Chapter 22: They killed Alvon

536 17 0
                                    

ZAN'S POV

Naalimpungatan ako sa kalabog at katok sa pinto nang kwarto ko.

Sinipat ko ang alarm clock sa side table ko. 6 am palang.

Gusto ko pang matulog pero ayaw tumigil nang kalabog at katok sa pinto ko. Hindi ko alam kung anong nangyayari.

Bumangon ako at pumasok muna sa banyo para magtoothbrush at maghilamos.

Paglabas ko nang banyo dumiretso na ako sa pinto para buksan ito.

Natigilan ako nang makita ang magang mata nila Mila sa kakaiyak, mga mga luha pang kalat sa kanilang mukha. Napatingin ako sa damit ni Kristen, puno ito nang dugo.

Anong nangyari? Kinabahan na ako. Damn huwag sanang may nabiktima sa mga kaibigan ko, please, huwag.

Napatingin ako sa mukha Kristen, nanginginig ito sa takot, sa galit, sa sakit.

Tiningnan ko sila, may kulang ba?

Nanlaki mata ko nang biglang yumakap si Kristen sa akin at umiyak nang umiyak habang binabanggit ang pangalan mi Alvon.

F*ck.

S-si Alvon?

Tama ba ang konklusyon ko? Si Alvon ang kulang? Muli kong ginala paningin ko sa kanila. Oh my god, no.

"No!." Bulong ko. Pinipigil ko ang mga luha ko, huwag hindi.

Nagsisimula nang gumapang ang nginig at takot sa mga ugat ko, nakaramdam na ako nang labis na pangamba nang nagsink in na sa akin ang lahat, ang katutuhanan.

"Zan." Napatingin ako kay Mila, umiiling ito habang umiiyak, napatingin ako kay Eva, iwas ang tingin habang humahagolgol din, napasulyap naman ako kay John, nakatakip ang mukha habang humahagolgol, nalipat tingin ko kay Davis, nakayuko ito habang panay taas baba nang mga balikat na sign na umiiyak siya.

"Z-zan, si Alvon. Si Alvon." Anang Kristen.

Bumigay na ang mga luha ko, napakuyom ako nang kamao ko nang paulit-ulit iyon sinambit ni Kristen.

No! Hindi maaari, hindi.

"Pinatay nila si Alvon, mga walang puso." Anang Mila habang umiiyak.

Si Alvon, ang kaibigan ko. Bakit? Bakit siya? Paano nangyari?

Humiwalay si Kristen sa akin na patuloy pa rin ang hagolgol.

Bakit? Bakit hindi ko naramdaman? Si Alvon, hindi ko nagawang iligtas pero si Abby nagawa ko kahit hindi ko alam kung papano siya ililigtas pero kay Alvon, wala akong nagawa, walang akong nagawa.

Napatakip ako sa mukha ko at humagolgol nang humagolgol.

Damn it, mga walang hiya sila. Mga walang puso. Mga halimaw!

Mga halimaw, bakit? Bakit si Alvon pa? Bakit kaibigan ko pa?

"Pa-paano nangyari?" Tanong ko.

"Bakit hindi ko nagawang iligtas siya? Bakit hindi ko naramdaman na manganganib siya? F*ck, they will pay for this." Galit na galit kong sabi habang umiiyak at kuyom ang kamao.

"Zan, hindi namin alam kung paano, kagabi sabay sabay kaming pumasok nang kanya-kanya naming room, nakakapagtaka kung paanong nasa labas na siya. He knows he would be in danger kung lalabas siya. I am doubt." Ani Mila.

Sapilitan na naman nila bang inilabas si Alvon tulad nang ginawa nila kay Abby at sa ibang nabiktima nila?

Ilang gabi na kaming andito at alam ni Alvon ang panganib na nag-aabang kapag humakbang siya palabas nang hotel kaya paniguradong sinadya at sapilitan siyang hinila papunta sa gubat para mabiktima.

Vampire VS WerewolfWhere stories live. Discover now