Chapter 8: First Victim

804 23 0
                                    

ZAN'S POV

Naalimpungatan ako sa ingay nang paligid.

Geeez, masarap pa kaya matulog. Nakakaistorbo. Nagtakip ako nang unan sa taenga pero may yumuyogyog sa akin.

"Ano ba." Bulyaw ko pero hindi ko inaalis ang unan.

"Zan, gising na bumangon ka. Zan." Boses ni Eva. Pero hindi ko pinansin mahigpit kong hinawakan ang unan at idiniin sa taenga.

Pero may humablot nito.

Napabangon ako nang wala sa oras.

"Geeez, ano ba. Nakakaistorbo kayo." Nakapikit kong sigaw.

"Damn it Zan, mag-ayos ka na babalik na tayo nang Hotel. Something happen." Napamulat ako. Seryosong nakatingin si Davis sa akin, napatingin ako sa iba, si Kristen natatakot na naman na umiiyak habang yakap kay Mila, si John nakasandal sa pader na parang natulala, si Alvon nakaupo sa sahig at nakayuko, si Eva nakacross arm na hindi maipinta ang mukha, si Mila tila galit.

"Anong problema?" mahinang tanong ko. Napatingin sila sa akin pero walang nagsalita.

Bumaba ako nang kama at pumasok nang banyo at naghilamos at nagsipilyo. Mukhang ang late nang gising ko ang problema nila.

After ilang minutes lumabas na ako, still we're wearing our party dress.

Tahimik sila habang nasa ganong posisyon pa din. Sinuot ko ang converse ko.

"Let's go." aniko nang matapos kong isuot ang dalawang sapatos ko pero wala uling nagsalita pero kumilos sila, nauna akong lumabas nang kwarto habang sila nakasunod sa akin.

Okay, what's with them?

Napakunot noo ko nang mapansin na halos lahat nang nadadaanan naming room namabukas may umiiyak, may hindi maipinta ang mukha, may natatakot, may nagwawala, ano ba talagang nangyayari?

Nilingon ko ang anim, tahimik pa din sila, magtatanong uli sana ako pero huwag na lang.

Bumaba kami nang hagdan, maraming tao ang nandoon kausap si Kapitana at Ms. Victoria. Nahagip pa nang tingin ko si Greg, napatitig ito sa akin nginitian ko lang siya at umiwas na agad nang tingin.

Napabuntong hinga ako nang mag-init ang kwintas. Again, detecting a creature pero hindi ko na lang din pinansin. Sinuot ko na pala ito kagabi after niyang maglaho. I should trust him. I should wear this as what he said.

Napatingin ako sa labas kung saan ang kumpulan nang mga tao. Naglakad ako papunta doon at sumilip sa kumpulan.

Isang nakaitim na bag na kasing laki nang tao ang nandoon. Nanlaki mata ko at kinabahan ako nang marealize na sisidlan ito nang tao.

May ilang kaklase namin ang nakaupo sa tabi nang itim na bag at umiiyak.

Napatakip ako sa bunganga ko sa pumasok sa isip ko.

" Zan, si Mejay." ani Eva. Nilingon ko siya, tumutulo ang luha niya. Napatingin ako sa iba na iwas na iwas ang tingin na umiiyak din.

Si Mejay?

Lumapit ako sa itim na bag at binuksan, napaatras ako nang makita si Mejay nga at wala na itong buhay, walang alinlangang dumaloy ang mga luha ko at napaupo ako.

She's dead. Why? How?

"Wha-what happened?" Halos pasigaw kong tanong. Nanginging na ang buong katawan ko sa takot, sa galit at sa awa.

"This is the cause of being a rule breaker." Napatingin ako sa nagsalita, si Kapitana seryosong nakatingin sa bangkay ni Mejay.

Tumayo ako.

Vampire VS WerewolfWhere stories live. Discover now