Chapter 19: Jealous

621 19 0
                                    

ZAN'S POV

"Hindi ko alam kung anong dahilan pero nagtitiwala akong hindi mo ako ipapahamak. Maraming nangyari sa amin dito sa Isla, Greg alam kong hindi lihim sa inyo ang mga dahilan nang mga patayan dito pero sana hindi ka tulad nila."

After kong sabihin iyon nginitian ko siya.

"Hindi ko alam kung anong mangyayari sa amin pero sana lang makaligtas kami." Aniko pa.

Gusto kong prangkahin siya, gusto kong itanong sa kanya kung isa siya sa mga iyon pero hindi ko ginawa dahil baka maoffend ko siya o magalit.

Gusto ko ding magmakaawang tulungan kaming makaalis o makaligtas pero nagpigil ako baka magiging useless lang at natatakot din ako na malaman niyang may alam ako kahit alam kong aware na siya.

Geeez, naguguluhan ako, hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin. Siguro mas okay na lang na manahimik na lang.

Tumayo ako at ngiting nilingon siya.

"Salamat at inaya mo ako dito." Aniko at tinalikuran siya at nilubog ang sarili sa tubig.

Inalis ko muna ang mga iniisip ko at nag-enjoy sa pagtampisaw sa malamig na tubig.

"Greg, gusto kong magpunta don." Sigaw ko kay Greg na nakatitig pa din sa akin hanggang ngayon, walang reaksyon sa mukha niya pero pagkuway napatingin siya  sa tinuturo ko, ang bumabagsak na tubig sa talon.

Ngumiti siya at tumango.

"Halika." Aniya tapos nilahad ang kamay. Pinagmasdan ko muna ang kamay niya bago naglakad palapit sa kanya at inabot ang kamay niya.

Napatigil ako at napatitig nang magkataop ang aming mga palad. May kakaibang dumaloy sa katawan ko patungo sa puso ko. Ibang tibok ang nadarama ko, bakit? Bakit ganito?

"Trust me I won't let you hurt." Makahulugang sabi niya. Napaiwas ako nang tingin at inignora ang nadarama.

Hindi pwedeng magkaroon nang ibang damdamin ako para sa kanya dahil meron nang laman itong puso ko. Meron nang tinitibok ito.

Pinisil niya ang kamay ko kaya naman alinlangan akong ngumiti sa kanya.

"Tara na. Excited akong maligo don." Aniko.

"Dahan dahan, madulas ang mga bato." Aniya.

Hindi naman ako manhid para hindi malaman kung bakit niya ako niyayang mamasyal, ayoko lang talagang bigyan nang meaning kasi hindi ko alam kung bakit at paano nangyaring ako pa sa dinami rami nang babae sa klase namin.

Napasigaw ako nang tumatama na ang patak nang malamig tubig sa kahit saang parte nang katawan ko.

Inalalayan niya ako papunta sa ilalim nang lagaslas nang tubig. Nakakakiliti, na nakakasakit sa balat pero ang sarap sa pakiramdam parang minamasahe ako.

Maingay din ang pagbagsak nang tubig.

Right this moment, mag-enjoy na muna ako, I have right to feel happy diba?

Sana pala sinama ko sila dito pero it might be danger baka sugurin kami nang mga nilalang na iyon.

THIRD PERSON'S POV

Sa hotel naman hindi mapakali si Davis na palakad lakad sa labas nang hotel. Ayaw niyang sumama si Zan sa lalaking iyon, may masama siyang kutob, gusto niyang sundan ito pero hindi niya alam kung paano at saan ang mga ito nagtungo.

"Geeez, sana talaga tumutol talaga ako." Mariing sabi niya.

Hindi siya mapakali, paparoon at paparito.

Vampire VS WerewolfWo Geschichten leben. Entdecke jetzt