Chapter 13: Another Killing Incident

631 17 0
                                    


ZAN'S POV

Napabuntong hinga ako. Oo nagsinungaling ako, ayokong malaman nila na may alam ako pero kung isa sila sa mga werewolf alam naman nila kung ano talaga, kailangan ko lang talagang magsinungaling para itago ito sa mga kaibigan ko.

Hindi nila pwedeng malaman na werewolf ang mga suspek sa pagkamatay at kapag nalaman nilang nakaencounter ako nang mga werewolf paniguradong uusisain nila ako kung paano ako nakaligtas, kung sino ang tumulong sa akin, tsk. mahaba habang paliwanagan ang mangyayari, ayoko pa naman ang mahabang kwentuhan.

Napatingin ako sa pinto kakaalis lang nila Kapitana kasama ni Greg at iba pa.

"Psh. Concern ba talaga?" Napatingin ako kay Davis. Nakakunot ang noo niya na nakatingin din sa pinto. Siguro may nararamdaman din siyang kakaiba.

Napahawak ako sa kwintas ko, malamig na ito. Malamang ang tatlong lalaking iyon ang nadetect nito and the proof I saw, pero bakit ganon?  Kung werewolf sila maaaring werewolf din sina Kapitana pero bakit hindi detected nitong kwintas?

May mga bagay na talagang mahirap iexplain. Hindi mo sasagot ang mga tanong kung hindi mo makikita mismo, kung hindi mo maririnig mismo, kung ikaw lang mismo ang maglalagay nang conclusion o meaning paniguradong mali ka din, dahil hindi lahat magiging tama kung hindi mo mismo masasaksihan.

Kaya ang mga katanungan sa isip ko ay may naghihintay na tamang kasagutan, just be patience and don't let curiousity leads you.

"Zan. You detected something right?" Napasulyap ako kay Kristen, nakatingin siya sa kamay kong hawak ang kwintas. I heave another sighed at sumandal sa headboard.

"Don't be curious Kristen hindi mo kakayanin." Seryosong sabi ni Davis.

Napakunot noo ko sa sinabi ni Davis pero hindi na din ako nagsalita.

"Zan, kung ano man ang mga nalalaman mo we can wait until you told us." Ani Kristen.

Tumayo ako at naglakad papunta sa bintana, andito pa din silang anim, may kanya-kanyang ginagawa. Tinanguan ko lang si Kristen.

I open the window, umihip ang malamig na hangin. Nilibot ko ang paningin sa madilim na gubat. I feel someone is looking at me right now, hindi na ako nakaramdam nang kilabot maybe because nasanay na ako na ganito lagi bawat gabi, the feeling of someone is secretly looking at you.

Maybe meron talagang nakatingin from the dark forest, kung sino at ano man iyon sana hindi sila ang pumapatay, malakas ang kutob ko na ang mga werewolf na iyon ang pumapatay, kasi hindi ako natatakot sa ibang nilalang na meron ang Islang ito kung meron nga talaga pero sana wala, sana walang werewolf, sana panaginip lang ang lahat, itong nangyayari sa amin.

Muling umihip ang malamig na hangin, humalikipkip ako. Muli kong tiningnan ang paligid.

Another night, I wish no one will die hanggang sa makauwi kami. Two is enough.

"Sana bukas uwian na." Dinig kong sabi ni John.

"Sana nga. Mukhang wala nang surveying na mangyayari." Anang Eva naman.

"Alam niyo napapaisip ako. Talaga bang surveying ang pinunta natin dito? O maging pagkain nang mga lobo." Anang Mila naman.

Napasulyap ako sa kanya. Kailan pa natutong mag-isip ang bruhang ito?

Pero sa sinabi niya parang may something. Like what I've thinking, parang plinano itong pagpunta namin, maaari nga bang pinapunta kami dito para maging pagkain?

Kung plinano nila ito alam kaya ito ni Prof Joanne? Damn it, isa din ba siya sa mga werewolf?

"Aist. Huwag na nga kayong mag-isip nang kung anu-ano. Tinatakot niyo lang sarili niyo." Ani Davis.

Vampire VS WerewolfWhere stories live. Discover now