018

25.7K 419 11
                                    

018

Gaya nang sinabi ni Callum sumabay ako sa kanya sa pag pasok pero hindi ko pa din siya kinikibo. Hindi pa din nag babago ang pasya kong iwasan siya. Yun naman talaga ang tama di ba? Dahil patagal ng patagal unti unti kong naiintindihan kung ano ba itong nararamdaman ko para sa kanya at alam kong hindi ito tama. Habang nasa sasakyan ay kanina ko pa pansin ang mayat maya niyang pag buntong hininga.

"Hays Kath.."

Bigla akong napalingon sa driver's seat nang banggitin niya ang pangalan ko. Nanatili lang sa daan ang tingin niya. Kumunot ang nuo ko pero hindi na ako nag abala pang mag tanong. Ibinaling ko na lang din sa daan ang tingin ko at ipinag patuloy ang di pag pansin kay Callum.

Pag dating sa opisina ay agad akong lumabas ng sasakyan niya at nag dirediretsyo sa loob. Alam kong wala akong karapatang ganunin na lang basta basta si Callum pero kasi natatakot na ako. Natatakot na ako na habang tumatagal baka mas lalong lumala tong nararamdaman ko para sa kanya. Hindi pwede. Hindi pwedeng mangyari yun kaya kahit anong paraan gagawin ko wag lang mangyari iyon.

"Kath, pinapatawag ka ni sir Callum sa opisina niya." Sabi ni Tesa habang nag lilinis ako nang mga salamin.

"Tesa pwede bang ikaw na lang muna ang dumuty sa opisina ni sir?" Pakiusap ko kay Tesa.

"Sigurado ka, Katharina? Baka mapagalitan tayo nyan ni sir."

"Wag kang mag alala akong bahala. Hindi yun magagalit sabihin mo na lang madami pa akong gingawa dito." Sabi ko.

Tumango lang si Tesa at pumunta na din naman sa opisina ni Callum. Hays Callum, kailan mo ba ako patatahimikin? Di na kita maintindihan sa totoo lang. Maya maya pa ay muling bumukas ang pintuan ng kwartong pinag lilinisan ko.

"Oh Tesa bakit ka bumalik anong sabi ni sir-" nahinto ako sa pag sasalita nang hindi si Tesa ang pumasok sa kwarto kundi si Callum. Seryoso ang mukha nitong nakatingin sa akin. Napakagat ako sa labi ko.

Patay.

"Iniiwasan mo ba ako Katharina?" Aniya ng may seryosong boses.

"Busy lang talaga ako Callum. Ibig kong sabihin.. Sir Callum."

"Then I'll stay here. I'll wait for you."

Napairap ako sa kawalan.

"Ano bang kailangan mo Callum?"

"You. Palagi kang busy kapag gusto kita makausap. Dapat ba ilipat na kita ng posisyon para lang magkaruon ka ng oras sa akin. Gawin kitang sekretarya para palagi ka lang sa tabi ko? Ganun na lang kaya ano?"

"Callum please.."

"Please what, Kath?" Sumama ang hilatsa ng mukha nito.

"Uuwi na ako sa hacienda.." Napatungo ako. Hindi ko na maintindihan ang lahat. Bakit ba siya ganito?

"Ganun ka ba kagalit sa akin para basta na lang bumalik sa hacienda?"

"Hindi ako galit sayo."

"Kung ganun bakit ka pa babalik dun? Hindi ka ba masaya dito? Di ka ba masaya sa akin?"

Kumunot ang nuo ko. Habang tumatagal lalong nagiging magulo ang lahat. Hindi ko na maintindihan ang ibig sabihin ni Callum. Gulong gulo na ang isip ko. Parang gusto na nitong sumabog.

"Ano bang sinasabi mo Callum?"

"Hindi ko alam! Hindi ko din alam! Fvck!" Nasuntok niya ang salaming nasa tabi niya sa sobrang galit bago mabilis na lumabas ng kwarto.

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now