021

26.4K 454 18
                                    

021

Callum

She was cuddled againts my side, her arm wrapped around my waist. Napaka sarap niyang pag masdan habang natutulog. She was so beautiful. Mukha siyang anghel. Napaka amo ng mukha niya, hindi ako makapaniwalang naangkin ko siya last night. Muling nag balik sa akin ang nangyari kagabi. She was a virgin when I had her. Damn!

Kung alam ko lang.

Naalala ko yung mga naging asal ko sa kanya nuon, the way I treat her. Fvck! Nag kamali ako ng tingin sa kanya at pinag sisihan ko iyon ngayon. I don't deserve her! Fvck! Kung alam ko lang. Kung alam ko lang hinding hindi ko gagawin sa kanya lahat ng ginawa ko nuon. Nasaktan ko siya.. Sinaktan ko ang isang tulad niya na wala namang ginagawang mali. Fvck! Sobrang gago ko! Hindi ako nararapat para sa tulad niya! Parang gusto kong saktan ang sarili ko habang inaalala ang lahat ng masasakit na nasabi ko sa kanya nuon. Wala siyang ginagawang masama..

Putangina napaka laki kong tanga para hindi makita lahat ng iyon! Ngayon malinaw na sa akin kung ano ba talagang minahal ni Dad sa kanya. It's definitely her selfless kindness. Hindi ko kayang patawarin ang sarili ko sa mga nagawa ko sa kanya nuon. God! Kung alam ko lang ang lahat.. I provably shouldn't have done that. She was so innocent. Paano ko nagawang saktan siya? Napaka gago ko! Ang gago mo Callum!

Sa totoo lang hindi ko na alam ngayon kung paano ko pa siya haharapin pag gising niya. Nag sisisi ako sa mga nagawa ko sa kanya. Nahihiya ako sa kanya dahil alam kong hindi niya deserve lahat ng mga paratang ko sa kanya nuon. Fvck! Paano ko nagawa sa isang kagaya ni Katharina iyon? Dapat naniwala ako sa kanya nuon. Kung sana naniwala ako sa kanya hindi ko sana nagawa sa kanya ang mga kagaguhang yun.

Siya ang pinaka karesperespetong taong nakilala ko maliban kela dad. Dapat pinakinggan ko siya.

Nahinto ako sa pag iisip nang maramdaman kong gumalaw siya sa tabi ko. Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa kanyang mukha. Ano mang oras alam kong magigising na siya. Hindi ko pa din alam kung paano ko siya haharapin. Inayos ko ang pagkakakumot sa kanya bago lumabas ng kwartong iyon.

Natatakot akong baka pag gising niya pag sisihan niya ang nangyari sa amin. Natatakot akong makita sa mga mata niya ang labis na pagsisisi. Kung ako ang tatanongin wala akong pinag sisisihan sa mga nangyari pero still.. Hindi ko pa din dapat siya ginalaw. Pero kahit ano pa mang mangyari isa lang sigurado ko.. pananagutan ko ito. Ipag lalaban ko siya sa kahit ano at kahit sino.

Nababaliw na nga siguro ako dahil alam ko namang may ibang babae sa buhay ko pero nagawa ko pa din ito. Hindi ko na maintindihan. Alam ko mahal ko si Pauline pero si Katharina.. iba yung nararamdaman ko sa kanya kompara sa nararamdaman ko kay Pauline. Iba si Katharina eh at alam kong hindi lang basta basta ang nararamdaman ko para sa kanya. Baka nga mahal ko na siya.. Mahal na mahal.

Di ko na alam kung ano ba itong napasukan ko basta isa lang ang alam ko.. Hindi ko kayang bitawan si Katharina at hinding hindi ko siya bibitawan kahit saan pa man umabot ito.

Natigil ako sa pag iisip nang mag ring ang phone ko.

"Hello?"

"Hello sir. Ipapaalala ko lang po yung appointment niyo mamaya kay Mr. Alfonso."

Bigla kong naalala na may kailangan pa nga pala akong ayusin sa kompanya. Napaka daming natambak na problema mula ng sisantehin ko yung gagong Lawrence na yun.

"Alright. I'll be there."

~~~~

KATHARINA

Nagising akong wala na sa tabi ko si Callum. Suot suot ko ang damit niyang halos hanggang tuhod ko na ang haba. Hindi pa din ako makapaniwalang ibinigay ko ang sarili ko sa kanya. Hindi naman ako nag sisisi na sa taong mahal ko ibinigay iyon kaya lang hindi ko pa din maiwasang wag makonsensya. Kasalanan pa din ang ginawa naming iyon. Hindi ko na alam ang tamang gawin. Sa buong buhay ko ngayon lang ako nalito sa kung ano ang mali at tamang gawin.

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now