003: Useless Mouth

32.4K 524 10
                                    

Kabanata 3

Useless Mouth

Nakauwi naman ng ligtas ang dalawa mula sa kanilang pamamasyal. Talaga namang natuwa ang dalaga sa mga napasyalang lugar. Mula ng maulila ay hindi na kahit kailan niya nagawang mamasyal. Palagi na lamang siyang nagkukulong sa kwarto o sa loob ng bahay. Para kasi sa kanya ay wala ng rason para magpakasaya pa sya gayong ang kanyang ina lamang ang pinakamahalagang bagay sa buong buhay niya noong nabubuhay pa ito pero dahil wala na ito ngayon wala ng dahilan ang maging masaya pa siya.

Madalas pa din siyang pagsalitaan ng hindi maganda ng binata kapag nagkakatagpo ang landas nila nito sa mansyon pero may mga pagkakataong lumalambot naman ito bigla. Sa kabila ng pagsusuplado nito ay alam ni Katharina na may kalambutan din itong itinatago sa loob. Naiintindihan niya din naman kung bakit ganoon na lang ang turing sa kanya ng binata. Hindi pa naman kasi siya nito kilala at mahal lang nito ang kanyang ama kaya naiintindihan niya kung malaki ang pagdududa ng binata sa kanya.

Nakangiting sinalubong sila ng matandang Montemayor pagkatapos ng pamamasyal nila.

"Kumusta ang lakad niyo? Nakapamasyal ba kayo ng maayos?" Nakangiting bungad ni Don Montemayor.

"Oo, Chris. Alam mo sobrang ganda pala ng hardin dito. Ngayon lang ako nakakita ng ganun kagandang lugar sa buong buhay ko. Napakagaganda ng mga bulaklak." May kinang sa mga matang sabi ng dalaga.

Napakasimpleng bagay lang noon pero sobra-sobra ang pag appreciate niya rito.

"Sabi ko naman sayo madaming magagandang bagay sa labas. Hindi mo dapat iyon pinalalagpas hindi matutuwa ang nanay mo kung makikita ka niyang nagmumukmok lamang sa isang kwarto. Kailangan mong gumawa ng paraan para pasayahin mo ang sarili mo. Hindi ka dapat habang buhay nagmumukmok dahil lamang nawalan ka ng isang bagay na sobrang mahalaga sa'yo. Marami pang bagay sa mundo ang mahalagang makita mo. You should feel free to live your life. Remember that you owe nothing to the world. If you think you do not deserve to be happy because of your past, please think again. You deserve everything good in this world."

Naantig ang dalaga sa sinabing iyon ng Don. Agad niya itong niyakap at nangingilid ang mga luhang nginitian niya ito. Ito lamang talaga ang bukod tanging nagtiwala at naniniwala sa kanya.

"Susubukan ko Chris.."

Tahimik lamang na pinakikinggan at pinanonood ni Callum ang dalawa sa kanilang madramang eksena. Hindi niya napigilang mapangisi ng palihim. Naisip niyang napakagaling palang artista ng ipinalit ng kanyang ama sa kanyang ina. Gusto niya sanang sirain ang eksena ng dalawa ngunit pinigilan na lamang niya ang kanyang sarili. Ayaw niyang bastusin ang kanyang ama ng harap-harapan dahil malaki ang respeto niya dito.

Sandali pang nag-usap ang mga ito habang inip na inip naman ang binatang pinanonood pa din sila.

"Siya nga pala, Chris, kumain ka na ba?"

"Tapos na ako sweety. Ikaw kumain ka na din."

"Eh, ang gamot mo ininom mo na ba?"

"Oh that. I forgot about that." Natatawang sabi ng Don. Napasimangot ang dalaga pagkarinig noon.

"Alright, akyat na muna ako para mainom ko na ang gamot ko," sabi ng nakatatandang Montemayor at umalis na ito ng sala ng may ngiti sa mga labi.

Gusto sana itong pigilan ni Katharina dahil gusto niyang siya na lang sana ang kumuha ng gamot nito pero agad nang umalis ang Don.

Pumalakpak bigla si Callum pagkaalis ng ama. Agad namang nabaling ang atensyon sa kanya ni Katharina. Nagtataka ito sa biglang pagpalakpak na ginawa ng binata.

"Magaling ka palang umarte. Bakit hindi mo kaya subukang mag-artista. Malaki din ang kikitain mo doon pero kung sa bagay mas madali nga naman ang buhay mo dito," nakangising sabi nito.

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now