044

24K 360 6
                                    

044

CALLUM

"Anong meron at abot langit yang ngiti mo?" Salubong sa akin ni Pauline pag dating ko sa opisina. Umiling lang ako bilang sagot pero hindi ko pa din maalis ang ngiti sa mga labi ko. Ewan ko ba. Nababaliw na yata ako.


"Ganyan ba ang ngiti ng may nag aalagang asawa?" Panunukso pa ni Pauline.


"Anong sinasabi mo dyan?" Sabi ko sabay iling.


Magkasosyo na kami ni Pauline sa negosyo at matag na din pala kaming hiwalay. Mula nang dumating sa buhay ko si Katherine ay tinapos ko na din ang ano mang namamagitan sa amin ni Pauline at ito na kami ngayon. Isang matalik na mag kaibigan at mag kasosyo sa negosyo. Kahit kailan ay hindi na namin napag usapan ang relasyon namin nuon, ibinaon na namin iyon sa limot. Para sa aming dalawa ay isang pag kakamali lamang na pinakasalan namin ang isat isa dahil tanggap na naming dalawa na hindi talaga kami ang para sa isat isa. Pero masaya naman na kami ngayon bilang magkaibigan.


"Wag ka ngang in denial Mr. Montemayor, kilalang kilala ko yang nga ngitiiang ganyan no! Alam kong inlove ka. I mean inlove ka pa din." aniya.


"Tigilan mo ko Pau. What are you doing in my office anyway?"


"Wala. Gusto ko lang masaksihan ng sarili kong mga mata yung ngiti mong usap usapan tuwing umaga."


"What do you mean?"


"Eh kasi Mr. Montemayor, usap usapan ka na sa buong building. Jusko akala ng mga empleyado natin naengkanto ka na eh. Dati tuwing papasok ka parang pasan mo daigdig eh ngayon sa tuwing papasok ka para kang lumulutang sa alapaap. Ngiting ngiti pa."


"Ewan ko sayo Pau. I'm busy, wag ako ang kulitin mo." Sabi ko lang sabay kalikot sa laptop na nasa harap ko.


"Eh bakit kasi di mo na lang aminin, mahal mo pa 'no?"


"Anong mahal? Sino?"


"Wag mo nga akong artehan dyan Callum! Sino bang nanay ng mga anak mo?"


"Pauline, magkaibigan na lang kami ngayon ni Katharina okay? Wag mong sabihing nag seselos ka pa?" pambabalik ko sa kanya ng asar. Tumaas ang kilay niya.


"Ew kadiri! Sa tuwing naalala ko kung gaano ako kabaliw sayo nun, natatawa na lang ako. Like what the hell, ano bang kagusto gusto sa taong tulad mo? Para kang statwang binihisan ng pormal na damit. So boring."


Ngumisi ako.


Ruthless DesireWhere stories live. Discover now