Chapter 1: Touch

2.3K 68 2
                                    

ZAN'S POV

"Sira ka talaga." Singhal ni Kristen kay Davis. Natawa naman kami hinahabol kasi ni Kristen ang isa. Pinagtripan lang naman ni Davis si Kristen, nilagyan ng gagamba ang laptop nitong nasa ibabaw ng mesa.

Seriously, a real spider. At sino naman ang di matatakot sa real spider? Geeez, napakasira talaga nitong si Davis. Si Kristen pa talaga na kahit nga langaw kinakatakutan. Tsk. Ewan naiisip ko nga pa'no kaya kung nasa isang sitwasyon kami kung saan may patayan, ano kaya ang mangyayari sa isang 'to? Tsk. But I don't wish to happen that. Ayoko, baka hindi lang siya ang mamamatay sa takot baka pati ang mga lalaking kasama namin ngayon.. Urrrggg. Horror movies pa nga lang takot na what if in real life. Ahahaha.. Matatawa siguro ako.

"Sabi ko sa'yo huwag mo akong inisin." asar na sagot ni Davis. Napailing iling pa. Tapos napatingin sa akin. I just smile then he smile at me too.

"Aba ako pa ngayon, ikaw nga 'tong naglagay ng gagamba, ako pa talaga ang nagsimula. Tsk. Lumapit ka dito malilintikan ka talaga." himutok ni Kristen na hinabol uli ang lalaki. Habang si Davis naman nagpunta sa likod ko at doon nagtago.

Sira din ang isang ito ang lapad ng space na pwedeng takbuhan at may mga puno namang pwedeng pagtaguan dito pa talaga sa likod ko.

Haha, sa likod ko talaga. Kinikilig naman  ako. Pero siyempre pigil lang nakakahiya naman sa kanila ano. Ahihi

"At talagang sa likod pa ni Zan ka nagtago huh." anang Alvon naman.

"Tsk. Alam kasing hindi makakalapit si Kristen kay Zan." sabat naman ni Evangeline or Eva for short.

"Ano ba yan nakatago sa likod ng crush." singhal naman ni Mila na ikinatigil ni Davis na nakahawak pa din sa balikat ko.

"At kinikilig naman ang isa." Napatigil ako at sinamaan ng tingin si Alvon.

"Hi-hindi no."  Wew nautal pa ako. Pahalata ka talaga Zan.

Humagikgik pa sila.

"oh, nagbublush." Kantiyaw pa ni John sa akin. Napairap na lang ako at yumuko. Geeez, oo na kinikilig na ako. Kailangang i shout out talaga. Geez.

"Patago-tago ka pa kay Zan huh. Ba't di ka na lang kasi tumabi sa kanya.Torpe mo talaga." Bulyaw ni Kristen. Tumawa naman ang iba. Aist.

Napailing na lamang ako, kami pa talaga pinagtitripan nila. Masyadong obvious, alam ko naman iyon naichismis nitong babae (Mila).

"A-ano bang... pinagsasabi niyo?" anang Davis na lumayo na sa akin at sumeryoso ang mukha. Nilapitan naman ito ni Kristen at piningot.

"Aray naman..." hiyaw nito. At nagsigawan na naman sila.

"ahaha, kita mo iyon Zan? Huling huli kaya hindi na niya maikaila." natatawang sabi ni Mila. Inirapan ko lang ang bruha.

"Oo pero did you see his face? Patay ka nagalit mo dagdag pa itong jowa ng lalaking 'to." ani John na tinulak si Alvon.

"Teka, hindi ko kasalanan no. Bahala sila." sagot naman ni Alvon.

"Well, magalit na siya kung magalit, masyadong torpe ih." anang Mila.

Napailing na lang uli ako at hindi na umimik lang.

Ganito talaga sila, walang magawa sa buhay kundi mag-asaran.

Ako nga pala si Zan Marie Evans, 19 years old. BS Tourism student at ang mga iyon mga kaibigan ko sina Mila Rosa, Davis Maron, John Abenida, Kristen Lee, Evangeline Domer at Alvon Francisco.

Vampire VS WerewolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon