034

21.7K 308 5
                                    

034

K A T H


Nagising ako sa mga marahang halik ni Callum sa balikat ko. Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko habang pababa ng pababa ang halik ni Callum. Bahagya ko siyang tinulak kaya naman napatingin siya sa mukha ko.


"Anong ginagawa mo? Ang aga aga." Sabi ko na di maiwasang mapa-irap. Ngumisi siya bago ako hinalikan sa labi pero sandali lang iyon at hindi na tulad ng kagabi na matagal at mariin.


"I can't get enough of you." Aniya na ang mga braso ay mabilis na pumulupot sa bewang ko. Inilagay ko naman ang mga kamay ko sa dibdib niya at nag simulang gumuhit ng kung ano anong bagay sa kanyang dibdib gamit ang mga daliri ko. Nakikiliting tumawa siya sa ginawa ko.


"Stop it, Kath!"


"Hmp sungit!" Inalis ko ang kamay ko sa dibdib niya pati na din ang mga braso niyang nakapulupot sa bewang ko. Sinamaan ko siya ng tingin bago ko siya tinalikuran. Narinig kong tumawa siya sa ginawa ko bago ko muling maramdaman ang mga braso niya sa bewang ko. Hinila niya ako palapit sa katawan niya hanggang sa sobra na kaming magkadikit.


"Kath.." Tawag niya habang hinahalikan ang balikat ko. Di ko siya pinansin at pumikit. Napatili ako nang mag landas ang kamay niya sa tuktok ng dibdib ko. Humarap ako sa kanya at mariing siniil siya ng halik. Agad naman niya iyong tinugunan ng mas malalim pa habang ang kamay niya ay nag lalakbay sa kung saan sang parte ng katawan ko. Pumaibabaw ako sa kanya habang hindi pa din nag hihiwalay ang mga labi namin.


"You're no longer my sweet and innocent angel.." Parang may lungkot na sabi niya nang bumaba ang halik ko sa leeg niya. Nakaramdam ako ng sandaling kirot sa dibdib ko nang sabihin niya iyon. Gusto kong maiyak pero naisip ko hindi ba mas maganda nga iyon. Na hindi na ako ang dating Katharina na nakilala niya na tanga at walang kamuwang muwang sa mundo. Hindi na ako ang Katharina na madaling nauuto at walang ibang alam kundi ang umiyak na lang.


Inangat ko ang tingin ko hanggang sa muling mag tama ang mga mata namin. Agad kong nabakas sa mga iyon ang labis niyang pag kalungkot. Para siyang nang hihinayang at para akong kinukurot sa dibdib. Ngumiti ako kahit na pakiramdam ko binibiyak yung dibdib ko.


"At wala na akong balak pang bumalik sa dating ako." nakayanan kong sabihin iyon nang hindi pumipiyok. Tumango tango siya ngunit nababakas ko pa din ang lungkot sa mga mata niya. Pumikit ako at muling hinagkan siya sa labi. Gumanti naman agad siya at mas naging maalab ang pag tatalik namin.


Nagising akong wala na si Callum sa tabi ko. Agad kong chineck ang oras. Halos sabunutan ko ang sarili ko nang makitang tanghali na pala. Aish! Kamusta na kaya ang anak ko? Hinahanap na ako nun sigurado, kawawa naman ang anak ko walang kasama buong mag damag. Agad akong bumangon at nag bihis ngunit lalabas pa lang sana ako ng kwarto nang biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Callum na mag kasalubong ang mga kilay.


"Aalis ka na?" Tanong niya nang maabutan akong bihis na. Tumango ako bilang sagot.

Ruthless DesireTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang