sa akin..." Humigpit ang hawak ni Callum sa kamay ko.

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now