035

21.9K 332 11
                                    

035

K A T H


"Hey angel."

Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mukha ni Callum na nag aalala. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit. Gumagaang ang pakiramdam ko kapag kasama ko siya kahit mali. Gustong gusto ko kapag nayayakap ko siya ng ganito kahigpit. Pakiramdam ko nababawasan ang mga problema ko. Sa kanya at sa anak lang namin ako kumukuha ng lakas ng loob.


"Hey.." Iniharap niya ako sa kanya at hinalikan sa nuo.


"What's wrong angel?"


Umiling iling lang ako at muli siyang niyakap. Niyakap na din naman niya ako pabalik. Ilang sandali kaming magkayakap bago niya ako dinala sa kwarto niya. Mula sa hospital dumiretsyo agad ako sa bahay ni Callum. Hindi ko na kasi talaga kaya kailangan kong ilabas lahat at pakiramdam ko sasabog na ako. At si Callum lang ang sa tingin ko makakapag pagaang ng loob ko. Gusto kong kumuha ng lakas mula sa kanya upang mas maalagaan ko pa ang anak namin. Hindi ko din kayang patuloy na makitang ganun yung anak ko. Para akong tinotorture kapag nakikita ko yung kalagayan niya. Ang sakit sakit. Wala akong magawa kundi ang panuorin lang siya habang nahihirapan siya.


Inihiga ako ni Callum sa kama habang naupo naman siya sa tabi ko. Yumakap ako sa bewang niya at duon nag simulang umiyak. Hindi ko na kayang pigilan ang sakit. Tuluyan na akong sumabog at si Callum lang ang pwede kong malapitan sa mga oras na ganito. Siya lang ang nakakapag pagaang ng loob ko nuon pa man. Kaya di ako nag dalawang isip na puntahan siya. Alam kong pag sa kanya ako lumapit ay gagaang ang loob ko.


"What's wrong angel? Tell me.." Aniya habang hinahaplos ang buhok ko. Umiling iling ako bilang sagot.


"Oh God.. Wag naman ganito Kath.." Aniya bago inangat ang mukha ko paharap sa kanya. Bakas ang pag aalala sa mukha niya.


"Tell me angel please..." Seryosong sabi niya habang nakatitig sa mga mata ko. Muli akong umiling kaya napabuntong hininga ulit siya.


"Oh fvck. I hate to see you cry! I never want to see you sad. Please angel kausapin mo ako. Tell me what's bothering you? Sabihin mo sa akin, Angel please. Ayoko nang nakikita kang ganito."


"I'm sorry Callum." Tanging nasabi ko bago muling napaiyak. Isinubsob ko ang mukha ko sa katawan niya at duon ibinuhos lahat ng luha ko.


"Damn it!"


Gusto kong humingi ng tawad sa kanya dahil pilit kong itinatago sa kanya ang anak namin. Natatakot lang naman ako na baka mawala sa akin ang anak ko. Si Nicholas na ang buhay ko at mamamatay ako kapag kinuha pa pati siya sa akin. I'm so sorry Callum... Tatanggapin ko kahit anong kapalit wag lang mawala sa akin si Nicholas. Sana balang araw mapatawad mo din ako Callum.. Sana..

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now