026

22.1K 381 55
                                    


026

CALLUM

I'm not dumb, I know something is wrong with Katharina. She's still sweet and caring but she's a bit quiet lately. I don't know what's going on with her or what's on her mind. Ganito na siya since we got home from work. Natatakot ako na baka narinig niya ang usapan namin kanina ni Pauline. I know, kailangan ko nang aminin sa kanya ang tungkol kay Pau but I can't. Hindi sa ayaw ko pero ayokong mamili sa kanilang dalawa. Pareho silang mahalaga sa akin at ayokong mawala ang isa man sa kanila pero alam ko ding hindi iyon maari. Dahil at the end of the day isang babae lang ang dapat kong piliin, isang babae lang ang dapat kong uwian.

Naguiguilty ako kay Pauline dahil nagawa ko siyang lokohin pero hindi ko din mapigilang maguilty para kay Katharina. I know marami na siyang masasakit na pinag daanan. Puro pag durusa na ang pinag daanan niya kaya hindi ko magawang saktan pa ang kanyang damdamin. Hindi ko kayang makita muli siyang umiyak o malungkot. Hindi ko kaya. Pero paano si Pauline? Hindi ko siya pwedeng iwan na lang ng basta basta. Ayoko siyang saktan.

Napasapu ako sa aking sintido. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Litong lito na ako. Gusto kong makasama pa ng matagal si Katharina pero paano pag dumating na si Pauline? Hindi ko kayang pakawalan si Kath. Ayoko. I can't imagine my life without her. She's the only one who keep me sane. Pero napaka unfair naman para sa kanilang dalawa kung hindi ko magawang ilet go ang isa sa kanila. I need to chose but I can't. Litong lito ako. Pareho silang may puwang sa puso ko at hindi ko kayang mawala ang kung sino man sa kanilang dalawa.

Nang hindi ko na nakayanan ay lumapit ako sa nag lulutong si Katharina, hinila ko siya sa akin at mahigpit na niyakap mula sa likod. Naramdaman kong nagulat siya sa bigla kong ginawa. Agad naman siyang lumingon nang nakangiti pero hindi iyon umabot sa kanyang magandang mga mata. She wrapped her arms around me at nag lalambing na isinandal ang kanyang ulo sa aking dibdib.

Wala talagang makakapantay sa pakiramdam na mayakap ang babaeng mahal mo. Kapag kasama ko siya parang gusto kong kalimutan ang lahat at kung sino ako? Para bang may sarili kaming mundo pag kami lang ang mag kasama. With just her smile, napapa gaang na niya ang dibdib ko at nabubuo na nya ang araw ko. Mahal na mahal ko si Katharina at sigurado ako duon. Ganun din naman si Pauline dahil matagal ko siyang nakasama at inalagaan. Kaya lang ibang iba talaga ako kapag si Kath ang kasama ko.

"I love you." She said.

I cupped her chin and smiled.

"I love you too, angel."

Ngumiti siya pero hindi kagaya ng ngiti niya nuon na para bang napaka saya niya. Pakiramdam ko may kulang sa ngiti niya ngayon.

"Taposin ko lang itong niluluto ko ha?" Aniya at muling tumalikod upang ipag patuloy ang pag luluto. Muli ko siyang niyakap mula sa likod at hinalik-halikan sa balikat.

"May iba akong gustong kainin."

"Callum ayan ka nanaman ah. Pakiusap, hayaan mo muna akong makapag luto para makakain tayo ng maayos. Mamaya na yang kung ano mang iniisip mo dyan." aniya nang natatawa. Ngumuso ako at inilapat na lang ang baba sa kanyang balikat.

"Hmmm bangooo." I said.

"Talaga? Gusto mong tikman?"

"Ikaw? Okay."

Tumalikod siya par humarap sa akin at saka pinisil ang aking ilong.

Ruthless DesireDove le storie prendono vita. Scoprilo ora