040

24.3K 356 4
                                    

040

C A L L U M

"Siya si Nicholas Perez, anak ni Katharina Perez."

Napatingin ako kay mom nang sabihin niya iyon. Lalong lumakas ang tahip sa dibdib ko nang marinig ko ang pangalang iyon. May namuo na agad na tanong sa isip ko.

"Nakita ko siya kanina sa labas ng restaurant, ang sabi niya hinahanap niya daw yung daddy niya. Hindi daw niya kilala ito pero may litrato siya ng kanyang ama. Nicholas, maari mo bang ipakita sa kanya yung litrato ng daddy mo?"

Dahan dahang tumango yung bata habang umiiyak pa din. Inilabas nito mula sa kanyang bulsa ang isang maliit na litrato...

Litrato ko.

Hindi ako makapaniwala. Pinag masdan kong maigi ang mukha ng bata. Kaya pala parang pamilyar siya, kamukha ko siya. Para akong nastatwa sa kinatatayuan ko. Bigla kong naalala yung Nicholas na binabanggit palagi sa akin ni Katharina nuon. Yung Nicholas na mahal na mahal niya, yung Nicholas na pinili niya at yung Nicholas na dahilan kung bakit niya ako iniwan, ang Nicholas pala na yun ay anak namin.

Dahan dahan akong lumuhod sa harap ni Nicholas. Luhaan na din yung mga mata ko habang nakatitig sa kanya.

"I-Ikaw.. po ba ang tatay ko?" humihikbing tanong niya sa akin. Dahan dahan akong tumango at mabilis na niyakap siya. Mas lalong lumakas yung iyak niya nang yakapin ko siya at kahit ako ay hindi ko na din napigilan ang mapahikbi. Hindi ako makapaniwalang nag kaanak kami nuon ni Kath at ito na siya ngayon sa harap ko. Malaki na siya at hindi ko man lang siya nakitang lumalaki. Ang sakit sakit lang na nagawa ito ni Katharina sa akin at sa anak namin. Paano niya kami nagawang pag layuin. Paano niya nagawang pag kaitan ng isang magandang buhay ang anak namin.

"Ma'am hindi po kayo pwedeng pumasok hanggat walang---"

"Kailangan kong makausap si Callum. May kailangan akong sabihin sa kanya!"

Biglang bumukas ang front door kaya napatingin kaming tatlo duon. Pumasok si Katharina na pilit namang pinipigilan ni manong guard. Nang mapadako ang tingin niya sa amin ni Nicholas ay natigilan siya bigla. Napahawak siya sa kanyang bibig habang nakatingin sa amin. Ang laki ng pinag bago niya sa loob ng tatlong taon. Maganda pa din siya kahit na wala siyang ayos at mukhang kulang na kulang pa sa tulog.

"Pasensya na kayo sir, itong babae po kasi nag pupumilit pumasok."

"Let her go, manong it's okay." utos ko sa guard. Tumango ito at lumabas na para muling bumalik sa kanyang pwesto.

"Nanay!" Tawag ni Nicholas kay Katharina at mabilis na tumakbo palapit sa kanya upang yakapin.

"Anak ko. Bakit mo naman ginawa yun? Alam mo bang halos mabaliw na ako kakahanap sayo? Bakit mo naman iniwan ang nanay?" Naluluhang sabi ni Katharina habang nakatitig sa anak namin. Ako naman parang nastatwa na sa kinatatayuan ko habang pinapanuod silang mag ina.

"Nay, hinanap ko lang naman yung lalaki sa wallet mo kasi naisip ko baka siya yung tatay ko. Nanay, ayun po siya oh." Tumuro sa direksyon ko ang bata.

"Siya po ang tatay ko diba?"

Tumingin sa akin si Katharina at nag tama ang mga mata namin. Ilang segundong nakatitig lamang kami sa isat isa bago siya maunang mag iwas ng tingin. Hindi ako makapaniwala na makikita ko pa siyang muli, ang buong akala ko ay hinding hindi na mag kkrus ulit ang mga landas namin pero heto nanaman siya. Hindi ko alam kung handa pa ba akong patawarin siya. Hindi ko alam kung mapapatawad ko nga siya basta ang mahalaga sa akin ngayon ay ang mag karuon ako ng karapatan sa anak namin. Oo alam kong anak ko si Nicholas. Hinding hindi ako pwedeng mag kamali. Ganitong ganito din yung pakiramdam ko nuong una kong makita si Katherine. Alam ko na agad na akin siya.

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now