Chapter 45: Poker

406 18 1
                                    


POKER

ZAN'S POV

"Ayos ka na ba? Sigurado ka?" Ilang beses nang usisa ni Kristen, dalawang araw na akong nakapagpahinga, medyo kumikirot pa ang sugat ko pero hindi ako pwedeng mahiga na lang, nakakapagod din ang buong araw na ganon.

"I am, Kristen." Sagot ko, pababa kami nang hagdan at todo alalay siya.

"Zan." Napangiti ako sa kanila nang makarating kami nang sala.

"Bakit ka bumaba? Di ka pa pwedeng maglakad nang matagal baka dumugo sugat mo." Ani Ozy.

"'Yan pinagalitan ka nang tatay mo. I mean nang jo--" naputol sasabihin ni Ansen nabg tinakpan ni Johen ang bunganga nito sa utos ni Ozy.

"Manahimik ka nga Ansen, you're so digusting." Singhal naman ni Damie dito. Kaya nga ako bumaba because I want to see and heard them like this, sa kwarto mag-isa lang ako, kung aalis si Ozy, or Haven, Davis o si Kristen nilalamon ako nang lungkot at hindi ko maiwasan na isipin ang mga humans na nanganganib dito.

Oo silang apat ang palit palit na nagbabantay sa akin kahit di naman needed talaga, bumibisita din ang iba pero hindi tumatagal ang apat na 'to ang talagang nagstestay lalo na si Ozy at Haven.

Napasulyap ako sa dalawa, nasa magkabilang side sila, Haven as usual nagbabasa nang libro at si Ozy na nakikipaglaro nang jenga sa iba. Ramdam ko na naman ang halong tibok nang puso ko para sa dalawa pero sinusubukan kong pigilan.

I heave a sighed. Hindi ko alam kung bakit hindi ko kayang iwasan ang isa sa kanila kahit na nong nagdaang araw namili na ako at si Ozy ang pinili ko pero hindi ko kayang pigilan itong puso kong tumibok nang kakaiba kay Haven, I don't know why, until now hinahagilap ko pa din kung ano ang sagot, hindi ko pa din maintindihan lalo na nang halikan niya ako, I didn't feel hate or inis sa ginawa niya, oo guilt meron guilt dahil parang pinagtaksilan ko si Ozy and hoodie guy na hindi pa din nagpapakita hanggang ngayon.

Arrrg, that hoodie guy, hindi ko maiwasang mamiss siya. Asan na kasi siya? Ilang linggo na pero ni minsan di na siya nagpapakita, ano bang nangyayari sa kanya?

"Hey!" Napapitlag ako nang may kumalabit sa akin.

"Maupo ka, kanina ka pa nakatayo diyan, ano bamg iniisip mo?" Lexie said.

"Masama pa din ba pakiramdam mo?" Napailing ako sa tinanong ni Eva.

"I am fine, may iniisip lang. Okay, nevermind." Aniko then naupo sa gitna nina Damie at Carren.

Nagsisigawan na sila sa paglalaro nang jenga, Abby, Mila, Davis, John, Ozy, Ruco, Davel, Lieven, Kristen and Alex.

"Sila lang nag-eenjoy." Anang Damie.

"Bakit di ka kasi sumali." Ani Lexie.

"'Yoko nga." Agad na sagot ni Damie, kita kong inirapan nito si Davis. 'Yon, 'yon ang reason why she didn't join.

"Maglaro din tayo, ahmm card." Aniko. Nilingon ako ni Damie.

"What kind of game?" She asked.

"Poker." I said smiling.

"Oh, oo nga pala. Wait meron kami, kukunin ko." Lexie said na mabilis na umalis.

"Well, I knew that. Sige, sino naman isang kasama natin?" Damie asked. Nilingon ko si Carren.

"Sorry di ako marunong." Napabuga ako nang hangin, ginala ko tingin ko, Ansen shook his head. Aist. Napatingin ako sa taong nasa sulok na nagbabasa pa din nang libro.

"Haven." Lingon ko kay Damie. Ngumisi si Damie.

"Oo, alam niya 'yan. Wait." She said then bigla naglaho at sa tabi ni Haven siya lumitaw, kita kong kinulit niya ito at si Haven naman mukhang naiinis na, sumulyap ito sa akin nakakunot noo tapos inis na tumayo. Akala ko magwowalk out siya pero mali ako dahil naglakad ito papunta sa direksyon ko, oh my, kumalabog na naman ang dibdib ko nang sobrang lakas.

Vampire VS WerewolfWhere stories live. Discover now