017

26.1K 412 7
                                    

017

Nagising ako sa bisig ng isang tao. Gulat napabangon ako kaagad mula sa pagkakahiga ngunit naging dahilan naman iyon ng pagkahulog ko sa lapag.

"Aw!"

Agad na nagising naman si Callum. Nag tatakang tumingin siya sa akin. Napangisi siya ng makita ang nangyari sa akin. Bakit kaya siya tumatawa? Ang sakit kaya nun.

"What do you think you're doing?" Aniya bago ako tulungang makatayo mula sa sahig. Inalalayan niya ako paupo sa sofa habang may ngisi pa ding nag lalaro sa mga labi niya.

Hindi ko pa din maintindihan ang nangyayari sa lalaking 'to. Ang hirap hirap niyang basahin. Minsan galit siya sa akin kung minsan naman ay ganito. Hindi ko na maintindihan.. Bakit niya ba ito ginagawa? Naguguluhan talaga ako. Akala ko panaginip lang lahat ng nangyari kagabi. Akala ko nananaginip lang ako kasi naman napaka imposible ng nangyayari. Tyka bakit naman sasabihin yun sa akin ni Callum?

Tumaas ang kilay niya ng hindi ako umimik. Agad akong nag isip ng paraan para matakasan siya. Naguguluhan ako sa lahat ng nangyayari. Nalilito ako sa mga pinag gagagawa niya. Hindi ko na alam talaga.

"A-anong oras na.. Baka malate ako. Mag aayos na--" Tatayo pa lang ako ng pigilan niya ako.

"Don't bother. Hindi muna kita papasukin ngayon." Aniya.

"Ah.. B-bakit?"

"I just want to."

"A-Ano kasi.."

"Kung ayaw mo akong makita sige ako na lang ang aalis. Basta stay here, wag kang aalis ng hindi nag papaalam sa akin. Got it?"

Hindi ako nakasagot. Napanganga na lang ako. Ano ba talagang nangyayari sa kanya? Bakit tila bigla na lang siyang naging anghel sa akin. Tumayo na siya mula sa pag kakaupo sa sofa at pumasok na sa kwarto niya.

Ano ba talagang nangyayari?

Pinilit kong wag na lang bigyan ng ibang meaning yung mga ginagawa niya. Baka ganun lang talaga si Callum minsan mainit ulo at minsan naman maalagang tao. Sabi naman sa akin ni Chris mabait na bata daw talaga si Callum.

Ah basta! Ayoko na lang muna mag isip ng kung ano! Nakakapagod na mag isip sa totoo lang kaya tama na muna. Ang kailangan kong gawin ngayon ay ang mag libang dahil mag isa akong maiiwan ngayon dito sa bahay.

Naisipan kong tawagan si Calvin. Sana lang hindi ako nakakastorbo sa pag tatrabaho niya. Sino lang ba naman kasi ang malalapitan ko dito kundi siya. Natuwa naman siya na tinawagan ko daw siya. Mag aayos lang daw siya at susunduin niya ako agad dito sa condo. Naligo na din ako at nag ayos para hindi na siya mag hintay sa baba.

Pag labas ko ng kwarto ay sakto ding paglabas ni Callum sa kwarto nito. Nag salubong ang mga kilay niya ng makitang tila may balak akong umalis.

"Mamasyal lang ako." Paalam ko pilit na iniiwas ang tingin sa kanya.

"Where? Para maisabay na din kita." Aniya. Umiling iling ako.

"Hindi na. May mag susundo na sa akin. Salamat."

"Ganun ba? Sige mauna na din ako." Biglang naging malamig yung boses nito. Dirediretsyong lumabas siya ng unit.

Pag baba ko sa lobby ay saktong nandun narin naman si Calvin para sunduin ako. Ngumiti ako sa kanya.

Mag aalas dyis na ng gabi nang makauwi ako sa condo ni Callum. Dahan dahan kong sinara yung pinto ng unit niya. Pag pasok ko ay madilim na paniguradong tulog na yung isang yun. At yun naman talaga ang balak ko.

Iiwasan ko si Callum sa paraang naiisip ko. Hindi ko kasi maintindihan ang mga ikinikilos niya. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang siyang naging mabait sa akin at kung bakit parang iba na yung turing niya sa akin. Alam kong may mali kaya ako na lang yung iiwas. Pagkakamali na nga yung natulog kami ng magkatabi kagabi eh. Mali yun kasi mapapangasawa ko na ang dad niya.. Isa pa hindi naman tama na tumabi sa pag tulog ang isang babae sa taong hindi naman niya asawa..

Ruthless DesireWhere stories live. Discover now