047

25K 383 3
                                    

047


K A T H

"Calvin" lumapit ako sa pwesto ni Calvin. May kung ano siyang ginagawa sa laptop niya. Ayoko sana siyang storbohin pero kailangan ko na talagang masabi sa kanya ang sasabihin ko.

"Yes Kath? May kailangan ka?" Tanong niya.

"Mag reresign na ako Calvin. Pasensya ka na kung biglaan ah. Ito kasi ang napag usapan namin ni Callum."

"I don't understand. Why?"

"Mag papakasal na kami Calvin." Masayang anunsyo ko. Gumuhit ang isang malawak na ngiti mula sa labi ni Calvin nang sabihin ko iyon.

"Wow!" tanging nasabi niya. Alam ni Calvin na ito ang matagal ko ng gusto. Araw araw kasi nakukwento ko sa kanya kung gaano ko kagustong makasal kay Callum. Buti nga hindi siya nag sasawa sa pulit ulit kong kwento sa kanya na puro tungkol lang kay Callum.

"I'm so happy for you Kath." Aniya.

"Ang saya saya ko din Calvin. Parang bigla akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Isa isa nang nag kakaruon ng katuparan yung mga pangarap ko na akala ko imposibleng mangyari."

"You deserve that, Kath. Ikaw yung pinaka mabuting taong nakilala ko and I'm really happy for you."

Ngumiti ako at mahigpit na yumakap kay Calvin. Si Calvin ang isa sa mga naging matalik na kaibigan ko. Napaka bait niya sa akin at kahit kailan hinding hindi ko makakalimutan ang mga kabutihang ipinakita niya sa akin. Nang mag hiwalay kami sa yakap ay pareho kaming napatingin sa bigla na lang umubo sa gilid namin. Hindi namin namalayan na nasa tabi na pala namin si Callum. Masama ang tingin niya kay Calvin habang si Calvin naman ay nakangisi lang.

"Congrats bro. You're a lucky man." Ani Calvin sabay tapik sa balikat ni Callum. Mabilis namang pumulupot ang braso ni Callum sa bewang ko at hinila ako palapit sa katawan niya. Napailing na lang ako. Ang napaka seloso kong mahal.

"Let's go babe?" Aya ni Callum sabay mariing siil sa labi ko. Nang humiwalay siya ay tumingin pa sita kay Calvin at ngumisi na para bang sinasadya niyang gawin iyon sa harapan ni Calvin. Ako naman itong hiyang hiya sa pinag gagawa niya. Nag paalam na ako ulit kay Calvin at hinila palabas ng restaurant si Callum.

"What was that Kath?" Agad na tanong ni Callum pag labas namin ng restaurant.

"What was what?" Nakangising tanong ko.

"Bakit kayo magkayakap ng lalaking yun kanina?"

"Masama bang yakapin ang kaibigan kapag nag papaalam?"

"Oo masama!"

"At bakit?"

"Dahil nag seselos ako."

Nag init ang pisnge ko kaya naman agad akong tumalikod sa kanya upang mauna nang mag lakad. Ayokong makita niya ang pamumula ng pisnge ko. Peste. Yun lang ang sinabi niya pero kilig na kilig naman ako. Nakakainis. Humabol sa akin si Callum na tumatawa.

"Seriously, Kath? Kinilig ka duon?" pang aasar niya nang makahabol sa akin sa pag lalakad. Binilisan ko pa lalo ang pag lalakad ko pero siyempre madali lang niya akong naaabutan dahil di hamak na mas matangkad siya sa akin. Hinila niya ako at mahigpit na niyakap ng sobrang higpit. Niyakap ko din naman siya pabalik. Wala na akong pake kung madaming napapatingin sa amin. Basta masaya ako ngayon at walang makakapigil nun.

Ruthless DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon