004: Manila

29.9K 513 28
                                    

Kabanata 4
Manila

Pagsapit ng hapon ay napagdesisyunan ni Callum na kausapin ang kanyang ama. Tumawag ang kanyang sekretarya at kailangang kailangan na siya ng kanyang kompanya. Hindi na niya muna siguro maisasagawa ang planong paghiwalayin ang ama at ang kasintahan nito dahil kailangan na niyang makabalik sa Manila para asikasuhin ang sariling kumpanya. Ayaw pa sana niyang bumalik sa Manila pero wala na siyang magagawa. Balak niyang umalis na kaagad kinabukasan.

"Dad, I need to speak with you."

"Go on, I’m listening.”

Tumingin sa direksyon ni Katharina ang binata. Naintindihan naman agad ni Katharina ang ibig sabihin ng tingin na iyon ni Callum sa knaya. Nais nitong umalis siya upang sarilihang makausap ang ama.

"Sige Chris maiwan ko na muna kayo para makapag-usap kayo ng maayos." Aalis na sana ang dalaga ngunit agad siyang pinigilan ni Chris.

"Stay here, sweety. Go ahead, son. Ano ba ang gusto mong pag-usapan natin?"

"Dad, I want to speak with you privately."

"Hindi naman siya ibang tao kaya mag sstay siya. Ano ba ang gustong mong sabihin?"

Hindi na siya nakipagtalo pa sa ama kahit na gustong gusto na niyang palayasin ang babae. Hindi siya komportable na naroroon iyon habang kausap niya ang kanyang ama.

"Wala naman, Dad. Magpapaalam lang sana ako. Hindi na ako magtatagal pa dito ng isang buwan. Kailangan ko na ding lumuwas pa Maynila, bukas na bukas din. Kailangan ako ng kompanya ko." Walang paligoy-ligoy na sabi ng binata. 

Dahil doon ay hindi napigilan ng ama ang malungkot. Ang buong akala niya pa naman ay muli ng bumalik ang kanyang panganay na anak. Matagal siyang nasasabik na muling makasama ang mga anak at ngayong kasama niya na ang isa sa mga ito ay agad din naman siyang iiwan muli. Oo nga pala at may sarili na itong buhay sa Manila.

Walang magawang tumango-tango na lamang ang ama sa sinabi ng anak. Naiintindihan niya kung bakit hindi ito pwedeng manitili doon ng matagal. Alam niyang may mabigat na tungkuling iniwan ang anak sa Manila.

"Kumusta ang iyong kumpanya? May problema ba at kailangan mo agad umuwi? Well, wala naman akong magagawa kung tungkol d’yan ang biglaang pagbalik mo ng Maynila. Alam ko naman na may sarili ka ng buhay sa Manila at hindi ko naman pwedeng pigilan kang umalis kahit na ayaw ko pang umalis ka at gusto ko sanang magtagal ka pa dito.”

Di maiwasang malungkot ni Callum sa pasaring ng kanyang ama. Batid din naman niya na nais pa siya nitong makasama ng matagal dahil matagal din siyang di nakabisita dito pero wala siyang magagawa kailangan niyang asikasuhin ang kompanyang naiwan niya.

"Dad, I'm really sorry. Don't worry I'll find a way para madala ko din dito sina Cassey at Veronica,” pag aalo nito sa ama. Ngumiti lamang ng tipid ang ama at tumango-tango.

"By the way, son, gusto kong isama mo sa'yo si Katharina." Parehong naguguluhang napatingin kay Chris ang dalawa ngunit unang nakapag-react si Katharina tungkol sa sinabi nito.

"Chris, anong ibig mong sabihin?" kinakabahang tanong ng dalaga sa Don. Hindi pa ito kailanman nakarating sa Maynila at nang marinig ang sinabi ng nakatatandang Montemayor ay agad siyang nakaramdam ng takot.

Humarap si Christopher sa dalaga at matamang tinitigan ito sa mga mata.

"Sa tingin ko panahon na para subukan mo namang mabuhay sa labas ng lugar na ito. Explore the world; it will help you move on from everything you've been through. Kath, it's time to let go of the past. It's time to explore the world and be happy, and in order to do so, you must embrace your fear and step outside of your comfort zone. You deserve to be happy. Katharina subukan mo lang. Subukan mong gawin ang mga bagay na ginagawa ng mga kaisng edad mong babae. I want you to go out and have fun, go to bars, or do whatever you want. Katharina, I want you to live your life to the fullest. Iyan lang ang hinihiling ko sa’yo bago tayo maikasal." 

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now