011

26.3K 432 22
                                    

Kabanata 11

Katharina

Namomroblema ako sa susuotin ko hindi naman kasi ako nakapag dala ng  mga damit dahil hindi ko naman alam na dito pala kami ni Callum pupunta. Hindi ko din alam na mag tatagal kami sa lugar na 'to. Hindi ko alam kung sinadya niya bang wag sabihin sa akin o nakalimutan lang talaga niya. Nag paikot ikot ako sa buong kwarto. Nakabalot lamang ng isang puting tuwalya ang katawan ko dahil katatapos ko lang din maligo nang maalala kong wala nga pala kong dalang mga damit.

Maya maya pa ay bigla na lang bumukas ang pinto. Agad na napayakap ako sa sarili ko ng biglang pumasok si Callum. Napangisi siya ng makita ang kalagayan ko. Napatungo ako sa sobrang kahihiyan. Hindi naman ako nakahubad totally pero kahit na sa ilalim ng manipis na tuwalyang 'to nakahubad pa din ako. Nang mag angat ako ng tingin muli ay nakangisi pa din siya. Umiling iling siya at may ibinatong kung ano sa kama. Mga damit iyon. Naalala niya sigurong wala akong kahit anong dala kaya naisipan niyang dalhan ako ng maisusuot.

"Next time don't forget to lock your door or else..." binitin niya ang sinasabi niya at agad na umalis ng kwarto.

Naghuramentado ang dibdib ko sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung bakit para akong nauupos na kandila sa kinatatayuan ko. Hindi talaga ako sanay na may ibang lalaking nakakakita sa akin ng ganito ang ayos. Huminga ako ng malalim at ipinikit ko sandali ang mga mata ko at kinalimutan ang mga nangyari.

Wala lang yun. Hindi ka naman niya nakitang hubad talaga kaya anong pinag-aalala mo? Mabuti pa makapag ayos na lang baka mamaya magalit nanaman yun dahil ang tagal kong kumilos.

Nag madali akong nag bihis at nag ayos. Hindi naman ako nag lalagay ng mga palamuti sa mukha kaya hindi na din naman ako tumagal sa salamin. Medyo naiilang lang ako sa suot kong dress medyo maiksi kasi siya sa akin. Hindi lang ako sanay may suot ng mga ganitong dress. Mukhang mamahalin pa ito. Saan naman kaya kami pupunta at kailangan ko pang mag suot ng ganitong klaseng kasuotan. Kahit naiilang ay lumabas na lamang ako ng silid.

Naabutan ko si Callum sa sala na bihis na bihis din tulad ko. Tumaas ang kilay niya pagkakita sa hitsura ko. Agad naman akong nailang sa suot suot kong maikling dress kaya pasimple ko itong hinahatak sa laylayan pababa. Hindi siguro bagay sa akin yung dress. Hindi naman kasi talaga ako nag susuot ng mga ganito. Nasa bahay lang din naman kasi ako palagi.

"You look good. Let's go! We need to hurry." aniya at agad nang tumayo mula sa kanyang kinauupuan parang biglang nanlambot ang mga tuhod ko sa sinabi niya.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang uminit ang pisngi ko sa sinabi niyang yun at tila ako hinabol ng kung ano sa bilis ng tibok ng dibdib ko. Kahit naguguluhan sa nararamdaman, sumunod na lamang ako kay Callum sa sasakyan. Naupo ako sa tabi niya sa passenger seat. Mas lalo pang nahatak pataas yung dress ko dahil nakaupo ako. Mas lalo siyang maiksi tignan tuloy kaya di ko mapigilan ang sarili kong hilahilahin ito pababa. Bago pa man kami makaalis ay napansin na iyon agad ni Callum.

"What's the matter? Don't act like you're a virgin. Tsk." Ngumisi ito at inistart na ang sasakyan. Napayuko ako sa sinabi niyang iyon.

Hindi ko siya masisisi kung ang tingin niya sa akin ay isang mababang klase ng babae. Pumatol lang naman ako sa dad niya na doble ng edad ko. Pero yun ay dahil gusto ko lamang tumanaw ng utang na loob sa kanya. Hindi ko kayang saktan ang ama niya kung sakaling tumanggi ako sa alok nitong kasal. Sa dami ng nagawa niya sa akin, kaibigan na ang turing ko sa kanya kaya kahit anong gustuhin niya ay gagawin ko na lamang.

Kahit na... mag mukha akong isang masamang babae sa mata ng ibang mga tao.

Pinigilan ko ang luhang nag babadyang pumatak mula sa mga mata ko at inilipat na lamang ang tingin sa kalsada. Hanggang ngayon hindi ko pa din pala kayang tanggapin lahat ng sinasabi nila tungkol sa akin. Yun ay dahil alam kong hindi ako yung ganung klase ng babae. Kahit kailan hindi ko magagawang manamantala ng ibang tao at mas lalong hindi ko kayang manira ng isang masayang pamilya.

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now