005

30.5K 525 14
                                    

Kabanata 5:

Bumukas ang pinto ng shower room at dahan dahang lumabas mula dito ang dalagang nakasuot ng isang maiksing bistida. Napapalunok naman si Callum habang hindi malaman kung saan ibabaling ang tingin. Hindi nito magawang iwalay ang paningin mula sa babaeng katukso tukso ang hitsura. Ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat kung paano nito nagawang maakit ang kanyang ama.

May ideyang biglang pumasok sa isip ni Callum. Baka sakaling ang naisip niyang plano ang makapagpahiwalay sa kanyang ama at sa babaeng kasama. Walang pag aalinlangang lumapit siya sa babaeng nakatayo lamang sa may labas ng pinto ng banyo. Maliit lamang ang kwarto kung kayat hindi niya alam kung saan siya dapat lumugar.

Nag taka ang babae sa biglang paglapit ng lalaki. Mag sasalita pa lang sana siya ng bigla siya nitong hapitin sa bewang at mabilis na inangkin ang kanyang mga labi.

Naisip ni Callum na baka pag nagawa niya itong mapaibig ay iwan na nito ang kanyang ama at pag dumating ang araw na yun ay siya namang mang iiwan sa babae. Sandaling nag lapat ang kanilang mga labi at lumayo din naman agad ang binata. Nakangiti siya habang ang babae ay gulong gulo sa nangyari.

"It's just a good night kiss." Nakangising pahayag ng binata bago ito tumungo sa couch at humilig dito. Nakatangang nakatingin lang sa kanya ang babae at hindi mawari kung anong dapat na maging reaksyon niya sa ginawa ng binata. Pangalawang beses na siya nitong hinalikan at hanggang ngayon ay hindi niya pa din alam kung para saan ang halik na yun.

Kinabukasan ay katakatakang iba ang trato sa kanya ng binata. Masigla ang mukha nito at nakangiti pa kaya hindi lubos maisip ni Katharina ang sanhi ng pag-aliwalas ng mood nito. Biglang pumasok sa isip niya ang mga nangyari kagabi. Hinalikan siya ng lalaki at hinayaan siya nitong matulog sa kama. Napangiti siya dahil hindi niya akalaing may taglay din pala itong pagkamaginoo. Medyo bastos nga lang ng konti.

"Nagugutom ka na ba?" Tanong bigla ng binata habang nakangiti ito at nakatingin sa daanan. Sinimulan na muli nilang bumyahe pamaynila. Madaling araw sila ng magising at kumilos and since then nakangiti na ang binata. Napapaisip nga ang dalaga kung hindi ba nangangalay ang binata dahil kanina pa ito nakangiti.

"Hindi. Okay lang ako." Sagot ng dalaga kasabay ng biglang pagkalam ng kanyang tiyan.

"I don't think so." Nakangising sabi ng binata. "Sa tingin ko we should stop here." Sabi pa nito ng eksaktong mapadaan sa isang past food chain. Ipinarada nito sa tapat ang sasakyan at bumaba dito. Umikot siya sa side ni Katharina at nakangiting pinagbuksan niya ito ng pinto. Nag tatakang bumaba ang dalaga sa nasabing sasakyan at inalalayan naman siya ng binatang pumasok ng fast food chain.

Naupo sila sa pinaka malapit na lamesa. Tinanong muna siya ng binata kung anong gusto niyang orderin bago ito tumungo sa counter upang umorder. Napapangiti ang dalaga habang tinatanaw niya ang binata mula sa kinauupuan niya. Hindi pa din niya maintindihan ang sanhi ng biglang pagbait nito sa kanya pero masaya siya dahil maayos na ang pikikitungo nito sa kanya.

Sandali lang silang kumain at bumalik na muli sila sa sasakyan. Tanghali na ng makarating sila sa maynila. Medyo nanibago si Katharina sa lugar. Lalo na ng makapasok sila sa condominium ni Callum, manghang mangha siya sa pagkakadesenyo ng kabuuan nito. Pinangarap niya nuong maging isang architect dahil pangarap niya ding bigyan ng magandang bahay ang kanyang ina. Ngunit hindi na kahit kailan mangyayari iyon dahil wala na ang kanyang ina. Malungkot na napaupo siya sa sofa.

"Do you need anything?" Biglang tanong ng binata. "Ah wala na. Salamat pala sa pag papatuloy mo sa akin dito."

"Duon mo na muna ilagay sa kwarto ko ang mga gamit mo. Hindi ko pa kasi napapalinisan ang gagamitin mong kwarto." Prisinta nito. Nahihiyang napailing naman ang babae.

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now