Chapter 26: The West Forbidden Forest

592 21 0
                                    


ZAN'S POV

Naalimpungatan ako dahil sa malalakas na pagkalabit sa balikat ko.

Pagmulat ko nakita ko ang isang magandang babae. Pinagmasdan ko siyang mabuti, she's familiar. Minsan ko na itong nakita, inalala kong mabuti kung saan ko ba ito nakita.

Napatitig ako sa mukha niya, sa hugis nito. Siya, siya iyong babaeng nagpalit anyo sa harap ko nong nasa forbidden forest ako napadpad at siya ang nagsabing umalis na ako tulad nang utos nang Alpha, utos nang malaking gray wolf.

Pinagmasdan niya ako nang mapupulang mga mata niya kaya napabangon ako agad, pero hindi ako natatakot sa kanya, ewan wala na ata akong kinakatakutan pa. Sa dami na nangyari sa buhay ko hindi ko na maramdaman pa ang takot sa mga nilalang na ito, siguro ang kinakatakutan ko nalang ngayon ay ang may mangyaring masama sa mga kaibigan ko. Iyon ang hindi ko matatanggap.

"Heto ang pagkain kumain ka na." Walang emosyong sabi niya. Napatitig lang ako sa binigay niyang pagkain. Karne, hindi naman siguro karne nang tao ito. Aist. Ano ba tong naiisip ko pero kasi posible, kumakain nga sila nang loob nang tao eh hindi malabong pati karne nang mga nabibiktima nila.

"Hindi ko alam kung anong iniisip nila kung bakit ka andito pero I warned you don't ever believe and trust them." Matigas niyang sabi. Napatitig ako sa kanya. Umiwas siya nang tingin.

"Kung hindi ka lang sana nangialam hindi ka niya pahihirapan. Kung si Alpha lang din wala sanang problema pero may iba pa kasi mas malupit, mas ikakapahamak mo, mas ikakapahamak niyo." Aniya tapos tinitigan na ako.

Pinagmasdan ko siyang mabuti, sa mga mapupulang mga mata niyang may bahid nang galit at lungkot.

"Hindi ko alam kung anong dahilan niya kung bakit ka niya dito dinala." Pinagmasdan ko siyang mabuti.

Siya ba ang Luna? Pero bakit siya ang nagdadala nang pagkain sa akin?

Tiningnan ko siya pababa napatigil ang mga mata ko at napatitig sa mga kamay niya, puro peklat ito. It is like she was worked so hard na dahilan nang pagkasugat-sugat niya pero why? Luna should always threat like a queen. Base sa mga nababasa kong about sa mga Werewolf, ang Alpha ang nakakaramdam kung para ba sa kanya ang isang babaeng werewolf dahil may iba pang pagkatao sa loob niya na nakakaramdam nang mga bagay-bagay pati na ang tamang babae para dito, his inner persona knows it at ang Luna ay ramdam din iyon na ang kaharap niya ay ang nararapat para sa kanya

And Luna is the second highest to all werewolves dahil partner at minamahal ito nang Alpha pero why this girl has these kind of scar? Why she brought this food here?

"Kung sana hinayaan mo na lang siya sa gagawin niya, sila sa gagawin nila hindi aabot sa ganito. Alam mo bang maraming kapalaran ang nagbago dahil sa ginawa mong pangingialam? "

Nabalik sa mukha niya ang paningin ko.

Anong sabi niya? Kung hindi ako nangialam hindi aabot sa ganito? Maraming kapalaran ang nabago dahil sa pagkapakialamera ko?

Anong pinagsasabi niya? Hindi ko maintindihan, hindi ko magets pinupunto niya.

Ano bang kapalaran ang nabago ko? Kung hinayaan ko ang lahat, tulad nang hindi ko pagligtas kay Abby, namatay nga ito, ang hindi ako naging curious sa mga bagay-bagay sa paligid, hinayaan kong mabiktima kami nung hinarang kami nang mga taong lobo, kung hindi ako pakialamera? Ano pa ang dapat hindi ko ginawa para sana hindi kami umabot sa ganito? Para hindi nagbago ang mga kapalaran? Ano sana ang nangyari? Hindi ba mamamatay si Alvon? Hindi ba sana kami nakakulong dito? Malaya na ba sana kami? Ligtas at makakauwi?

Nagulat ako nang bigla niya akong hablutin sa braso.

"Kumain ka na. Huwag kang mag-inarte, hindi ka pwedeng manghina at matalo, you need to fight." Napatitig ako sa mga mata niya, I saw there's a line of concern in it but suddenly it changed by anger. Binitiwan niya din ako.

Vampire VS WerewolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon