Chapter 33: Feelings

641 21 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

"Don't worry hindi namin kayo kakagatin." Walang emosyong sabi ng isang lalaki kina Davis. Nagkatinginan sina Davis at Mila. Napansin siguro nang mga bampira ang madalas na pagsulyap nila sa mga ito.

"We know you were afraid but you can trust us." Anang babaeng maikli ang buhok. Alinlangang tumango si Mila.

"Tsss. Huwag lang kayong lumabag sa rules." Anang mahaba ang buhok na siya namang tinitigan ni Davis ito. Nasa hapag kainan sila at naroroon silang lahat maliban kay Zan na natutulog.

They're shared foods, iyon nga ang kinamangha nina Mila at Eva dahil kumakain pa din nang pagkaing pangtao ang mga ito dahil ang alam nila na dugo lang ang nagpapabuhay sa mga bampira pero ngayon heto kita nila ang kinakain nang mga ito.

"Stop staring me." Bulyaw nang babaeng may mahabang buhok kay Davis. Hindi kasi inaalis ni Davis ang tingin dito. Umiwas naman nang tingin si Davis.

"I-I just... Arrg. You look familiar." Ani Davis. Tumaas ang kilay nang babae.

"Familiar?" Ani Abby.

"Have you seen her?" Usisa nang babaeng maikli ang buhok kay Davis na binalingan naman ito nang tingin.

"And you. You look familiar." Ani Davis. Medyo nashock naman ang babaeng may maikli ang buhok pero alam nila ang totoo.

"So, saan mo sila nakita?"usisa ni Abby.

" Huwag ka nang sumabat." Mahinang singhal ni Eva kay Abby.

"Bakit ba? I just want to ask." Sabat ni Abby.

"Shut up." Mariing sabi ni Mila. Nag-irapan pa ang dalawa.

"Sasabat talaga ehh no. Kahit kailan ang babaeng 'to." Ani Eva kay Mila.

"Hindi pa ba kayo nasanay?" Ani Carren naman. Inirapan ito ni Mila.

Napairap naman ang Prinsepe, habang ang iba napapailing na lamang sa ginagawa nang mga humans.

"Tsss.. Mamaya na kayo magkwentuhan. Kumain muna kayo." Anang masungit na lalaki. Hindi na umimik sina Mila at Abby, si Davis napasinghap nalang naiinis man siya wala siyang magagawa dahil hindi ordinaryo ang mga may-ari nang tinutuluyan nila, natatakot siyang mapahamak sila.

"Sa harap nang hotel ang nalaglag ang mga dala, remember." Anang babaeng maikli ang buhok kay Davis.

Napaisip si Davis pero naalala na din niya. Napatingin silang lahat kay Kristen nang tumayo ito.

"Saan ka pupunta?" Mahinang bulong ni Eva.

"Sorry, kailangan kong bantayan si Zan." Anang Kristen sabay yuko para magbigay galang. Aalis na siya dapat pero may nagsalita.

"Don't worry about her, she's safe and fine there." Anang lalaking walang emosyon ang mukha.

"Sorry, I wanted to be in her side." Mariing sabi ni Kristen tapos umalis ito.

"Sorry about that, talagang close ang dalawa." Ani Mila. Nagkatinginan lang ang mga bampira at kibit-balikat.

Binuksan ni Kristen ang kwartong kinaroroonan ni Zan, napangiti siya nang makita itong mahimbing na natutulog pero napalis ang ngiti niya nang makita ang nga sugat at galos ni Zan sa paa at sa iba't-ibang parte nang katawan.

Napabuntong hinga siya at pumasok.

Nilapitan niya ito at kinumutan nang maayos.

Naupo siya sa tabi nito at pinagmasdan ang kaibigan. Sa lahat nang kaibigan niya kay Zan siya sobrang close.

Vampire VS WerewolfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon