Chapter 12: Lie

689 23 0
                                    

ZAN'S POV

Nagising ako dahil sa pagkalam nang sikmura ko.

Pagmulat ko mukha nina Mila at Kristen ang nakita ko.

"Zan, buti naman at nagising ka na." Anang Mila.

Ginalaw ko kamay ko at kinusot ang mata ko.

"Zan, ano bang nangyari? At saan ka nagpunta?" Napatingin ako kay Davis. Nakakunot ang noo niya.

Sinulyapan ko ang iba pa, lahat sila nakatingin sa akin na parang may gustong itanong.

Ano bang nangyari? Ang naalala ko ay sinundan namin si Kristen na nagwawala at umiiyak at gusto nang umuwi hanggang sa dalampasigan, tapos nag-usap kami tungkol sa mga wolves, tapos pabalik na kami nang hotel pero may nakita akong wolf tapos sinundan ko tapos nakapasok ako nang forbidden forest at doon nakita ko ang cave tapos pinaligiran ako nang mga werewolves, tapos may Alpha na dumating at babae na sinabing ligtas ako tapos tumakbo ako tulad nang sinabi nila hanggang sa nagcolapse na ako pero bago mablangko ang lahat andoon siya, ramdam ko siya, amoy ko siya. Ang akala ko hindi na siya magpapakita, kahit late siya dumating ayos na sa akin at least I am safe while I am unconciuos.

"At paano ka nakarating dito?" Dugtong na tanong naman ni Eva.

Siya, siya ang malamang nagdala sa akin dito. Alam kong siya iyon, ang amoy niya, ang tibok nang puso ko na kakaiba kapag andiyan siya kahit hindi ko man kita pero alam ko at sure na sure akong siya talaga iyon. Siya talaga ang nagdala sa akin dito, alam ko.

Pero hindi ko maaaring sabihin sa kanila.

"Tsk. Tungkol sa tanong mo Eva, hindi ko alam, ang natatandaan ko lang nahimatay ako at wala akong ideya kung sino nagdala sa akin pabalik dito at tungkol naman sa tanong niyo kung saan ako nagpunta, sa isang parte nang gubat ako nagpunta, may nakita kasi akong hayop, akala ko wolf, sinundan ko. Tapos hindi ko na alam nangyari, nandilim paningin ko." Pagkukwento ko.

Psh, hindi ako convince pero baka makalusot sa kanila.

"Hindi wolf ang nakita mo?" Tanong ni Davis. Napairap ako.

"Psh. Hindi nga at kung wolf man iyon sa tingin niyo mabubuhay pa ako?" Yan tama nga Zan, magsinungaling ka pa.

Pero napakuyom ako nang kamao ko nang maalala ang nangyari. Damn it, buti na lang talaga may mabait na werewolf. Psh, kung mabait nga ba, baka naman plano lang niyang pahirapan ako at ang loob ko sa mga nangyayari at sa nasaksihan. Tsk. Akala ko talaga kanina mamamatay na ako, akala ko katapusan na ng buhay ko.

At nakakapagtaka, kung ang malaking gray wolf na iyon ang Alpha na siyang leader nang pack na iyon, why he stop his men to attacked and killed me? Iyon naman ang intensyon nila diba? Kill and eat humans pero bakit nga kaya pinigil niya at bakit niya ako pinalaya? Damn, who he is? Isa kaya sa mga nakakasalamuha naming tao dito sa barangay kaya hindi niya ako pinatay?

And the girl, sino siya? Maganda siya, siya kaya ang Luna ng pack? Luna was the Alphas mate o asawa nang leader nang pack. Maaari.

What's really their plan why they let me free?

"Zan." Napapitlag ako sa pagkalabit nila. Bumangon ako at napahawak sa tiyan ko, kumulo ito, nagugutom na ako.

"Teka, kukunin ko lang ang pagkain mo." Ani Mila na agad lumabas nang kwarto ko. Nilingon ko ang alarm clock sa side table, pagabi na pala. Ilang oras ba ako natulog?

"Zan, ayos ka lang ba? Kung ano man nakita mo doon you can tell us naman. May mga Wolves ka bang naencounter?" Mahinahong tanong ni Kristen.

Napatitig ako sa kanya.

Vampire VS WerewolfNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ