Chapter 7: Meet Greg

784 28 2
                                    


ZAN'S POV

Maingay ang bahay ni Kapitana, maraming tao dagdag pa naming magkaklase, lumabas na din ang kakulitan at ingay nila. Ngayon ang selebrasyon sa bahay ni Kapitana at imbitado kami.

Pero kinakabahan ako na ewan. Ang kwintas panay din pag-init niya pero minsan mawawala pero iinit din.

Hindi ko na lang pinapansin, I know what it means dahil alam kong sa paligid namin ngayon may ilang werewolf itong nadedetect or other creature.

I should be alert pero enjoy the night too. Wala din naman sigurong mangyayari sa amin dito, we're here  at Captains house, hindi naman siguro niya kami pababayaan.

Napatingin ako kay Kristen, tahimik pa din ito although ngumingiti na rin. Napahinga ako nang maluwag.

At least unti-unti na siyang umaayos.

Napatingin kami sa gitna nang mini stage nang tumuntong doon si Kapitana, medyo humina din ang music.

"Good evening everyone, lalong lalo na sa mga students na bisita natin. Enjoy your night here." ani Kapitana.

Ngumiti naman kami. After niyang sabihin iyon agad na siyang bumaba nang mini stage.

"Tsk. Kinakabahan ako." napatingin ako kay Mila, seryoso siyang nakatingin sa mga tao.

"Bumalik na lang kaya tayo sa hotel." ani Eva naman.

I heave a sighed

"No, it's better to stay here." seryoso kong sabi at tiningnan sila isa isa.

"Pero Zan iba talaga pakiramdam ko." ani Mila.

It's better to stay kung saan ang karamihan kaysa bumalik kami nang hotel, malayo din iyon at hindi namin alam baka bigla na lang kami dambahin nang mga lobong iyon, hindi namin alam baka isa sa mga taong nandito binabantayan kami, pinagmamasdan mga galaw namin at kung aalis kami malaki ang chance na mapapahamak kami, it's night, at hindi namin saulo ang baranggay. It would be hard for us to find a safe place kung sakaling sugurin kami.

I don't act nega, I am just thinking things that's really possible to happen. Mas mabuti nang nag-iisip muna bago kami magpadalos dalos. Our life is the main topic on here.

"Zan, gusto ko nang magpahinga." napatingin ako kay Kristen.

"But we are not safe kung babalik tayo na wala ang iba." aniko.

"Bakit Zan? Anong kinakatakot mo? " tanong ni John.

"May kinalaman ba ito sa nangyari sa inyo?" usisa naman ni Eva.

Nag-isip agad ako nang dahilan. Hindi lo naman pwedeng sabihin about sa mga wolf or werewolf.

"We are being warned, diba delikado ang lumabas kapag gabi." sagot ko lang.

"Hindi naman magiging delikado kung magpapaalam tayo, I am sure ipapaguard niya tayo sa taga dito para maging safe tayo." ani Alvon naman.

Kinabahan ako lalo sa sinabi nito. The most dangerous was to be with people of this Island. Hindi namin alam na baka isa na siya sa mga werewolf na nakaharap namin nina Davis at Kristen.

"No, it would never be safe, kahit pa ipagurad niya tayo." sagot ko.

Napatingin sila sa akin, tumitig ako kay Davis. Umiwas siya nang tingin at sumandal sa kinauupuan niya. Parang sinasabi niya na bahala na akong pumigil sa kanila at magpalusot.

Napakunot noo. Medyo nainis ako sa inakto niya. Tsk. Ano bang iniisip nang isang 'to?

"Zan, just tell us kung bakit ayaw mong bumalik tayo. Is that only your reason? Na baka mapahamak tayo?" Mila said.

Vampire VS WerewolfWhere stories live. Discover now