029

21.2K 344 17
                                    

029

K A T H


Tinutoo nga ni Chris ang sinabi niyang ipaaalala niya ulit sa akin ang impyernong pinanggalingan ko. Isang linggo na mula nang bumalik ako dito sa hacienda at isang linggo na din niya akong kinukulong dito sa kwartong ito. At sa bawat araw ay mas lalo niya akong pinahihirapan. Mas naging mahigpit siya at malupit. Ipinaparamdam niya sa akin araw araw yung mga bangungot ko nuon. Ipinaparamdam niya sa akin muli yung pakiramdam na para kang nasa impyerno. Hindi lilipas ang isang araw na hindi niya ako nasasaktan. Kung ano anong pananakit ang ginawa niya sa akin na halos hindi na ako makabangon sa kamang ito.


Hindi ako makapaniwalang nagagawa niya sa akin ang lahat ng 'to. Hindi ako makapaniwala na magagawa ng isang kagaya niya ito. Napaka buti niyang tao nuong nakilala ko siya pero bakit siya naging ganito? Napaka sama na niyang tao at hindi na siya marunong mahabag. Hindi ko na kayang tiisin yung mga pang mamaltrato niya sa akin. Ang sakit sakit na. Sobra sobra na. Pinapaaalala niya sa akin lahat ng nakaraan ko at takot na takot ako. Ayoko na. Para niyo nang awa, tigilan niyo ako. Ilang beses akong nag makaawa sa kanya na pakawalan ako pero hindi niya ginawa. Habang nag pupumilit akong makaalis lalo niya akong sinasaktan.


At tuwing gabi, muli akong nag kakaruon ng mga masasamang bangungot pero wala ng yumayakap sa akin para sabihing magiging maayos din ang lahat. Mas lalo kong naramdaman ang pakiramdam na nag iisa na nga lang talaga ako.


May pagkakataong naiisip kong magpakamatay na lang pero sa tuwing tatangkain kong gawin iyon ay pumapasok sa isip ko si Callum. Hindi ko alam kung bakit pero sa tuwing maaalala ko siya parang nawawala yung dahilan ko para mag pakamatay. Siguro dahil ayokong dumating yung oras na hindi ko na muling masisilayan yung ngiti niya.


Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin at napangiti ng mapait. Siguro kung makikita ako ngayon ni Callum.. hindi na niya ako mamahalin ulit at hindi na niya ako gugustuhin pang makita ulit. Isa na akong basura ngayon. Kinapa ng kamay ko ang mga mata kong halos hindi ko na maidilat dahil sa pasa at dahil na din sa pamamaga dulot ng mayat mayang pag iyak. Sunod kong hinaplos ay ang ilang mga galos sa mukha ko at ang galos sa may bandang labi ko. Muling tumulo ang mga luha ko. Ayoko sanang umiyak dahil sobrang hapdi kapag nag lalandas ang mga luha ko sa mga sugat sa mukha ko pero hindi ko talaga mapigilan. Kapag titingnan ko ang sarili ko sa salamin ay hindi ko magawang maawa sa sarili ko. Pati ang buong katawan ko ay punong puno na ng pasat mga sugat. Hindi ko alam kung bakit ba ako ginaganito ni Christopher. Alam kong nagkasala ako sa kanya pero tama bang gawin niya lahat ito sa akin. Kahapon lang nang makita niya akong nag aayos ng sarili ay agad siyang kumuha ng gunting para gupitin ang buhok ko. Papapangitin at sisirain niya daw ako para hindi na daw ako makapag landi. Hanggat hindi niya ako nasisira ng husto ay hinding hindi daw siya matatahimik. Kaya ito ko ngayon.. Halos hindi na makilala ang sarili. Malayong malayo sa dati. Baka nga pag nakita ako ni Callum ay hindi niya na ako makilala eh.


Ang sakit sakit. Hindi lang niya ako physically sinasaktan kundi pati pagkatao ko tinatapakan na niya. Pagod na pagod na ako. Wala bang kataposan ito? Bakit ako pa? Bakit sa akin nangyayari itong lahat? Bakit?


Biglang bumukas ang pinto at pumasok si manang Loleng. Nagulat siya pagkakita sa hitsura ko. May dala dala siyang tray ng pagkain at halos maibagsak na niya ito. Sa isang linggo kong pagkakakulong dito ay ngayon lamang na si Manang Loleng ang nag hatid ng pagkain ko. Agad akong lumapit sa kanya upang yakapin siya. Mahigpit din naman niya akong niyakap pabalik. Sa mga oras na yun kahit papaano ay gumaang yung loob ko. Kasi kahit papano nagkaruon ako ng pag asa nang makita ko si manang.

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now