Chapter 11: WEREWOLVES CAVE

682 29 0
                                    


ZAN'S POV

"May mga wolf dito sa Isla, sila ang muntik nang pumatay sa amin. Malamang sila ang may gawa nito kay Tomas at pati na din kay Mejay. Ang mga wolf na iyon. Ang mga wolf na takam na takam kumain nang tao, takam na takam pumatay." mariing sabi ni Kristen, kita ko ang galit sa mga luhaang mata niya.

Napakuyom na lang ako nang kamao ko. Wala na akong magagawa, they need to know who and what is behind it. Pero hindi ko sasabihin na werewolf at hindi simpleng wolf lang.

"Seriously? Wolf?" Bulalas ni Mila.

"Oo, wolf. Merong wolf dito. They are the suspect of this killing no other." Sabi ko.

Dinig ko ang pagsinghap nila.

"Geez, paanong nangyari? I thought it was just a folklore." Bulalas ni Eva.

"We think the same. But it is the truth." Anang Davis. Tumayo naman ako.

"Kristen, tumayo ka na. We don't have choice but to face this, we can't get out of this Island. Patatagin mo ang loob mo. Kailangan nating mabuhay at hindi matakot." Mariing sabi ko at giniya patayo si Kristen na natigil na din ang pag-iyak.

"Damn it. Hindi pala ako namamalikmata that night." Napalingon kami kay John.

"What you mean? Na nakakita ka na din?" Usisa ni Alvon.

"Oo, sa likod nang hotel, tatlong wolf. Akala ko namamalikmata lang ako o guni-guni, tinawanan ko pa ang sarili ko dahil nagpapantasya ako pero damn totoo pala." Pagkukwento ni John.

So, hindi lang pala kami nina Davis at Kristen ang nakakita nang wolf. Si John din, it is possible na meron pang iba? But why they let this happen, ang magpakita? Intentionally or accidentally lang na makita ni John? I don't know.

"Zan, what should we do?" Napatingin ako kay Davis. What should we do? Ano bang dapat naming gawin? Umalis nang Isla? Walang paraan na makaalis dito. Fight? May laban ba kami? Makakaya ba naming lumaban? Kahit na alam namin na wala kaming laban? Or let them kill and eat us? Damn, hindi ako papayag.

"Lets keep this. Pretend that we don't see anything. Pretend that we don't know anything. We don't know wolves, we don't know about it. Keep your mouth shut and don't be wrong to tell this to anyone." Mariing sabi ko sa kanila. Isa-isa ko silang tiningnan.

"But Zan, we need to tell this to all." Anang Eva.

"No. Hindi, keep this kung gusto niyong mabuhay." Bulalas ko na ikinatitig nila sa akin.

"But we--" I cut off Alvon.

"Just do please. Huwag kayong maingay. Damn ayokong may mapahamak ni isa sa atin. " galit ko nang singhal.

"Once we tell them, they will get panic, magkukumahog silang umuwi, mas lalong magagalit ang mga wolves, mas lalong mabubulabog sila. Mas lalo tayong mapapahamak. Minsan na ako nagkamali nang muntik ko nang masabi sa kanila about dito siguro it is the reason why they kill Tomas. I think it is my fault." Lintaya ko.

"Oo, may point si Zan. We need to be careful once they know na may alam tayo baka mas lalong mapapahamak tayo." Ani Davis.

"Si Kapitana, diba she know na may nakita tayo." Ani Kristen.

"Don't worry about her. Siya nga nagsabi sa amin na ilihim ito para sa kaligtasan nang lahat." Aniko.

Kung talagang mapagkakatiwalaan nga siya. Kung may werewolf dito malamang alam niya or maybe she is one of them too but what matter she is I should give a small trust. Huwag lang talaga siya ang leader dahil hindi ko alam kung kakayanin ko.

Vampire VS WerewolfWhere stories live. Discover now