Chapter 43: They're in danger

421 18 1
                                    

THEY'RE IN DANGER

ZAN'S POV

"Huwag niyo nang ituloy, manatili na lang tayo dito." Mariing sabi ko sa kanila. Tumigil sa ginagawa niya si Mila then tiningnan ako, ang iba maang na napatitig sa akin.

"Zan ano bang pinagsasabi mo? Naghihintay na sila sa atin sa hotel." Kristen said. Tiningnan ko siya nang seryoso.

"Zan, bakit bigla mong sasabihin iyan? Pinigilan ka nila? Bakit?" Mila asked.

"No, hindi nila ako pinigilan. Tama naman sila, paglabas natin werewolves was waiting, mapapahamak lang tayo hindi pa man natin nararating at nakikita pamilya natin sa hotel." Turan ko.

"Makakarating tayo don, magagawa natin, lalabanan natin sila." Abby said. Tiningnan ko ito.

"Lalabanan? Nagpapatawa ka ba Abby?" Aniko.

"Zan remember nakarating tayo dito na walang napahamak, natakasan natin sila, at magagawa natin iyon ngayon." Carren said.

Nakuyom ko kamao ko.

"At sa tingin niyo ganon kadali? Baka nakakalimutan niyo, si Zan ang gumawa nang paraan para makarating tayo dito nang ligtas." Davis said. Natahimik sila. Napabuga ako nang hangin.

"Please huwag niyo na lang ituloy itong gagawin niyo, mapapahamak kayo." Sabi ko.

"So, balak mong manatili dito kaysa sumama at makita ang pamilya natin?" Eva said.

"No, not that!" I shouted.

"Balak kong pigilan kayo at hindi ako titigil hanggat di ko kayo napipigilan." Mariing sabi ko.

"At hindi mo naman talaga kami mapipigilan Zan. Buo na disesyon namin, kung ayaw mong sumama edi huwag. Kami ang gagawa nang paraan para makarating don nang walang napapahamak. " seryosong sabi ni Mila.

"Zan, sumama ka please." Ani Kristen na hinawakan kamay ko.

"Nagdisesyon na siya Kristen, huwag mo nang pilitin dahil hindi na iyan magbabago." Ani Mila na sinamaan ako nang tingin at hinila si Kristen palayo. Nakuyom ko na naman kamao ko. Bakit di nila naiintindihan? Kaligtasan lang naman nila ang iniisip ko ehh.

"Zan, naiintindihan ko ang gusto mong sabihin at itong ginagawa mo pero sasama ako sa kanila, gagawin ko ang makakaya ko para protektahan sila." John said.

"Please huwag niyo nang ituloy. Stay here mas safe kayo." Aniko.

"Stay here and what Zan? Watch na mamatay ang mga pamilya natin?" Carren said. Tiningnan ko silang lahat.

"At sa tingin niyo makakaligtas sila kung pupuntahan niyo sila? You'll both die in werewolves hand." Mariing sabi ko.

"It is better to die with them, makita at makasama silang mamatay is much better than stay here and let them die." Bulyaw ni Mila, natigilan ako sa sinabi niya, napatitig ako sa kanya.

"Oo paniguradong mamamatay kami doon pero may chance na mabuhay at makaalis kung ngayon palang, maaga palang sasabihin na sa kanila kung anong meron dito at kung anong mangyayari at nangyayari, magtutulungan kami para makaalis sa lugar na ito." Ani Mila pa.

May humawak sa balikat ko.

"Zan nagdisesyon na sila at iyon na ang gagawin nila, sasamahan ko sila, namin ni John, poprotektahan namin sila hanggang makarating nang hotel. Kung ayaw mong sumama okay lang iyon, dito ka na lang . I'll talk to your Mom or to your Dad and explain it to them." Davis said.

Yumuko ako at lalong kinuyom kamao ko.

"Zan." Davis called me.

"Walang ni isa sa pamilya ko ang sumama." Mahinang sabi ko.

Vampire VS WerewolfWhere stories live. Discover now